Gusto ko siyang yakapin. Nakalimutan ko na namang kalaban ko siya. Wala akong nagawa nong nanaig na ang kagustuhan kong mapalapit ako sa kanya.
Sa isang iglap lamang ay naging tao muli ako. Yayakapin ko na sana nang nanlaki ang mga mata ko dahil hubo't hubad ako.
"Holy shit, Zaf" sigaw niya. Agad akong tumakbo sa likod ng kahoy at nagtago doon.
Damn it! Nakalimutan ko. Napunit pala ang damit ko kanina.
Narinig ko ang tawa niya. Lalong namula ang pisngi dahil sa kanyang pagtawa. Panigiuradong nakita niya ang hubad kong katawan. Gusto kong maiyak sa hiya.
Tatawa tawa siya habang papalapit sa akin. "Kung kontrolado mo lang ang lobo mo, hindi ka nakahubad ngayon. Dapat kanina bago ka nag shift ay hinubad mo ang damit nang sa ganon ay may ikasuot ngayon"
Nakita ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Nandon ang bago kong damit. Saan niya naman ito nakuha.
"Nandito sina Manong Eddie."
Hindi nalang ako nagsalita. Si Manong ang may dala nito. Kinuha ko na lamang iyon at nagbihis. Sing pula parin ng kamatis ang aking pisngi ng lumabas sa likod ng malaking kahoy.
Nakadamit na ang lahat ng kasambahay ko. Nakangiti silang lahat sa akin. Tila ba natagpuan na nila ang matagal na nilang hinanap.
Isa isa ko silang tiningnan. Hindi sila kakitaan na sila ay mga lobo. Sa mukha kasi nila ay maamo. Hindi mo iisiping mababangis sila na hayop.
Hindi parin ako makapaniwala. All those years, nakatira pala ako kasama ang mga lobo. Sa iisang bubong! Bakit hindi nila pinaalam sa akin?
"K-kumusta po?" Nahihiya kong tanong. Tinutukoy iyong lalaking nanggambala sa amin.
"Nakatakas ang kalaban. Napag alaman naming isa siyang rebeldeng bampira. Hindi namin alam kung paano natunton ang ating lugar" sabi ng isang gwardya ko.
Nagkatinginan silang lahat at tila nag uusap sa kani kanilang isipan. Nakatingin lang din si Levi sa akin. Parang tinitimbang ang mga ekspresyon ko.
"Ang bahay?" Naalala ko kasing sa lakas ng pagtalsik ko sa kabilang kwarto ay paniguradong na sira iyon.
"Lilisanin natin ang bahay. Uuwi na tayo sa Palasyo, Miss" anang isang babae taga pag luto namin.
Napatingin ako kay Levi. Hindi nga siya nagsisinungaling. Namataan niya ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan sa beywang.
The excitement whenever he's holding is so much to take. Parang kinikiliti ako ng kanyang nga paghaplos.
Yumapos ang kanyang braso sa aking beywang at hinalikan ang aking noo.
"Do you believe me now?" Bulong niya malapit sa aking tenga. Napaigtad ako niyon dahilan ng pag ngiti niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at ngumuso ako. Ang hirap kasi talaga paniwalaan.
"Babalik tayo?"
Saan naman kaya? Kumalam ang aking sikmura na ikinatawa niya ng kay lakas. Pinalo ko ang kanyang braso sa inis. Umaakto pa siyang nasasaktan kahit alam kong hindi naman.
Tinulak ko siya at naglakad palayo sa kanya. Wala talaga siyang magandang ugali. Hindi talaga nawawala ang pagiging palaaway niya.
Narinig ko ang tawag niya sa aking likuran ngunit binalewala ko lamang siya at nagpatuloy sa paglalakbay sa loob nitong malaking gubat. Kaliwa at kanan ang paghawi ko sa mga damo at maliliit na sanga sa maliliit na kahoy.
Nasa likuran ko parin siya at hindi pinapansin. Gutom na ako at parang nanghihina ang buo kong katawan dahil doon. Nakakainis!
"Gotcha"
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...