Introduction

250 2 2
                                    

SAWI, Di pinagpala. Malas. Naranasan mo na ba yung nagmahal ka ng dalawang magkaibang tao na pareho ka lang sinaktan. Yung tipong hindi ka na nadala sa una, at sinubukan mo ulit sa magmahal sa pangalawa na akala mo magwowork. Na akala mo isang happy ending na nauwi ulit sa isang sakit. Nagmahal ka ulit ng maling tao, yung binigay mo na lahat sakanya pero hindi parin pala sapat yun para sakanya. Nagmahal ka ng taong nasawi sa una nyang pagibig na akala mo ikaw yung solusyon para makapagmove on siya. Na akala mo mamahalin kadin nya pabalik.

Pinakilig - Umasa - Iniwan, Yung papakiligin ka tapos pag nahulog ka. Magaassume ka na, ay gusto rin ako nito. Ay baka magwork. Ay baka siya na. Ay baka iba to sa una kong minahal. Pero hindi umasa ka ulit. Saka iniwan ka sa ere. Yung tipong Bye na wala namang Goodbye. Nagmomove on kahit hindi naman naging kayo.

Ganito ako, Nagpakatanga, Umasa. Umasa sa mga kilos nya, Actions speak louder than words ika nga nila. Pero nagkamali ako, nagassume lang ba ko sa mga actions na pinakita niya. Umasa ko sa bagay na hindi dapat. Na nakisabay sa larong hindi ko kayang sabayan. Nagmahal ng isang Gamer. Umasa na mababago ang unang karanasan. Yung tipong pinagtagpo pero hindi pala itinadhana. Ang unfair ng buhay no? Di ba pwedeng mahal din tayo ng taong mahal natin? Yung gagawin tayong sentro ng buhay nila. Yung tipong tanggap nila tayo kung anong merong ugali tayo. Yung tipong mahal na mahal nyo ang isa't isa.

Nakakainis yung akala mong Love na e laro pala, yung akala mo seryosohan na gag*han pala. Yung tipong sumubok ka ulit, at naulit na naman yung katotohanang nasaktan ka. Nakakainis yung sumabay ka sa larong di mo pala kayang manalo.

Minsan inisip ko, ano nga bang ginawa ko bakit hindi kami magkasundo ni Tadhana? Galit ba siya sakin? Ang hirap naman nya iapproach. Pero naisip ko rin na siguro pinapangunahan ko lang lahat. Pinangunahan ko si lord na di pa tapos gawin ang sariling Love story ko.

Hindi ko matanggap na nagmahal ako ng isang tulad mong ..

Paasa, Paasa ka nga ba? O nagassume lang talaga ko?

Gamer, na kahit anong gawin ko hindi ko kayang manalo.

Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimulang magmove-on sa ala-alang dala ng kalandian.

Paano nga ba maging BATMAN?

Batman stands for BATo't MANhid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love FrustrationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon