Nakahain Na Po

453 35 8
                                    

"Pwede ba kitang tikman?"

Ano ang isasagot mo kapag ikaw ang tinanong?

Babababuyin na ba ako?

Gagamitin

Pagsasawaan

Papatayin

Hindi, kakatayin ako na parang hayop.

Parang baboy na hihiwain?

Parang manok na pupugutan ng ulo?

Paraang kambing na nanakawan ng lamanloob?

Paano ba ako mamamatay?

Paano ka ba mamamatay?

Ngayon na?

"Hey! Biro lang! Ako to, si Ace.Magkaklase tayo sa PE."

"Gago ka! Kung anu-ano na naisip ko! Huwag ka na magpapakita pa sa akin!"

Isinara kong pabagsak ang pinto. Hayop na yun akala ko talaga mamamatay na ako!

"Kaela? Kaela? sorry...ako ang nag-utos kay Ace. Hey,sorry na. Buksan mo na ang pinto. Pag-uusapan natin ang outreach program."

Si Romela iyon. Magkasama pala silang dalawa. Ang biro dapat nakakatawa, nakakatawa ba ang ginawa nila?

"Nakakainis naman kayo eh! Bumabagyo na nga't madilim ganyan pa ang biro ninyo." Syempre binuksan ko na ang pinto. Nakahinga na rin ako nang maluwag at least may kasama na ako ngayong gabi.

Tumuloy sila at umupo kami sa couch. Abala si Ace sa pagpupunas ng mukha niya, nabasa marahil dahil sa ulan.

"Sorry sa mga nasabi ko Ace. Tinakot mo kasi talaga ako at hindi pa nga kita masyadong kilala eh."

"Kaela, ako talaga may kasalanan pinilit ko lang siya. Sorry huh? Pag-usapan na natin yung outreach. Ang sabi ni Ma'am Galvez pupunta tayo sa City Jail. Ang mga preso ang tutulungan natin." Kumuha ng kwaderno mula sa bag si Romela.

"Kaela, pag-uusapan natin ang mga goods na ibibigay natin sa mga preso. Ngayon lang tayo pwede magmeeting dahil abala tayo masyado sa school. Let's do it,okay?" Nag-umpisa na sumulat si Romela. Naglagay siya ng ilang gamit na kakailanganin nila.

"Sa tingin ko pwede na rin ang Lomi. Umorder tayo ng Lomi."

"Para sa preso??"

"Hindi ko talaga gusto na sa preso tayo pupunta. Hindi ba iyon delikado?" Tanong ni Ace.

"Kung delikado iyon di sana hindi na tayo papupuntahin doon. Hindi naman sila nakakagala lng sa loob. Tsaka may guards naman." Sagot ni Romela.

"Basta,para sa inyong mga babae pakiramdam ko delikado iyon." Dagdag ni Ace.

"Lahat naman ng lugar naging delikdo na sa panahon ngayon Ace. Mabuti pa nga sa preso eh may rehas, eh dito sa labas wala. Walang harang. Kaya lalong nakakatakot dito. Malay mo biglang may pumasok sa baha--"

"Tama na Romela. Gumagana na naman ang imahinasyon natin eh. Baka hindi tayo makapag-usap nang maayos dahil sa takot." Pinigilan ko na si Romela. Nakakatakot naman kasi talaga isipin.

Baka magkatotoo.

"Kasi naman eh.Parang hinahain ninyo ang mga sarili ninyo kapag pumasok kayo sa City Jail. Hindi natin alam ang kaya nilang gawin... Nag-aalala lang ako." Sambit ni Ace na ngayon ay nakatayo na at tila hindi mapakali.

"Wala na tayo magagawa, bukas hapon na kaya ang outreach." Sabay tingin ni Romela sa kalendaryo ko.

Pinagpatuloy na namin ang pag-uusap tungkol sa mga kailangang bilhin para bukas. Dalawampu't isa naman kaming estudyante ang papasok dun, kasama ang ilan sa aming mga guro at syempre babantayan kame... pero... ano ba ito kinakabahan talaga ako...

Bukas ay papasok kame sa City Jail. Madadala ko kaya ang puso ko sa loob ngayo'y sobrang duwag naman nito?

Nakahain na parang pagkain.

----------------------------------------------

Dedicated kay iamchookulit :) dahil sa pagtext niya noon kay Terry.

Btw, iyon pong nakapost na number sa 70 Deadly hindi po iyon number ni Terry. Inalis ko po ung original hehe. Gnawa ko lang 0909-- kasi wala lang. Haha.

TakasWhere stories live. Discover now