Bumalik si Levi sa kanyang kwarto. Napakurap kurap ako nang paglingon ko ay nasa likuran ko na si Reynard.
Madilim ang tingin ko sa kanyang tatawa tawa lamang. Tila pinaglalaruan niya ako sa kanyang isipan.
"Anong kailangan mo?"
"Was having a movie marathon with Romeo amd Juliet, live" umangat ang gilid ng kanyang labi.
Nawala ang emosyon ko.
" Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?"
Sumeryoso bigla ang kanyang ekspresyon saka naupo doon sa kama ko. Nakapang dekwatro siya at naka kross ang mga balikat sa dibdib.
"Alam ko kung nasaan ang mga magulang mo"
Umigting ang kuryusidad sa aking kalamanan at gusto ko siyang sakalin para masabi niya agad ang kanyang sinasabi.
"But you know, I just know where they are but I don't know how to get there" ngumisi ulet siya.
"And by the way, how's school?"
Bumuntong hininga ako. "Cool" Naupo ako sa upuan doon at malayo ang tingin.
"Are you alright?"
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "Of course"
"You don't look fine"
"Then don't look, silly"
Tumawa siya. Nahawa ako sa tawa niya kaya napangiti na lamang ako.
"Who really you are?" Pagbalik ko sa toipc. Sumeryoso ang kanyang mukha sa umaayos ng upo.
"Reynard" simplehan niyang sagot. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin pero pinili niyang mag patay malisya.
"Gotta go" and then in a cloud of smoke he disappeared.
Muling nabuhay ang kuryusidad ko. Sa paglalakad patungo sa labas ni hindi na bati ang mga nasalubong ko.
"We need to train her, Queen. We need to take an action as soon as possible. The rebellious are on their plan. Nanganganib ang buong palasyo"
"We don't need to train her. She's a daughter of a both warrior. Naniniwala akong nasa dugo na niya iyon."
Isang malaking katahimikan ang namutawi. Sinundan iyon ng kaluskos. Malapit sa akin. Patungo sa direksyon ko.
"Ihanda mo ang kakailanganin niya. Send her to Mt. Fuji"
Muling kaluskos ang aking narinig saka lumabas ang kawal na patungo sa kwarto ko.
Mt. Fuji? Nandoon ang pamilya ko.
I growled in anger and in my wolf strength I run. I run faster as I could and the second thing I knew is that I'm in the forest.
Naalala ko ang mga sinabi ni Reynard. Tama. Kinuha nila ako sa mundo ng mga tao para dito? Hell yeah! Ngayong nalaman kong buhay ang mga magulang ko ay hindi na nga kailangang mag ensayo.
I grinned. There's no need to train me. King is right. I am a warrior, it's running through my veins. No doubt. Kusa iyong lumalabas.
I keep on running. Nang napagod ang mga binti kong tao ay kusang lumabas ang lobong kanina ko pa pinigilang lumabas.
I sighed of the satisfaction.
Is this the right decision?
I think. Pag sasagot ko sa sarili kong lobo.
Paano si Levi?
Natahimik ako. Hindi ko siya sinagot.
Isang lagaslas ng tubig ang bumungad sa amin. Isang talon ang natagpuan matapos ang isang paglalakbay. Sa paanan ng talon ay isang malaking ilog. Sa gilid niyon ay isang malaki at malapad na bato.
Ang ganda ng tubig. Una'y uminom lang ako. Pangalawang nalaman ko sa aking sarili ay lumubog na ako sa tubig sa anyong lobo.
Ang sarap....dahan dahang bumalik ang lobo kung anyo saka pumikit. Habang naliligo ako'y narinig ko ang tawag ni Levi sa aking isipan. Binalewala ko ang kanyang boses sa aking isipan at nagpatuloy sa ginagawa.
An image of my parents flash into my mind. Nakatali si Mama. At nasa malayong bakod si Papa. Napapaligiran ng mga bampirang maiitim aura.
Lumunok ako. Nasa kamay ko ang kaligtasan nila.
Huwag mong isipin ang kaligtasan namin, anak. Isipin mo ang kaligtasan ng palasyo. Iyan ang katuturan ng pagiging mandirigma.
Napamulat ako. Isang panaginip.
Tumayo ako saka nagbihis. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang taong kanina pa nakamasid sa akin. Galing sa talon hanggang dito.
"Lumabas ka" ngunit kaluskos lamang ang naririnig ko.
Umihip ang malamig na hangin kasabay ng pag usok ng aking harapan. Ang maitim na usok ay dahan dahang bumuo ng katawang tao.
Hindi ko makuhang kumurap sa tapang ng kapangyarihang nadarama ko sa kapaligiran. Hindi ko namalayang isang tao ang nasa harap ko. Tao nga ba?
"Hello..." Garalgal ang kanyang boses. Mapupula ang mga mata at puno ng cavities ang kanyang ngipin. Nakangisi siya sa akin. Malapit ang kanyang mukha sa mukha ko at pabaling baling ang ulo.
"Sino ka?"
Umikot siya at tila sinusuri ang baho ko sa pagsinghot niya sa akin.
"Hindi na importante iyon. Ang importante ay kung bakit nandito ang anak ng mandirigma?" Parang lasing siya kung magsalita. Naamoy ko rin ang masangsang na amoy sa kanyang kapa.
Nakakahilo ang baho niya. Nawawala ang tino sa aking utak at hindi ako makapag isip ng maayos. Patuloy ang kanyang pagsasalita. Mas lalo pa niyang inilapit sa akin ang mukha niya at lalo akong nawala ng tino.
Nahihilo ako sa amoy at nawawalan ako ng lakas mag isip.
"Ang Hari at Reyna ba ang nagpadala sa iyo dito sa Mt. Fuji?" Nakakainis ang kanyang ngisi. Gusto ko siyang itulak ngunit nawalan na ako ng lakas.
"Sumama ka sa akin..."
"Sumama ka sa amin..."
"Nasa kamay namin ang magulang mo..."
"Akin na ang kamay mo.."
Nag eecho ang boses niya. Habang tumatagal ay dumami ang boses na aking naririnig. Dumarami sila at ang magagandang boses ang naririnig ko na tila mga anghel at musika ang kanilang boses sa aking tenga.
Nahahalina't tinaas ang kamay sa kaharap kong kamukha ng aking Ama. Umiiyak siya at nagmamakaawang sumama ako sa kanya.
Tiningnan ko ang kamay ng aking Ama. Tumulo ang aking luha. Sa wakas ay mahahawakan ko na ang kamay niya. Sa wakas ay magkakasama na kami.
Nang magkalapit na ang mga kamay ay isang malaking pwersa ang natanggap ko galing sa kung sino o ano.
Bumalik ang tino ko at natanto ang mga pangyayari.
Malakas na tumawa ang lalaking pangit sa harap ko.
"Ang ibon. Hello Reynard" nakakainis ang boses niya nang banggitin ang pangalang iyon.
Reynard?
Naramdaman ko ang kamay ni Reynard sa akin. Mahigpit niya akong hinawakan. Matatalim ang kanyang tingin sa kaharap na lalaki.
"You're so careless. Hinayaan mong malinlang ka. I thought you're wise. Tsk. Muntikan na yun!" He hissed.
YOU ARE READING
A White Warrior
Hombres LoboSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...