Chapter 29
Fade away
•••••••••••••••••••••••••••••••••
"Nasan kana?" tanong ni Brayden ng tumawag sya sakin.
"Akala ko 7:30 kapa darating? Magbibihis palang ako Bray." nag init ang pisngi ko sa nasabi. Nakatapis ako ngayon ng tuwalya habang kausap si Brayden sa cellphone. 7:10 palang kaya may oras pa ako para magbihis. Kumain na rin ako kaninang bago maligo.
"Arg! Okay. Nasa car park na ako. Hihintayin nalang kita rito." sagot naman nya.
"Oh sige." saka ko binaba ang tawag. Ang aga naman ng mokong na un?
15mins ay natapos na ako magbihis. Nakaminiskirt ako ng mint green at midriff top na white. Nakalugay lang ang buhok. Pasada lang ng lipgloss at powder ay okay na.
Nadatnan kong nakahilig si Brayden sa Toyota Fortuner nya habang nakapamulsa. Naka khaki short lang sya at polo shirt na stripe. Kahit side view ay napakagwapo parin nito.
"Hi!" gulat ko sakanya. Napahawak naman sya sa dibdib.
"Whoa! You, silly girl" aniya sakin at tumawa. Nakakatawa ang mukha niya. Magugulatin pala sya. Hahahaha. Sa laki niyang iyan.
"Magugulatin ka pala eh" sabay tawa ko.
"Ang kulit mo talaga. Halika na nga." sabi niya at binuksan ang pinto ng sasakyan nya. Pumanhik naman ako roon.
Kasalukuyang tinatahak namin ang Billgates Ave. ng tanungin nya ako.
"Are you sure you'll gonna meet your boyfriend's.. Wife?..." mahinahon nyang tanong.
I suddenly smiled. Napag-isipan ko na iyon kagabi habang nakahiga sa kama. Oo. Handa na akong harapin si Lyra. Ilang buwan din kaming magkasintahan ni Kevin kaya kailangan kong maliwanawan sa lahat. Kung kailan pa sila mag-asawa. Kung sila na ba bago pa maging kami. Hindi ko alam pero ready na ako sa magiging kahahantungan ng pagkikita namin. Maging ni Kevin.
"Yeah. Kailangan eh. Tsaka I still want to know the whole truth. Kung rebound lang ba ako o mistress na pala sa loob ng ilang buwan" natatawa kong sabi. Kumunot naman ang noo ni Brayden habang nakatuon ang atensyon sa dinaraanan namin.
"Marionne, don't act as if it is okay. As if you're okay." ani nya.
"I am not. Tsaka okay na ako. At haharapin ko sila." mataray kong sabi. Maging ako ay hindi makapaniwala sa desisyon ko. Bahala na si Batman. Pero kailangan kong harapin si Kevin at Lyra.
Hindi na muling umimik si Brayden. Nakabibinging katahimikan ang bumalot samin hanggang makarating kami sa Allegany University. Pagkapark nya ay ipinagbukas nya ulit ako ng pinto. Agad na naglipana ang mga mata ng tao saamin. Sino ba naman kasi ang hindi makukuha ang atensyon kapag dumating na si Brayden, at kasama nya ako. Narinig ko rin ang bulong-bulungan.
"Sino yan?"
"Bakit sya kasabay ni Brayden?"
"Patay yan sa NZ's babies"
"I know her! She's from Fine Arts Dept. Iyong tinambangan ni Reinee and the gang"
Kumunot naman ang noo ko. Tumingin ako sa nakangising si Brayden.
"Ts. Don't mind them. Hindi ka nila masasaktan. By the way, kita nalang tayo maya sa Lieu. Dun kita hihintayin after class." sabi niya at kumindat pa sakin bago nagmartsa paalis.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