"Bora!"
Mula sa pagsusulat sa notes ay nag-angat ako ng tingin kay tita na professor namin ngayon sa huling subject namin sa tanghali. Kumurap-kurap ako.
"May naghahanap sa'yo sa labas."
"Ah, sige po."
Mabilis kong binaba ang ballpen ko at nagtungo sa labas. Napaawang ang aking bibig ko nang bumungad sa akin ang pamilyar na babae, kahit ngayon ay maamo pa rin ang mukha nito, nakangiti at ang gaan sa pakiramdam na pagmasdan.
"Magandang tanghali po. Ano po 'yon?" nakangiting tanong ko sa mama ni Yandiel na may halong kaba. She must've knew that her son is at the infirmary, recovering himself from the strike of an airsoft gun.
"Deborah, narinig ko kasi nasa infirmary daw si Yandiel," panimula niya, natigilan ako. "Ayaw niya raw na ipaalam sa akin at baka mag-alala ako. Kahit maayos naman na siya, nag-aalala pa rin ako. Kaya lang, mas mag-aalala kasi 'yon kapag nalaman niyang alam ko nang na-hospital siya."
My lips remained parted. What should I say?
"Opo, gano'n nga po," pagsasabi ko ng totoo.
Ngumiti lang siya. "Gano'n talaga 'yon. Ilang beses na siyang naaaksidente o naitatakbo dito sa infirmary pero ayaw niyang ipaalam sa akin. Si Aiden lang ang nagsasabi." Humina ang boses niya at nanatili akong tahimik hanggang sa may ilahad itong malaking bag sa akin.
"Pwede bang pasuyo, anak? Lamigin kasi 'yon, kailangan niya ng makapal na kumot. Tapos mga prutas din tapos nandito yung mga komportableng mga damit niya. Tapos kulambo para hindi siya lamukin doon, malamok doon sa infirmary, eh."
Napalunok ako at blankong napatingin sa malaking bag na ibinaba na niya sa sahig dahil may kabigatan iyon.
"Tapos ito, anak. Paborito niya 'to, kaya pwedeng pasuyo na idala sa kanya? Para maaga siyang makapag-tanghalian. Sabihin mo lang anak, kinuha ng mga kaibigan niya sa bahay, tapos dito sa pagkain, sabihin mo nabili mo lang."
"A-Ayaw niyo po bang sumama? Pupunta po kasi ako doon, hindi po magagalit 'yon kung magpupunta kayo."
Mabilis siyang umiling at ngumiti lang. "Hindi na kailangan, anak. Tapos, susunduin ko pa yung bunso ko sa school. Basta maayos na ang kalagayan niya, sapat na sa'kin 'yon. Naibigay ko na rin kay Ravi ang pambayad sa hospital. Wala na akong dapat ipag-alala."
The lady let out a light laugh. "Malaki na 'yon, kaya na niya ang sarili niya."
Hindi ko na siya napilit. Muli akong napalunok nang mariin habang pinapagmasdan ang ina niyang papaalis na. I let out a heavy breath. That's a very unselfish act of a parent, she'll resist everything so her son won't have any worries.
Binaling ko ang tingin sa plastic na hawak ko at sa malaking bag na nasa sahig. Maybe, she doesn't really want to let his son know that she already knew. Fine, I'll do what she says.
Matapos ang klase ay dumiretso na ako sa infirmary, busy pa rin si Don sa journalism at mas busy iyong dalawa sa mga oras na ito. His mother cooked a very delicious food, I could sense from the its smell. I remembered it when he said that his mother is a better cook than me. Oo na, talo na ako.
Nang makapasok sa infirmary ay naabutan ko si Yandiel na nagbabasa ng New Testament na binigay ko. Nang mapansin ang pagdating ko ay mabilis siyang nag-angat ng tingin at napangisi.
"Kakatapos lang ng klase niyo?" malumanay niyang tanong.
I nodded. "Mmm. Kumain ka na."
Nakapangalumbaba lang ito habang inaayos ko ang baunan na pagkakainan niya, nilipat ko pa ito sa plastic para hindi niya mahalata. Tuwing gabi ko inuurungan ang mga nagagamit, may faucet kasi sa labas, sa gilid ng kwarto ko kaya doon ako naghihilamos o nag-uurong tuwing gabi.

BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...