Wala na siyang nagawa nang tuluyan na akong namangha sa laki at ganda ng paaralan at hindi ko na siya napapansin.
Nakasunod si Manong sa akin habang ipinapakiwanag ang mga bagay na nakikita.
Doon sa malaking patag na lupa na tinatawag nilang Quadrangle. Napalaki niyon. Nakikita ko ang mga batang bampira at lobo na sinasanay ang kanilang mga abilidad sa pakikipag away.
Napapanganga ako sa galing niya sa kanilang murang edad.
"Hey!" Inis na tawag ni Levi sa akin ngunit okupado na ako sa mga bagay na bumubuhay ng aking interes.
Napapatakbo na ako sa galak na nararamdaman. Tila nakalaya sa priso. Ngumuso ako nang pinagtitinginan ako ng mga bata doon. Naweweirduhan sa aking asal. Pasensya naman at baguhan lamang ako.
Giniya ako ni Manong sa magiging classroom ko. Napapalingon ang mga estudyante sa amin, siguro ay naaamoy nila ang bagong baho ko.
"She's your new classmate" anunsyo nang guro nang nakapasok ako. Nakauwi na si Manong. Hindi rin kami magkaklase ni Levi sa subject na ito.
"Newbie" rinig kong sabi nila sa kanilang isipan.
Binalewala ko at hindi na nag atubiling magpakilala.
Naupo ako nang narinig ang isang tawag sa lalaking nasa gilid ko—isang upuan ang pagitan naming dalawa.
"Hi" anito.
"Hello" nahihiya kong sagot.
"I am Cooper"
"Zafira" hahawakan ko na sana ang kanyang kamay nang narinig ang boses ni Levi sa isipan ko.
You just don't touch someone's property.
Alam kong ang lalaki ang kinausap niya pero sinadya niyang isama ako sa usapan nila gamit ang isipan.
Napaatras ang lalaki sa kanyang ginawa at nangatog but I shake his hands anyway. I smiled at him for assurance that everything's okay.
"Nice meeting you" saka ako bumaling sa guro.
Muli kong narinig ang reklamo niya and I blocked him. Sumasakit ulo ko sa kanya.
Taimtim akong nakikinig. Ang pinag uusapan lang naman ay tungkol sa business kaya wala akong naging problema doon.
Kay Ginoong Frigus po kayo sasabay, Miss Brooks.
Bago ko pa matanong si Manong kung sino iyon ay nagpakita na si Levi. Naglalakad siya tungo sa akin. Nasa parking area ako ng paaralan. Uwian na kasi at nagtataka ako kung sino ang kasabay ko. Sobrang laki kasi ng lugar na ito at nalulula ako. Baka maligaw ako. Well not a problem since I can link them but you see it's kinda scary too.
Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya. Imbis na mainis ako ay iniwas ko na lamang ang tingin doon. Sa babaeng nakasunod sa kanya napako ang tingin ko.
Siya 'yong kahawakan niya ng kamay kanina doon sa Palasyo. Maybe his official girlfriend. Parang tinusok ang puso ko habang iniisip iyon.
Tinawag siya nito na agad niyang tinugon. Nakangiti pa ang babae sa kanya na agad naman siyang nahawa. Nagngitian sila at tila ba matagal na nilang kilala ang sarili.
Nang niyakap siya nito at tinugo nya ang yakap ng babae ay para akong sinasakal sa sakit ng akinv puso. Hindi ako makahinga at may bakal na humarang sa lalamunan ko. Ang sakit no'n.
Hindi ko nakaya at napasinghap ako bago tumalikod.
Imbis na maghintay sa kanya ay tumalikod ako ng tuluyan at nauna na sa kanyang umuwi. Dumaan ako sa likod. Iyong hindi nila nakikita.
YOU ARE READING
A White Warrior
WerewolfSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...