"Kenny?"
Agad kong sinagot ang telepono habang pinapakalma ang sarili. Ganda naman ng timing neto. Saktong sakto kung kailan mayroon akong good news,
"Joshua. Gusto ka daw makausap ng masinsinan ng mga kasama ko mamayang alas sais. Huwag kang male-late."
Bago pa ako makakibo ay binaba na nya agad ang tawag. Ansaya naman kausap neto! Tatawag tapos biglang ibababa?
At matapos ng ilang saglit ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya:
"Block 22, Lot 30. Perlas Street, Mineral Village."
Kahit papaano'y napangiti pa din ang binata sa galak, naniniwalang makukumbinsi nya ang mga itong gastusan ang kanyang paglalakbay.
Hindi na ako nagpatayong-tayong pa. Pagkatapos kong manangghalian ay nanghanda na ako ng isusuot. I need to make an amazing first impression kaya kailangan kong pumorma ng maayos at magmukhang presentable.
Pinlantsa ko na ang paborito kong powder blue long sleeve button-down shirt at itinerno sa isang itim na maong. Ayoko namang magmukhang ibuburol. Sapat na yung rugged na semi-formal.
Kaya't bago mag alas singko ay lumabas na ako ng kwarto at naghanda ng umalis.
"O? Saan ang gimik mo?" Utas nya habang nagkakape sa may lamesa.
"Para sa trabaho ko to tay." Inayos ko na ang pagkakabitbit ng aking bag.
"HA?! Eh bat nakaporma ka pa?!"
"Meeting po. Kailangan ko kasi ng financer tay." Ang hirap ipaliwanag ng mga ginagawa ko sa kanya. Masyadong komplikado at masakit sa ulo.
"Ano ba yan? Makikipag date ka sa matatandang dalaga-"
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nya. Dumiretso na ako palabas ng pinto at nagpaalam. "Sige na tay una na po ako."
Naging matiwasay naman ang byahe ko. Bago pa mag-ala sais ay dumating na ako sa Mineral Village.
Bumungad sa akin ang isang malaking arko patungo ng sosyaling subdivision. Dumiretso na ako sa paradahan ng tricycle sa may kanan at sinabi ang address.
Nakakalula ang byahe, humaharurot mamasada yung driver. Pero ganun pa man, naaliw ako sa mga interesanteng building sa paligid.
Kahit palubog na ang araw ay nakakasilaw yung dilaw na 3 storey school sa may kanan. Agaw pansin din ang Yin and Yang style na bandila sa tuktok nito, pero imbes na black and white ay green and blue and kulay nito.
Para akong nasa roller coaster sa pagtaas at pagbaba ng mga kalsada, mayroon pang check point style na gate sa pinaka-tuktok bago dumiretso pababa.
At pagdating ko ng Perlas Street ay nanindig na lang ang mga balahibo ko. Agaw atensyon ang isang abandonadong bahay na tinupok ng apoy. Kitang kita pa din kawasakan nito kahit punong puno na kung ano anong halaman at mga ligaw na damo.
Hindi pa ako tuluyang nakakaget-over sa mga nakita ko ay tumigil na ang tricycle driver at sinabing nandito na daw ako. Binayaran ko na sya at agad na nagpasalamat.
Block 22, Lot 30. Isang bahay na binabakuran ng isang itim na gate. Ito na ang meeting place namin ni Kenny at ng kanyang mga kasama.
Pero bago pa ako kumatok ay pinagbuksan ako ng isang matangkad na lalakeng mas payat pa sa akin. Halos buto't balat at parang mabubuwal kapag malakas ang hangin.
"Ikaw ba si Joshua?" Seryosong tanong nito.
"Ahh... Oo." Magalang kong pagtango. Kahit ganoon ang itsura nya ay iba ang intensity nya. Napaka-intimidating at mukhang sanay makipagbarugan ng mukha.
"Kenny. Tara pasok ka sa loob." Tumango lang sya pabalik at inanyayahan ako sa loob.
Napakatahimik sa loob, isang malawak na garaheng puno ng samut saring kotse at suv. Halatang mayaman ang may-ari ng bahay na to.
