You Will Always Be the One

7 0 0
                                    

You will Always Be the One

By Sophie_Laoman

Promises are half lies ani ng isip ni Shawn.  She cannot forget the day na niloko siya ng taong nangako sa kanya na siya lamang ang mamahalin nito. Totoo nga ang kasabihang "libre ang magtiwala, pero wag lamang aasa". She cannot overcome the pain that time na nalaman niyang may mahal nang iba ang lalaking pinakamamahal niya.  Alam niyang wala siya sa lugar para magalit dito dahil sa kadahilanang hindi naman sila.  Oo, hindi nga naging sila.  Pero di maitatangi ang katotohanang nangako ang lalaki sa kanya na siya lamang ang tanging babaeng iibigin nito.

Shawn is waiting for the right time before she enter into commitments.  Hindi pa siya handa pumasok sa ganitong intimate kind of relationship dahil ayaw niyang mahati ang oras niya at ayaw niya ng maraming responsibilidad. Stuyante pa kasi siya. She wants to focus herself in studying.  Love life is not in her vocabulary at all.  Wala siyang panahon para sa ganyan.  Pero napaisip siya isang araw,  kung ipagpapatuloy ba niya ang kanyang prinsipyo na mag aral muna bago magka love life nang magtapat sa kanya ang isang binata na classmate niya noong highschool. 

Hindi niya maitago ang kasiyahang nadarama nang malaman niyang may pagtingin sa kanya ang lalaking gusto rin niya.  Parang lumukso sa sobrang kagalakan ang kanyang natutulog na damdamin nang magtapat nang ganoon ang binata.  Pero hindi siya nagpadala sa sobrang tuwa,  pinag isipan niya iyon ng ilang beses bago nag desisiyon.  She don't want to be committed.  Period.  Kahit alam niyang mahal niya ito ay sinabihan niya lamang ang binata na-

"Kung makaka antay ka,  tiyak kong magiging tayo" ani niya

Napayuko ang binata na tila ba kumukuha ng lakas mula sa pagkadismaya. Humarap ito sa kanya nang walang alinlangan at sinabing-

"Kung iyan ang nais mo,  makaka antay ako sayo.  Dahil mahal kita Shawn. Pangako.  Ikaw lang ang iibigin ko. " wika ng binata.  Ramdam sa kanyang mga salita ang nilalaman ng kanyang nararamdaman sa dalaga.  Di inaasahan ni Shawn ang ganoong sagot.  Batid kasi niyang mabilis magbago ng desisyon ang isang lalaki.  Hindi niya lubos akalain na ganoon ang isasagot ng binata sa kanya.

Mula nang  pagtatapat na iyon ay palagi ng buo ang araw ni Shawn.  Di maikakaila sa kanyang mukha ang guhit ng isang masiyahing aura.  Batid niyang ganoon din ang kagalakan sa puso ng binata.  Kung minsan ay nag uusap sila sa text o di naman ay nagtatawagan sa telepono.  Ganoon lang ang lebel na meron sila. Ni hindi sila lumalabas para magkita o mag usap dahil malayo layo rin ang bahay na tinitirhan ng isa't isa. 

"What's with that sweet smile Shawn? " usisa ng kanyang kaklase na napansin siyang nakangiti sa harap ng phone. Nagulat siya sa pagsulpot ni Jane.  Agad niyang pinatay ang cellphone at saka isinilid sa bag niya. 

"W-wala" pagtatangi niya

"Asus!  Huli ka na girl. " ngumisi ito. "...sino yang nagpapangiti sayo ha? " sabi nito

"Wala..  Nanay ko yun" ani ni Shawn. Ayaw pa man din niyang asarin siya ng kaklase niya na may ka M. U.  siya kaya mainam na wag na lang ipaalam sa iba.

"We?  Pinagloloko mo ako e no?.. "

Kumunot ang noo ni Shawn sa sinabing yaon ng kaklase niya.  Magsinungaling man siya dito ay malalaman at malalaman din ni Jane ang tungkol sa kanila ni James dahil magpinsan ang mga ito.  Kung kaya nagtapat na lamang siya.

"So,  ikaw pala yung kinukwento niya sakin" sabi nito sabay ngiti

"Kinukwento niya ako sa inyo? " ani ni Shawn

"Well,  yes..  Ang daldal nga eh.  Para siyang babae" tumawa ito. "..First time kong nakita si James na nagkwento ng ganoon ka haba.. Sabi pa niya,  mag aantay daw siya sa babaeng iyon dahil mahal niya raw siya. "

You Will Always Be the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon