CHAPTER LXVII

7.6K 168 15
                                    

"Aiah, magpahinga ka na kaya muna? marami naman na sila nagbabantay kay Mikha roon, ako na bahala diyan kay Baby Janna" Nag aalalang usap ni Aling Fe kay Aiah na pinapatulog si Baby Janna.

"Hindi na ho, papatulugin ko lang ho tong baby ko tas papahatid na rin po ako kay Manong Fred sa hospital, baka ho kasi magising na si Mikha" Nakangiting sagot ni Aiah sa matanda.

"Salamat din ho pala sa pagbabantay kay Baby Janna habang wala kami ni Mikha" Dagdag pa nito.

Mula kasi ng mahospital si Mikha ay ngayon na lang ulit siya nakauwi. Kung hindi pa naubos ang pinakuha niyang damit ay hindi pa niya maiisipan na bumalik sa bahay ni Mikha. Wala rin naman na siyang choice kung hindi ang sundin na lang din ang gusto ng pamilya at mga kaibigan niyang umuwi muna upang magpahinga saglit at para magpakita muna siya kay Baby Janna.

"Kayo na po muna bahala kay Baby Janna, kailangan ko pa ho kasing makasiguro na mauuwi ko sa kaniya ang mommy Mikha niya" Nakangiting usap pa ni Aiah habang tinititigan ang tulog na tulog ng si Baby Janna. Hinalikan naman muna nito ang bata bago tuluyang tumayo.

"Magpapahinga ka rin doon, Aiah ah, baka ikaw naman ang mapano" Nag aalalang bilin pa ni Aling Fe sa dalaga, nakangiting tumango na lang naman si Aiah at tinawag na si Manong Fred para magpahatid sa hospital.

Pagdating sa hospital ay agad nakita ni Aiah ang Daddy ni Stacey na kakalabas lang ng kwarto ni Mikha kaya agad naman siyang naglakad palapit rito.

"Tito! Kamusta na ho si Mikha?" Tanong ni Aiah sa doktor, napangiti lang naman ang doktor at ginulo ang buhok ng dalaga.

"Kakaalis mo lang kanina, nandito ka nanaman" Napapailing na usap lang nito sa dalaga.

"Sa barkada niyo hindi uso ang pahinga e no" Natatawang usap pa nito, napangiti na lang naman si Aiah at napalingon sa isa pang doktor na daddy ni Jhoana na kakalabas lang din ng kwarto ni Mikha

"Oh! nandiyan ka na pala, Aiah" Bati pa nito kay Aiah ng makita ang dalaga.

"Okay naman na ang lagay ni Mikha sa ngayon kumpara nung mga nakaraang araw, pero suggest ko lang na pagpasok mo, medyo, alam mo na, hinay-hinay lang sa pag galaw sa kanya kasi medyo mahina pa katawan niya" Nakangiting bilin pa nito kay Aiah. Napatango na lang naman si Aiah at nagpaalam na para mapuntahan na ang dalaga, agad din naman siyang kumatok bago pumasok ng kwarto ni Mikha.

"Ano, love? diyan ka na lang? Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" Nakangiting tanong ni Mikha kay Aiah, hindi naman agad nakagalaw ang dalaga dahil sa pagkakabigla.

"Yawa! Ang tagal mong hinintay yan tas matutulala ka lang" Usap ni Stacey kay Aiah, agad naman natauhan si Aiah kaya agad niya rin tinarayan ang dalaga.

"Exit na muna tayo sa eksena, guys! bigyan natin ng moment yung dalawa" Natatawang usap ni Sheena kaya napailing na lang naman si Aiah.

Nagpaalam naman na ang pamilya ni Mikha at mga kaibigan nila na lalabas na muna para pumasok na sa  mga trabaho at para umuwi na muna sa mga bahay nila.

__________________________________________

MIKHA'S POV

Nang tuluyan kong makita si Aiah ng malapitan ay hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. Na kahit hindi ko malaman kung dahil ba sa saya, kaba o sa takot. Hanggang sa napailing na lang din ako sa naging reaksyon ko dahil alam ko rin naman sa sarili ko na kung sa pagsasalita pa lang ay tamad na tamad na ako lalo naman siguro sa pag iyak.

"I miss you" Mangiyak-ngiyak na sabi pa niya tsaka ako niyakap ng napaka higpit.

Niyakap naman niya na ako mula ng umuwi siya galing Canada, pero iba pa rin pala talaga yung yakap kapag naaalala mo na ang lahat, kapag naalala mo na kung gaano kahalaga yung taong yumayakap sayo.

"Oo na, alam kong miss mo na rin ako pero Mikha sabi ni tito hinay-hinay lang, baka mapano ka pa ulit" Nag aalala pa rin na sabi niya ng ako naman ang yumakap sa kaniya nang napaka higpit.

