Chapter 1

434 10 13
                                    

I always thought that Nursing wasn't for me, but I took it anyway.

"Tumingala ka," utos ko kay Iggy habang nakaupo siya at nililinis ko ang sugat sa gilid ng kanyang labi. "Tangina naman nito, umayos ka nga! Bitawan mo 'yan!"

Defeated, he placed my penlight back in my nursing kit, then placed the kit on top of the table. Wala siyang ibang ginawa kung 'di paglaruan ang mga gamit ko habang ginagamot ko siya.

"Chill! Ganyan mo ba pagsasalitaan ang mga pasyente mo?" He raised a brow. "Scary."

Hindi ko pinansin ang panunudyo ng lalaki. Nabangasan na nga ang mukha ay nagagawa pa rin niyang subukan ang pasensya ko. Nakipagsuntukan kasi siya sa kung sinong lasing sa labas dahil binastos nito ang kaklase niya noong pauwi sila galing sa group project. Typical Iggy.

"Baka mas gugustuhin na lang ng pasyenteng magkasakit kaysa magpaalaga sa 'yo."

"Tigilan mo 'ko, isusupalpal ko 'to sa bibig mo," pagbabanta ko hawak ang bulak.

Natawa sa akin ang lalaki. Somehow, I kind of believe him. For someone who always sound so bossy and who had a patience as thin as a strand of hair, I know it would be hard for me to be a good nurse.

Taliwas sa mabigat kong pananalita, buong gaan kong pinahiran ng antiseptic cream ang pumutok niyang labi gamit ang daliri ko. Nakangisi si Iggy, nanonood ng buong tatlong minuto at minamanmanan ang reaksyon ko. Dahil malapit lang ang bahay ng kaklase niya dito sa dorm, pinuntahan niya ako, tila isang batang nagsusumbong sa nanay matapos makipag-away.

"Uy, ang tamis." My roommate, Jolene, walked over and saw the scene.

Itinaas ko ang middle finger ko sa kanya.

"Tapos na." Binitawan ko na si Iggy at ibinalik ang mga gamit ko sa kit.

Iggy was my best friend for seven years, and he's a current Engineering freshman. Asungot siya kahit kailan at nagsasawa na ako sa pagmumukha niya. Jolene, on the other hand, was my classmate now and my only roommate in this unit. Both of them were my former classmates during senior high school, at hindi na talaga nila ako nilubayan hanggang college.

Kinabukasan, maaga akong gumising at naghanda para sa 7:30AM class namin. Ako ang nagluto dahil hiyang-hiya naman ako kay Señorita Jolene na hanggang ngayo'y tulog pa rin. Sa klase, siya at ang isa pa naming kaibigan ang palagi kong kasama.

And, speaking of the devil.

"Sandali!" sigaw ko sa jalousie window para marinig ako ng kaibigan kong katok nang katok. Matapos pagbuksan, ipinalo ko sa kanya ang hawak kong sandok. Ang aga-agang mambulabog!

Tinawanan ako ni Samson bago umupo sa gilid ng kama ni Jolene. Itinuro niya ang kaibigan naming padabog na nagtakip ng unan sa mukha, sinusubukang matulog ulit. "Anyare dito? Napuyat kaka-aral?"

"Napuyat kakalandi, kamo," I scoffed.

Hinablot pa niya ang unan nito kaya nagreklamo naman 'yong isa. "Rise and shine!"

"Ano ba 'yan, baks! Ano'ng oras pa lang!" Jolene scowled.

"Gaga, bagong taon na!"

Hinayaan ko na silang magbangayan at bumalik na lang sa may electric stove. Malapit na ngang maging zoo ang unit namin dahil sa naipon naming mga hayop na naka-preserve sa jar, tapos may kasama pa akong dalawang hayop dito na umaga pa lang ay nagtatalakan na.

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon