Chapter 46

358 28 26
                                    

Imelda POV

Parati na talagang abala si Ferdinand sa ibang bagay. Alam ko, dapat ko siyang intindihin. Masaya naman ako sa kung saan kami ngayon. Biyaya ito. Ayokong mag reklamo pero minsan talaga ay naaawa na ako sa mga bata kasi hindi na namin masyadong napagtuunan ng pansin kasi sinasamahan ko minsan si Ferdinand sa mga state visit niya ng isang linggo kaya nagpag-iiwanan namin ang aming mga anak kay mama Josefa

Hindi na rin kami nag-aabot ni Ferdinand kasi minsan nauuna na akong natutulog at minsan pag gising ko naman ay wala na ito sa tabi ko. Nakakawalang gana minsan na mask isa maliit na oras ay hindi kami nakakapag-usap o nakakapag sabay magsalo sa hapag kainan

Nung nakaraang araw lang ay nag-abot na rin kami sa aming kwarto kaya naman kami ay nagkaroon narin ng saglit na pag-uusap

Nang nakahiga na kami at handa nang matulog, lumingon ako sa kanya

"Sweetheart? Alam mo hindi na kita masyadong nakikita" lambing ko dito habang hinahaplos ang kaniyang balikat

"I know and I'm sorry if naging busy ako lately, sweetheart. You know what they say: The first year's always the hardest" paliwanag nito

"How about this? Babawi ako bukas. Lalabas tayo kasama ng mga bata" dagdag nito

"Talaga sweetheart?" lumaki ang ngiti ko

"Sige na, sweetheart. Tulog na tayo. I love you Meldy ko" at hinalikan ako

"Goodnight Macoy, I love you"

At natulog na nga kami

-

Kinabukasan ay naghanda ako at ang mga bata para sa lakad namin ni Ferdinand nang nakita ko siyang nagmamadali

"San ka pupunta, sweetheart?"

"Emergency meeting" ito lang sagot niya at umalis na nga

Hinintay namin siya hanggang gumabi ni. Mukhang malabo nang lalabas pa kami

"Mommy? I'm sleepy already" sabi ni Irene at humikab narin

"Let's go to bed?" sabi ko at ipinasok ko na silang tatlo sa kanilang mga kwarto

Nakita kong kumakain ng lollipop si Irene kaya kinuha ko ito

"Irene, you've already brushed your teeth. Hindi ito maganda para sa ngipin mo ha" nang binawi ko atta ko nalang ang nag-ubos

Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto namin at nakita kong papalabas si Ferdinand, mukhang galling sa banyo dahil nakabalot ang tuwalya sa babang katawan nito

Patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa

Nagbihis

Hindi ba ako nakikita nito? Nakalimutan ba niyang lalabas dapat kami ngayon? Hangin lang baa ko dito?

Nabibwisit ako sa mga ginagawa sa akin ngayon ni Ferdinand ha.

Sinasabayan ko lang ito at hindi ko rin siya kinakausap

"Oh? Bat kumakain ka ng lollipop?" panimula niya

Hindi ko ito pinansin at dumiretso narin ako sa banyo para umihi

Paglabas ko ay nasa kama na ito at nagbabasa ng libro

Nagbihis ako at lumapit na din sa kama para humiga

"Masarap ba yung lollipop?" tanong ulit nito at di ko nanaman pinansin

Paghiga ko ay hinila ni Ferdinand ang lollipop sa aking bibig at nilagay sa bibig niya

"Ferdinand, ano ba?" galit ko

"Kanina pa kita kinakausap sweetheart, di mo naman ako pinapansin" sabi niya

"Galing kay Irene yan. Okay na ba? Nasagot ko na ba tanong mo?" pagsusungit ko sa kanya

"Ba't galit ka?" sabi ni Ferdinand at tumawa lang ito. Nanggagago na talaga tong lalaking to ah?

"Akin na yang lollipop, Ferdinand. Isa...." Banta ko sa kanya at tumawa nanaman

"May isa pa akong lollipop dito" sabi ni Ferdinand sabay kindat

OHMYGOOOD nakakainis. Di na talaga to nakakatuwa tong lalaking ito

"Bahala ka nga jan.." at umalis na ako sa kwarto

Nagtimpla ako sa kusina ng gatas para makatulog para naman pagbalik ko sa kwarto ay diretso na akong matutulog at yun naman din talaga ang nangyari

Pagdating ko sa kwarto ay natutulog na si Ferdinand kaya tumabi na ako at natulog na rin

Matutulog ako ngayong may sama ng loob dito sa katabi ko sa kama

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon