Sabi sa'kin wala daw taong manhid, minsan daw kailangan mo lang sabihin sa kanya ng diretsa ang nais mong ipahiwatig. Kung mahal mo siya sabihin mo hindi yung itatago mo lang o ipaparamdam lang kasi minsan akala mo manhid siya yun pala takot lang siya mag-assume. So, aamin ba ko ng nararamdaman ko? Paano kung mareject ako?
~~~~~
"pssst.psst."
Hala. Sino yun? *tingin sa paligid* wala namang ibang tao dito kundi ako. HALA~! Baka may mumu!!!! WAaaaahhhhh >O< Takot ako sa multo. WAAAHHH. Mommmyyyyyy!!! Help Meeee!! TT-TT
*isip isip kung anong gagawin*
*panic mode ON*
"BOOOOO~!"
"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
"HAHHAHAHAHAHHAHAHHAAHAHAHA"
Nang marinig ko yung tawa na yun agad nag-init ang dugo ko at umabot na ito sa boiling point! Argh! Pinaghahampas, sabunutan, suntok at kung anu ano pang pananakit ang ginawa kosa lesheng nanggukat sa'kin.
"Ui Jam! Aray! Ano ba?! Tama na! Nakaganti ka na! Huy! Masakit!"
"Walang hiya ka Mario. Tama bang manakot at manggula? Papatayin mo ba ko? Ha?!"
"Papatayin? Nakoo, di ko magagawa yun.."
Hindi ako umimik..
"Teka lang Jam. Sorry na. Namiss lang naman kita eh."
"Miss mo mukha mo!"
*hingang malalim*
*inhale-exhale*
"Una na ako. Panira ka na araw eh, ang galing mo."
"Sorry na nga eh :( "
"Oo na, yaan mo na yun. Una na ko." wala kong ganang sabi.
"Ehh, teka may sasabihin pa ko."
Nilingon ko siya atsaka tumalikod muli at naglakad ng mabilis palayo.
Wala kong ganang kausapin siya..
Sino nga ba siya? Siya lang naman si Mario na first love ko. Hindi kami BESTFRIENDS kung tawagin pero SUPER CLOSE kami to the point na nahulog na ko sa kanya. Pero grabeh lang, ang MANHID niya. Hindi niya ba dama na ako yung laging andyan kapag masaya, malungkot at may problema siya. Masakit lang kasi sa feeling na di niya napapansin lahat ng efforts ko, FRIENDS lang talaga kami para sa kanya.
Hayyysss.. Ang hirap :(
Pero teka sabi niya may sasabihin siya, ano kaya yun? Psh.. Baka tungkol lang yun sa kung sinong babae niya. Leshe.
Huwag ko na nga yun isipin.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa tambayan ko..namin. Sa rooftop. Woohh. Ang lamig ng hangin. Dito, dito kami unang nagkita ng manhid na tulad ni Mario.
Hayyysss... Bakit ba kasi na kaclose ko pa siya? Yan tuloy....
Maha---
*Boogsh* Pagbukas yun ng pinto. Tinignan ko kung sino... At nagulat ako ng siya pala yung dumating, si Mario.
"Sabi ko na dito kita matatagpuan eh." Sabi niya habang hingal na hingal pa. Mukang tinakbo niya paakyat ng hagdan.
""Bakit mo ba kasi ako sinusundan?"
"May sasabihin nga ako sa'yo diba?"
"Aish! Ano ba kasi yun?"
"Paheram naman ng puso mo, ipanghihilod ko lang. BATO eh."
"ABA! Anong bato?! FYI! Hindi bato ang puso ko hindi ako manhid!"
"Sigurado ka?"
"Ang kulit mo ah. OO sigurado ako. Hindi bato ang puso ko. Baka yung sa'yo. MANHID! TANGA PA!"
"Aba, itong babaeng toh sumosobra na."
"Manahimik, di pa ko tapos. Ikaw lalake ka, MANHID ka! Kailangan ko pa ata isulat sa bato ang katagang 'MAHAL KITA' at ibato ito sayo para malaman mo kung gaano kasakit ang mahalin ka."
"Ano?" tanong niya habangnakangiti ng nakakaloko.
Lang hiya naman oh. JAM, bat umamin ka na?! AISH. Ituloy na nga lang ang nasimulan.
"Ano yan Mario? Bingi ka na ngayon??! HA! O sadyang tanga lang? Psh! Gusto mo bang batuhin talga kita ng batong may nakasulat na MAHAL KITA?! Kainis oh." mas kumawak pa yung ngiti niya, "Hindi ko alam kung MANHID ka lang ba talaga o sadyang TANGA lang! Leshe!"
"Tapos ka na ba sa speech mo?"
"OO. LANGYA. Bat ba kasi ako umamin sa MANHID na tulad mo?! ARGH! Bwisit!"
"Oh hinay hinay lang JAM KO," what the?! tama ba yung narinig ko? 'JAM KO' eww. =_= pero yung totoo bat feeling ko nag-init yung pisngi ko? "Una sa lahat hindi ako tanga dahil kung tanga man ako, yung tangang MAHAL NA MAHAL KA NG TOTOO. At hindi ako manhid ayaw ko lang bigyan ng malisya yung mga ginawa mo kahit na kinikilig ako. Aish ang bading lang. Baka kasi isipin mo feeler ang gwapong katulad ko. Pero kung sa tingin mo manhid ako, bakit may nararamdaman ako? Bakit nararamdaman kong MAHAL KITA."
Nanigas ako sa kinatatatuan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ma-maha-mahal niya ko? Grabeh. Sobrang saya ko., hindi ko mapigilan yung luha ko naiiyak ako.. naiiyak ako dahil sa tuwa. Mahal niya daw ako. Totoo na ba to? ...
"Mahal ko, Wag kang umiyak. Na-touch ka naman masyado. Haha. Nasobrahan ka na sa tuwa ah. Ayiii." niyakap niya ko habang sinsabi ang mga katagang yan.
Binatukan ko nga, panira ng moment eh. Moment ko to noh.
"Aray ko naman. Ito talaga grabeh maglambing."
"Kasi naman eh, ang manhid mo. Haha. Mario, I love you." at niyakap ko na rin siya.
Grabeh lang. Sobrang saya ko talaga.
"I love you Jam" kiss sa forehead :")
At hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko.
Minsan sa buhay natin akala natin walang nakakapansin sa mga ginagawa natin, minsan akala natin manhid sila. Pero minsan hindi natin alam na naghahanap lang sila ng assurance. Gusto lang nila na hindi lang sa gawa maging sa salita. Sabi nga nila actions speak louder than words pero minsan balewala ang actions kung hindi ka rin magsasalita kasi baka ma misinterpret lang nila yung mga bagay na ginagawa mo. Walang taong manhid ayaw lang nila mag-assume, kasi masakit. Kaya sabihin mo kung anong dahilan ng mga ginagawa mo at iparamdam mo ung mga sinasabi mo. Walang taong manhid. Si AUTHOR lang. *wink* ;)
~lalalala<3
Author's Note:
Hello po! Thanks for reading. Vote if nagustuhan. :)
Leave comments.
This is my second One Shot. :))
-vianca.paTRISHa<3
BINABASA MO ANG
Manhid
Teen FictionSabi sa'kin wala daw taong manhid, minsan daw kailangan mo lang sabihin sa kanya ng diretsa ang nais mong ipahiwatig. Kung mahal mo siya sabihin mo hindi yung itatago mo lang o ipaparamdam lang kasi minsan akala mo manhid siya yun pala takot lang si...