"Anak, ko Zafira"
Narinig ko ang boses ng isang ina. Hindi ko alam kung sino iyon pero napakagaan ng kanyang boses sa aking tainga. Mistulang musika iyon sa akin.
"Anak, ako ito ang iyong ina"
Umaninag ang kanyang bulto dulot ng liwanag na nasa kanyang likod. Mataas na babae. Maputi. May kahabaan ang itim na buhok at nakasuot siya ng isang suot noong nasa unang panahon. Tila isa siyang reyna sa kanyang isinuot.
"Ina?"
"Ako nga anak"
Hindi ko man kita ang kanyang mukha ay alam kong maganda siya. Napangiti ako. Pero kasunod niyon ang pagtulo ng luha ko.
"Ina, bakit ninyo ako iniwan? Hindi niyo man lang ako nakitang lumaki" tuloy ang pagtulo ng luha ko.
Hindi ako galit sa mga nangyayari pero minsan ko ring hiniling na sana nandito ang mga magulang ko. Ano kaya ang pakiramdam niyon.
Tinahan ako ng ni ina "Ssshhh, huwag mong isipin yan. Saksi ako sa paglaki mo anak. Nasa paligid mo lang ako. Mahal na mahal ka namin ng ama mo"
Ramdam ko ang pag pahid niya sa aking mga luha. Gusto kong maaninaw ang mukha ni ina. Pero parang pinagkait iyon sa akin ngayon. Itim lang ang kanyang mukha dulot ng kanyang anino sa liwanag na nasa kanyang likuran.
"Balang araw, magtatagpo rin tayo...."
Nag eecho ang boses ni ina sa buong paligid kasabay ng pag hina ng echo ay ang pagkamatay ng ilaw sa kanyang likuran at ang pagkawala niya.
Nagsisigaw ako na ibalik ang ina ko. Nilamon siya ng liwanag at hindi ko na siya muling nakita.
Magpakita ka ulet ina!
Napabalikwas ako galing sa pagkakatulog. May tumulo na likido sa aking pisngi at agad ko itong pinahid. Luha.
Sa unang beses ay naiyak ako dahil sa panaginip na iyon. Ang paghawak niya sa aking pisngi ay parang totoo. Ang boses niyang para akong hinihele niyon.
Bigla akong nangulila sa kanya. Muli kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko at napabuntong hininga.
Ang sabi niya'y magtatagpo din kami balang araw. Ano ang kanyang ibig sabihin? Mamatay na ba ako?
Pilit kong binalewaka ang napanaginipan ko at inisip na lamang na dulot iyon sa aking pagod. Napatingin ako sa aking relos. Mag aalas sais na ng umaga. Ganon ka taas ang tulog ko.
Lumabas ako ng silid at laking gulat ko nang tumambad sa akin ang mukha ni Levi. Agad akong nainis niyon. Umagang umaga nang iinis!
And then reality creeps into my nerves. Nakalimutan kong nasa bahay pala siya. Kahapon! Wtf!
"Bakit hindi ka pa umuwi?" Pagalit kong sabi sa kanya. Saka siya nilagpasan at bumaba na para makakain. Sigurado akong nakapag luto na ang mga kasambahay. Parang wala lang sila sa bahay dahil hindi naman ganon sila karami tulad doon sa isang bahay ko. Nasa 25 ang katulong doon at dito ay nasa sampu lang kaya hindi masyado crowded.
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...