Sinundan ko lang syang kumanan sa isang kwarto, at naghihintay na sa amin ang tatlo malalaking bulas na lalake.
"Ito si Joshua. Yung sinasabi ni Doc Joe." Pagpapakilala nya sa akin.
"Patrick. Ganda ng porma mo ah? May ka-date ka ba? Hahaha!" Nakakalokong bati nya bago makipagkamay. Sya ang pinakamaliit sa kanila. Maamo ang mukha pero creepy tignan dahil laging nakangiti. Pamatay din ang barbers cut kempee combo ng kanyang buhok.
"Ako naman si Carloo. Ano bang kailangan mo?" Wala nang paligoy ligoy pang nagtanong ang medyo chubby na ginoo. Nakaka-distract lang ang bibig nya. Para kasing 7-eleven, bukas 24/7.
"Ahh. Kailangan ko po ng financer para sa excursion ko. Ayaw po kasi akong bigyan ng budget ng Admin ng STARF." Inilapag ko na ang aking bag at inilabas ang ilang research findings ko.
"O? Tapos anong mapapala namin dyan?" Maangas na hirit nung pinakamatangkad. Sya ang pinakamukhang nakakatakot. Kalbo, napakaseryoso ng mukha at parang hindi mo pwedeng biruin.
"Easy Bugayo. Pahingahin mo naman muna yung bisita natin." Pagpapakalma ni Kenny dito.
"Gusto mo bang juice? Tubig?" Alok sa akin ni Kenny. Sa ikinikilos nya ay mukhang sya ang nakatira dito.
Magalang naman akong tumanggi at sinagot ang tanong nung Bugayo-
"Kayo po. Ano po bang gusto nyo?"
"Eh tungkol ba saan yang research mo?" Hirit ni Carloo.
Hindi na ako nag-atubili. Nagpakitang gilas na ako't ipinaliwanag ang ito.
"Mayroon po akong lead regarding ancient artifacts na kayang ibahin ang perception and behavior ng isang tao."
"Base po sa mga data na nakalap ko ay possibly mayroong ganitong nakatago sa Idjang. Isang Pre-Hispanic ruins sa Batanes."
"Batanes?! Possibly? So ano to, parang treasure hunting, ganun?! Hahaha!" Sarkastikong banat ni Patrick. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o nang-iinsulto.
Hindi naman ako nakakibo agad. May punto nga naman sya. Nakalimutan ko ang possibility na baka delikado ang excursion kong ito.
Nakita ko lang na nagtitigan ang magkakaibigan habang natahimik ako sa isang tabi. At bago pa ako makakibo ay ibinaling ni Kenny ang atensyon nya sa akin-
"Pwede bang lumabas ka muna? Pag-iisipan muna namin 'to."
Since wala naman akong choice ay pumayag ako sa kanilang request. Kinuha ko ang aking bag at lumabas muna ako upang bigyan sila ng privacy.
Tuluyan nang lumubog ang araw. Naririnig ko na ang huni ng mga kuliglig at ang malamig na simoy ng hangin.
Halos tatlumpung minuto na akong nasa labas ay wala pa din akong kaalam alam kung ano ang napag-uusapan nila.
Ang tangi ko lang magagawa ay maghintay... At ipagdasal na makumbinsi ko sila sa hirit kong ito.
At maya maya pa ay lumabas na si Kenny-
"Joshua. Pumapayag na kaming i-finance ang excursion mo in one condition." Seryosong tindig nya sa akin.
"Ano po yun? Sige po walang problema." Nagsimula nang magningning ang mga mata ko. Nakakatuwang willing silang gastusan ang research ko.
"We're coming with you."
Napakadali naman ng kanilang proposition. Hindi na ako nagdalawang isip pa at inabot ang aking kanang kamay.
"Walang problema Sir Kenny. Deal!"
And we sealed it with a handshake.

BINABASA MO ANG
Maskara ni Kaos
FantasíaChaos /'kāˌäs/ 1. The state of complete disorder and confusion. 2. Ang tamang pagbigkas sa title ng kwentong ito. Si Kaos ang tuso at mapanlinlang na bathala ng kaguluhan. Dulot ng kanyang kahibangan ay pinarusaha sya ng iba pang mga bathala...