Ranked #35: Legendary vs. Legendary • Part 5

130 27 1
                                    

Chapter 35: Legendary vs. Legendary • Part 5

Jeremy's Point Of View

Skull slammed his feet first to the ground cracking every soil near it bago mabilis na umabante papalapit sakin sabay mabilis na nagpakawala ng isang malakas na suntok gamit ang kanang kamao niya tungo sa mukha ko.

Kaya't mabilis ko din namang inihilig pakanan ang leeg ko sabay paikot na iwinasiwas ang paa ko sa kanang tagiliran niya pero mabilis din naman niyang nasalubong ng sipa ang paa kong yun gamit ang kaliwang paa din naman niya sabay mas lumapit pa sabay buong lakas ding pinabulusok ulit ang kaliwang kamao naman niya tungo sa direkta ng dibdib ko.

Kaya't mabilis ko din namang naisalag ang kanang palad ko sa kamao niyang yun sabay ding pinakawalan ang kaliwang kamao ko at tumama yun sa mismong mukha niya. He felt dizzy for a bit pero hindi man lang napaatras at napapikit lang saglit at nakabawi lang din ulit.

At nung sandaling aatake na ulit siya mabilis ko din namang inupper-cut siya pero sa saglit na sandali ay nagawa pa nitong maiharang ang isa niyang palad sa baba niya at dun tumama ang suntok ko na napigil din naman niya.

Sabay niya yung hinigpitang hawakan sabay tinwist yun ng sobrang lakas kaya't saglit akong napadaing sa sakit sabay mabilis din naman niyang pinatid ang isa kong paa mula sa likod na bahagi nito at sinabayan pa niya ng pagtulak ng braso ko kaya't mas lalong bumilis ang pagkakabagsak ko sa lupa back first.

At sabay din nun ay mabilis siyang tumalon paitaas ko ng halos tatlong metro lang din ang taas mula sa lupang pagkakahiga ko ay parang shooting star itong bumulusok ng sobrang bilis at kasabay nun ay pinabulusok niya ang kamao niya patungo sa mismong mukha ko para durugin ito hangga't hindi pa ako nakakatayo.

Pero mabilis ko din namang buong lakas na iginalaw ang sarili ko para makapagulong sa gilid ko at kung sakaling hindi ako kaagad nakakilos o nakaalis dun ay tiyak durog nadin ngayon ang mukha ko gaya ng pagkawasak ng lupang tinamaan ng kamao niya. Napuno ng usok ang paligid kung saan tumama ang suntok niya.

At kasabay din naman nung sandaling makatayo na ako mula sa aking pagkakagulong ay sobrang bilis din namang nakalapit sakin si Skull sabay mabilis na nasuntok ang tiyan ko gamit ang kanang kamao niya.

Napadaing ako sa sobrang sakit at napasuka ng dugo dahil tila nag penetrate ang kamao niya sa mismong tiyan ko pero hindi pa umabot sa puntong tumagos na ito sa katawan ko. If ever may gauntlet siya, malamang nangyari nayun.

Pero sa kabila ng napakasakit na atakeng yun ay mabilis ko din namang nahawakan ang ulo ni Skull ng dalawa kong kamay kaya't hindi ako tuluyang tumalsik. Nagulat si Skull sa ginawa ko at hindi kona siya hinayaan pang maka react at hinila pababa ang ulo niya sabay sinalubong ng tuhod kong malakas na pumaitaas din sa harap.

Tila nadurog ang buto sa ilong niya dahil sa malakas na impact nun kaya't sabay kaming napaatras papalayo sa isa't-isa ng halos apat na metro ang aming pagitan bago ako napaluhod sa lupa gamit ang isa kong tuhod sabay napahawak sa dumudugo kong tiyan.

Si Skull naman ay napahawak sa kaniyang ilong at napansin ko ang saglit nitong pagpikit dahil tila nahilo ito saglit.

Bumagsak hanggang 51% ang LB ko, habang kay Skull naman ay 51% lang din—how peculiar is that.

"So, will you tell me it now..?" Bigla kong tanong rito na kaniya din namang ikinakunot ng noo.

"Tell you what." Saad din naman nito at napabuntong-hininga ako.

"Kung bakit mo ginawa yun lahat? Kung ano ang mga rason mo?" Tanong ko rito.

Sandali siyang tahimik at hindi ko alam kung sasagutin ba niya yun o hindi. Pero hindi din naman nagtagal ay nagsalita na nga siya. "They have a clan. A powerful one. Sila ang nag alok sakin na guluhin ang buhay mo. But it's to protect you—believe me. Wala akong masamang intensiyon bukod dun."

War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon