CHAPTER 14

9 2 0
                                    

Tumawa siya nang tumawa sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala namang nagbibiro sa amin at bakit siya natawa?

"Balita ko ay nasa panganib ang buhay ng mag asawa"

Tila naglalaro siya ng paroo't parito. Nakangisi siya nang huminto sa harap ko at sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin.

"Umiiyak sa sakit ang Commander at namamatay sa lumbay ang Heneral."

Nag iinit ang gilid ng aking mata. Ang isiping nanghihina ang Ama ay paniguradong magkahiwalay sila. Napapikit ako sa galit.

Sino ang may pakana niyon?

Nagpupuyos ako sa galit. Hindi ko malaman kung ano ang magagawa ko sa mga pisteng lobo o bampira ang may pakana ng paghihirap nila.

"Ang Hari, Reyna, Alpha, at Luna ang nag utos ng mga libong mandirigma na lobo at bampira upang lumaban sa mga rebeldeng bampira at mga rogues."

Naglalakad siya sa harapan ko. Pabalik balik. Naamoy ko rin ang kanyang kapangyarihan sa layo ng aming distansya ngayon.

"Who are you?" Matalim ang tingin ko sa kanya.

"Reynard" simple niyang sagot. Nakangiti sa akin pero may halong pang iinis iyon.

"Hindi ka ba nagtataka?" Umaakto pa siyang nag iisip. Nakahawak siya sa baba niya at bahagyang nakakunot ang noo. "Magiliw ang kanilang pagtanggap sayo sa kabila ng pagkawala mo"

"Bakit parang kasalanan ko pang naiwan ako sa mundo ng mga tao?"

Tumawa siya ng mala-demonyo. Mas lalo lang akong nagalit. Ngunit hindi ko pinakita sa kanya.

"Oo nga. Hindi mo kasalanan kasi kasalanan ng mga pinuno nyo. Naganap ang digmaan ng mga tao at lobo. Ang Commander at Heneral kasama ang kanilang grupo ang siyang nangunguna sa digmaan. Bagong silang ka sa panahong iyon. Sinakop ng mga pisteng tao ang mundo natin at nagdigma. Dahil sa pinuno ang iyong mga magulang sa digmaan ay wala silang nagawa kundi ang lumaban at protektahan ang mga nakaupo sa mataas na ranggo at ang buong palasyo. Kahit pa muntikan ng bawian ang Commander ng buhay dahil sa dugong umagos sa kaniya ay lumaban siya. Habang ang mga nasa mataas na ranggo ay nakatago sa underground, natatakot. Hindi man nila iniisip na nanganganib ang buhay ng dalawang mandirigma. Ni anak nito ay hindi naisip ng mga taong nasa mataas na ranggo na iligtas. Nakuha ka ng mga tao, dinala sa kanilang mundo. Dahil sa kagitingan ng mga magulang mo ay nakuha ka nilang muli. Ngunit imbis na ibalik ka sa mundong ito ay pinili nilang buhayin ka sa mundo ng mga mortal. Pinalaki ka ng normal. Pinalabas na patay na sila nang sa ganon ay hindi ka maghahanap."

Sumakit ang puso ko habang siya ay nagkwkwento. Nakikita ko sa aking isipan ang nanggayari noon at ako ang nasaktan sa aking mga magulang. Ang responsibilidad nila bilang isang taga protekta at taga panatili sa kapayapaan at kaligtasan ng buong palasyo ay pinili nilang maging patay sa mata ng kanilang anak.

Pinili nilang iiwan ako para sa palasyo. Napangiti ako ngunit tumulo ang luha ko. Ngayon ba? Nasaan sila?

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Gumaralgal ang boses ko. Damn it.

"Because you deserve the truth?" Patanong niyang sabi na para bang nakakatawang hindi ko pa alam iyon.

"But the question is that, bakit taos pusong tinanggap ng Alpha at Luna ang isang lobo na namuhay sa mortal. That's is against the rule" tumalim ang tingin niya sa akin.

"Peace offering?" Natatawa kong sabi. Dahil sa kapabayaan at takot nila ay nakalimutan nilang pamilyado ang dalawang mandirigma. Pinili nilang baliwalain.

"You can say that. Hindi ba mas malapit ang sagot na hinanda ka para sumunod sa mga kamay ng rebeldeng bampira at mga rogues?"

Nang iinit ako. Ano naman kung ganon nga?

"Hinanda ka nila para gawing mandirigma. Bukas na bukas ay papasok ka sa paaralan at iba ang aaralin mo. Aaralin mo kung paano lumaban. Kung paano linlangin ang kaaway"

"Bakit? Tinuro ba nila iyon sayo at heto ka ngayon at nililinlang ako?"

Natahimik siya saglit saka tumawa. "Mind you, Gabriella. Raven don't lie" sumeryoso sila bigla.

"May kasunduan ang mga pinuno at mga magulang mo. Na hayaan kang mamuhay ng normal sa mundo ng mga tao at kalimutang may anak ang mandirigma"

Parang pinana ang puso ko dahil don.

"Para iyon sa kaligtasan mo. Pinili nila iyon para sa kaligtasan ng nag iisa nilang anak. Kahit pa kapalit ang buhay nila"

Naging aktibo ako sa nasabi niya.

"Tama ang iniisip mo. Nasa kamay ng mga rebeldeng bampira at lobo ang iyong mga magulang. Pinaghiwalay ang Heneral at Commander. Dahan dahan nila itong pinatay sa lumbay hanggang susuko ang mga pinuno. Nang makamit nila ang tagumpay na manalo"

"Pain sila sa kalaban?"

"Uh-huh"

"Bakit walang ginawa ang mga pinuno?" Galit na galit na ako sa mga pinuno. Sumasakit ang mata ko, pati ang puso ko. Bakit nila nagawang hayaang mabihag ang mga magulang ko.

"Ang mga magulang mo ang pinakamagiting sa lahat ng mandirigma. Pag lumaban kayo sa kalaban ay walang dudang matalo kayo dahil walang makakapantay sa kahusayang makipaglaban sa kanila."

Natahimik ako. Walang laban ang mga lobo sa dami ng mga rebelde kesa sa amin. Kaya walang dudang matatalo kami lalo na at wala ang dalawang mandirigma. Nasa kamay nila ito. At alam kong may masasama silang mahika para mapakilos ng naayon sa kanilang kagustuhan ang mga magulang ko at gawin itong kanilang puppet–laban sa amin.

"Kaya nga hinanda ka nila. Walang pagdadalawang isip na nasa iyo ang kakayahan nilang dalawa. You're their daughter after all" nagkibit balikat pa siya.

Muli akong natahimik. May kung ano sa akin na naiinis sa mga pinuno dito. Paanong naging pinuno sila kung mga bobo naman pala sila? Bakit wala silang hinandang maraming mandirigma para salakayin ang mga rebeldeng iyon at nang sa ganon ay makuha ang dalawang bayani?  I can't believe them!

Wala ba silang ibang ginawa kundi ang magpakasaya dito?

"Saan ko sila matatagpuan?" Puno ng pagkadesperada ang boses ko na ikinangisi niya.

"I can tell you but not now that your mate is here, nice meeting you, Zafira the hunter"

Tumalikod siya kasabay nito ang kanyang pagiging ibon. Nasundan iyon ng pagbukas ng malaking pintuan dito sa library at niluwal nito si Levi na masama ang tingin sa akin.

Parang ako pa ang may kasalanan sa aming dalawa.

Hindi ko na hinintay ang paglapit sa akin. Lumihis ako ng daan para hindi magtagpo ang aming daan nang sa ganon ay makaalis ako ng walang interaksyon sa kaniya.

Anong akala niya?

Pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay nasa harapan ko na siya. Matigas ang expression ng mukha.

"Are you trying to avoid me?"

Kay lamig ng kanyang pagsasalita na hindi ko pinansin. Nangangatog ang tuhod ko at gusto kos iyang yakapin sa panghihina nang pagkalayo namin sa isa't isa pero pinili kong matigas ako. Hindi pwedeng makita niyang mahina ako kapag wala siya. Hindi pwede.

"Anong kailangan mo?" Malamig ding tugon ko.

Lumamlam ang kanyang expression at nakita ko ang pagkainis at lungkot doon.

"Kailangan pa bang may kailangan ako sayo para makalapit? Damn it, Zaf. Are you trying to kill me?" Akmang yayakap siya sa akin ay tinulak ko siya.

Nabigla ako sa kanyang pagkatalsik niyon. He graoned in frustration sa nagawa ko. Pinagpag niya ang kanyang damit at sa kilos bampira ay tuluyan na niya akong nalapitan at kinarga palabas sa library.

"Ang tigas mo talaga. Bakit kayang kaya mo akong wala sa tabi mo habang ako ay parang sinasakal sa sakit!" Inis niyang sabi.

A White WarriorWhere stories live. Discover now