CHAPTER 12
Pumasok na kami ni Fhane sa loob computer lab kung saan kami magka-klase ngayon, medyo madami ng nakaupo na classmate namin at tyempo naman na may naabutan kaming dalawang magkatabing bakanteng upuan kaya dun na kami umupo
Yung upuan dun sa lab is yung office chair na may gulong sa baba tapos sa tapat nun ay yung mesa kung saan nakahelera yung mga computer na gagamitin namin, remember, web and graphic design yung course namin kaya madalas dito kami magru-room, pero nakapatay pa ang mga pc that time nung dumating kami kasi wala pa yung proffesor namin
Then bumalik na rin sa room si Jazer, nakabili na sya siguro ng bolpen nya pero di na kami magkatabi ng upuan kasi wala ng pwesto sa inupuan namin ni pretty_fhane
At last, dumating na si sir after 15minutes, yung proffesor namin na ang pangalan ay si sir Jhayde, di naman talagang mukhang masungit pero trying hard na magsungit, pagdating nya ng room pumwesto agad sya dun sa harap
"Sorry guys, I'm late medyo traffic lang, anyway goodmorning sa inyo" sabi ni sir Jhayde
"Good Morning din po sir," sabi namin
"Wala munang magbubukas ng P.C. dahil puro discussion tayo okey," sabi ni sir
Well okey lang, interesting naman ang discussion kasi major subject, ewan ko lang kay Fhane kasi mukhang di sya nakikinig, naisip ko na pinilit nya lang talaga na gayahin yung course ko
Nasa kalagitnaan na ng lesson ng makaramdam ako ng gutom, di kasi ako nag-almusal kanina, kaya medyo tulog na yung utak ko at buti na lang nagpa-break na si sir Jhayde
Lalabas na sana ako ng room pero naramdaman kong sumunod nanaman si Fhane sa likod ko, kaya nilingon ko sya
"bibili ka ng makakain? tara sabay na tayo," sabi ni Fhane
Ayan nanaman sya, sabay kami kakain diba parang magsyota na kami nun, nung sinabi nya yun nagbago na ang isip ko
"ay hinde, busog pa naman ako sa kinain kong almusal kanina," pagsisinungaling ko
"ganun, samahan mo nalang ako," sabi nya na medyo nakulitan ulit ako
"wag, hintayin na lang kita dito okey, alam mo naman yung bilihan dito diba,"
"hmm.. sige," sabi nya at pagkatapos ay lumakad na sya
Hayst.. buti naman at nakinig sya, pero nagpaiwan naman ako sa room para magtiis ng gutom, may mga kaklase din kami ditong naiwan, mga walang balak magbreak time, isa na dito si Jazer na ngayon ko lang napansin dahil nakayuko itong nagdodrawing, nilapitan ko sya at naupo dun sa katabing bakanteng upuan
"tol Jazer, hindi ka ba magbe-break," tanong ko
"hinde, busog pa ako eh," sabi nya na patuloy pa rin drawing
Naalala ko yung I.D. na ibinato sa akin ni Diane kanina, nasa bulsa ko sya kaya dinukot ko at inilapag sa mesa malapit kay Jazer
"ano to?" tanong ni Jazer
"I.D. malamang," sagot ko
"hindi naman sayo to ah,"
"Oo nga, gusto mo sayo na lang haha,"
"huy wag, baka hanapin ng may-ari yan,"
"Hindi na hahanapin ng may-ari yan, kasi meron na syang bagong i.d."
"Bakit kanino ba yan? kakilala mo? ano ba kasing nangyari?," sunod sunod na tanong ni Jazer
Balak ko lang naman ipaiwan kay Jazer yung I.D. ni Diane kasi parang dala dala ko pa rin yung konsensya kung mananatili pa yun sakin, pero matanong si Jazer kaya kinwento ko nalang sa kanya yung tunay na nangyari
"ikaw naman pala kasi tol yung may kasalanan, eh talagang magagalit sayo yung babaeng yan," sabi ni Jazer matapos nyang marinig yung mga sinabi ko
"Oo na, hindi ko naman sinasadya eh,"
"Tol binigay nya yung I.D. sayo ng may sama ng loob, tapos tinanggap mo naman, ibig sabihin, habang nasayo yan, patuloy kang guguluhin ng konsensya mo,"
"kaya nga binibigay ko sayo eh,"
"ulol, di mo na gets, diba dapat magsorry ka,"
"nagsorry naman ako ah," sabi ko pero lalong naging seryoso si Jazer
"eh hindi nya tinanggap yung apology mo, so dapat mas ipakita mo sa kanya na nagsisisi ka, at pag dumating yung time na tanggapin nya yung sorry mo at mapatawad ka nya, saka mo ngayon ibalik yung I.D. sa kanya," paliwanag ni Jazer
Wow napabilib talaga ako kay Jazer, hindi ko alam kung may pinanghuhugutan eh, pero mukang tama nga lahat ng sinabi nya, pero remember last friday, yung may nakabangga syang girl, inopen ko ulit yung topic na yun sa kanya
"maniniwala sana ako sayo Jazer, pero remember nung friday, yung nakabangga mo yung nagcheck ng papel mo sa quiz haha," sabi ko
"baket?"
"nagsorry ka na ba dun,"
"huy iba naman yun, si Jannela yung nagkamali dun at hindi ako, kaya bakit ako magsosorry," sabi nya
"weh, Jannela pala pangalan ah, tinandaan mo pala haha," pangaasar ko
"ay ewan ko sayo," sabi ni Jazer at tinuloy nalang ulit yung pagdodrawing nya
-giggle-
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
ФэнтезиAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...