After paying, we went out and decided na mag Grab nalang papunta sa cafe na sinasabi ni Luke. There were not much people when we got there. I looked around and saw Luke sitting in the corner kaya inaya ko si Liz na currently nagcecellphone papunta dun sa inuupuan ni Luke. We both sank down agad sa couch dahil sa sobrang pagod kakaikot."Umorder ka na?" Liz asked Luke who was also on his phone.
"Hindi pa. Malay ko ba kung ano gusto niyo." He answered and shrugged kaya nainis si Liz dahil kanina pa siya gutom at akala niya pagdating namin ay nakaorder na si Luke.
"Ugh kaloka fine. Ako na oorder. Dito na kayo." Sabi niya at tumayo upang magpunta sa counter dahil according sa nakalagay na papel sa table ay sa counter daw dapat umorder.
Naiwan kaming dalawa ni Luke na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kanyang cellphone. I looked around the cafe and honestly ang ganda ng ambiance dito. It's a perfect spot to hang out with friends or to study since katapat lang niya ang UST. Bumalik ang tingin ko kay Luke na nakatingin na pala sakin ngayon. He took a paper bag and placed it in fromt of me.
"Ano 'to?" I asked frowning. Tiningnan ko ito at napagtanto na galing pala ito sa store na pinasukan naming tatlo kanina.
"Regalo ko sayo." He simply answered at ibinalik ang kanyang tingin sa cellphone niya.
I opened the paperbag and saw the pink midi dress he first showed me kanina."Hala Luke. Ang mahal nito ah. You didn't have to." I told him. Ibinalik ko yung dress sa paperbag at itinulak papunta sa kanya but he stopped my hand.
"It's alright Arin. Naisip ko lang na it would look great on you. Tanggapin mo nalang." He smiled slightly so I smiled back.
The Lim twins are very generous. Simula ng naging magkakaibigan kami never silang naging madamit sakin. They know my situation. Pero kahit ganon pa ay I try my best na huwag humingi ng tulong sa kanila kapag hindi naman ganun ka importante. I don't want to abuse their kindness. Minsan, kapag nakakaluwag ako ay sila naman ang nililibre ko.
"Oy oy ano yan. Nako Arin magiging sis-in-law na ba kita??" I snapped back nung biglang nagsalita si Liz. Luke and I immediately removed our hands from the paper bag and looked away. Seriously what is she trying to imply?
"Shut up Liz. It's just a gift." Luke explained. Liz looked at me and tumango naman ako agreeing with her twin dahil baka kung ano ano na namang idea ang nabubuo sa utak niya ngayon
"Ay bakit birthday ba ni Arin?" Tanong pa niya at siniko ako na ikinagulat ko naman. Wala na sigurong magawa tong si Liz kaya nangtitrip na naman. I took my water bottle upang uminom nalang ng tubig dahil sa pagod ko kanina.
"Oh di ka makasagot. Sabihin mo nalang kase na gusto mo siya." Bigla akong nasamid sa sinabi ni Liz. I took some tissue to wipe my mouth and looked at Luke who was glaring at his twin.
The atmosphere suddenly became tense and awkward. The twins were looking at each other. One was grinning and the other giving his sister a death glare for what she said which I feel like is a complete joke lang. There's no way Luke would like me. We're just really close friends dahil na din magkapitbahay kami. He treats me like his sister and I treat him the same. Right now, I'm feeling pressured to say something para mabreak yung pagkaawkward. I kept thinking ng pwede ko maopen na topic pero kahit ako ay nabablanko din ang isip ngayon.
"Table 5!" I was about to open my mouth ng biglang may sumigaw.
"Oh! Pede ikaw na kumuha Arin? Salamat hihi." Tanong ni Liz. She winked at me so I gave her a weird and confused look. Kinuha ko nalang yung resibo sa table at tumayo upang kunin yung order.
Pagdating ko sa counter ay walang tao kaya naghintay pa ako ng saglit. Maya-maya ay may lumabas na babae mula sa kitchen siguro na may dalang tray. Ipinakita ko sa kanya ang resibo bago muling tumingin sa kanya. She's probably around our age or a little older. Part-timer siguro siya dito.
"Here is your order ma'am. Enjoy." Nilapag niya sa harap ko ang tray at nilagyan ng tissue ang tabi nito at saka itinulak para makuha ko.
"Thank you po." Sagot ko at kinuha ang tray ngunit mabigat pala ito. Bakit naman kase andaming inorder ni Liz. Parang huling hapunan na namin 'to. Andami din drinks na for sure ay hindi naman niya mauubos. Napailing nalang ako at nagfocus sa pagbuhat ng mabigat na tray.
"Kaya mo ba miss? Sandali papatulungan kita." Tanong nung babae sa cashier ng mapansin niya na hindi ako mapakali sa pagbuhat nung mga pagkain.
"Okay na po ata ate." Sabi ko nalang dahil ayoko namang makaabala pa ng iba dito. Kinuha ko ang tray at sinubukang huwag muna huminga kase baka umalog at tumapon pa yung drinks. Lumingon ako kela Liz at Luke ngunit busy ang dalawa sa kanilang mga cellphone.
"Hindi sige na. Sakto! Yang Jungwon! Halika dito." Sigaw niya nang bumukas ang pintuan ng cafe. Gusto ko sanang lumingon upang tingnan ung tinawag niya pero hindi ako makagalaw dahil sa dala ko.
"Tulungan mo—"
"Arin! Dapat nagsabi ka na kailangan mo ng tulong edi sana sumama na ako." Naputol ang sasabihin nung babae nang dumating si Luke at kinuha mula sa kamay ko ang tray ng pagkain. Lumingon ako upang tingnan yung tinawag niya ngunit wala ng tao.
"Oh! Luke Lim?"
YOU ARE READING
7300 Hours | YJW (ON-HOLD)
FanficKim Arin's dream finally came true, she can see again. One day, she meets Yang Jungwon, a medical student, who convinces her to accompany him in fulfilling his bucket list in a span of 10 months. Was it destiny that brought them together or is it so...