"Aiah, I'm sorry" Nasabi ko na lang habang yakap yakap pa rin siya. Hindi ko alam kung sa susunod mayayakap ko pa ang isang to. Pero masaya akong mayakap siya kahit, siguro? sa huling pagkakataon.

"Kung tungkol to sa sinabi ni ——-

"Aiah, naaalala ko na ang lahat" Usap ko, unti-unti naman siyang kumalas sa pagkakayakap ko at gulat na tumingin sa akin.

"Naaksidente ako ng habulin kita papuntang airport, inatake ako sa sasakyan ng sakit ko at yung sumunod na nangyari ay hindi ko na alam" Kwento ko sa kaniya.

"Patawarin mo ko, Aiah. Sa nagawa ko sa inyo ng pamilya mo" Usap ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya ng napaka higpit.

"Ayoko man na lumayo sayo, sa inyo ni ———

"Iiwan mo kami ng anak mo?" Biglang tanong niya sa akin. Hindi na lang naman ako nakasagot at umiwas na lang ng tingin.

"Mikha naman, tapos na tayo diyan diba?" Inis ng tanong niya sa akin kaya mas hinigpitan ko na lang naman ang pagkakakapit sa kamay niya.

"Inayos na natin yan nung nasa Batanes tayo, di ba? Talaga bang nakakaalala ka na?" Inis na tanong niya ulit sa akin.

"Mikha, akala ko ba lalaban tayo? Ilaban na natin to oh" Umiiyak ng sabi niya, agad naman akong naalarma ng makita na ang luha niya kaya hinila ko na ulit siya palapit sa akin. Tangina, ang rupok talaga.

"Mahal kita, Aiah" Nasabi ko na lang sa kaniya habang yakap-yakap siya.

"Alam ko, kaya please, please Mikha, kung ano man yang naiisip mo, tigil tigilan mo na yan" Inis na sabi pa niya at niyakap ulit ako ng napaka higpit.

"Kasi kung hindi, ako mismo papatay sayo dito sa hinihigaan mo" Dagdag pa niya kaya naman ay natawa na lang ako.

"Wala naman talaga sa plano ko ang iwan kayo ni Queen, pakiramdam ko lang, baka nga tama si Angela, baka nga hindi lang talaga ako yung karapat dapat sayo" Nakayukong sabi ko kay Aiah. Masyado kong mahal si Aiah para iwan lang ng ganon ganon pero sa tuwing naaalala ko ang mga nagawa ko sa kanila ng pamilya nila baka nga tama lang na lumayo na lang ako.

"Alam mo bang gustong gusto kong sugurin yang Angela na yan dahil sa ginawa sayo? Pero pinigilan ko sarili ko kasi alam kong hindi mo magugustuhan kapag nalaman mong nakipag away ako" Inis pa rin na usap niya

"Pero kung ganyan lang ang maririnig ko sayo, na  mas iniintindi mo ang sinasabi ng babaeng yon, bigla akong nagsise, sana pala sinampal ko na lang din siya ng napakalakas gaya ng ginawa ni Stacey" Dagdag pa niya at inirapan ako.

"Ngayon, mamili ka, kami ni Baby Janna o yung babaeng yon?" Tanong niya kaya natawa na lang naman ako, hinampas pa ng bahagya ang balikat ko kaya mas natawa ako lalo.

"Para ko namang kabet yung babaeng yon kung makapapili ka, siyempre kayo, kayo mahal ko e" Natatawang sagot ko, agad naman niya ako niyakap kaya ganon na rin naman ako

"Hindi naman tayo nagbreak, hindi ba?" Natatawang tanong ko pa sa kaniya, umiling naman siya at kunwari pang nag iisip.

"Hindi ko tanda, so, hindi" Sagot niya kaya natawa na lang ako.

"Kung ano man ang nangyari noon, huwag na huwag na tayong magpapa apekto roon" Usap pa niya kaya tumango na lang ako.

"Hindi na, pangako" Nasabi ko na lang at niyakap ulit siya ng napaka higpit.

Totoo nga ang sabi nila, na kung para sayo kahit pag hiwalayin kayo ng tadhana't panahon babalik at babalik ito sayo.

Sa tanong ni Angela, siguro nga, may mga bagay akong nagawa para kwestyunin ng iba ang lugar ko sa buhay ni Aiah, pero tong nararamdaman ko at ang kagustuhan kong makasama siya habambuhay, sapat na rin siguro 'yon para sabihing karapat-dapat din naman ako kahit papaano sa pagmamahal ni Aiah. At araw-araw kong patutunayan yon habang nabubuhay ako.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon