“I've never thought of the positive”
[Alexander]
“Happy birthday kuya!” Bati ng kapatid kong si Alice. July 19 pala ngayon, my birthday. Nakalimutan ko.
“Thank you Ling.” Naghanda sina Tita at si Ling-ling ng konting salo-salo. A surprise celebration.
“Maya nalang ako kakain. Papahinga muna ako.” Dumeretso na ako sa kwarto. Sana hindi sumama ang loob nina tita at Ling-ling. Talagang wala akong ganang kumain.
Revenge time ba? Si Nips naman ang di namamansin. Ang masaklap hindi ko alam anong dahilan! Damn it!
[Ram]
“Uy, ano sayo?” Tanong ko kay Chrystal.
“Cheese sticks! Pero kung wala kahit ano nalang!”
“Ate isang apple juice at cheese sticks.”
“Wala nang Cheese sticks.” Nakita ko ang mga tinda sa canteen. Marshmallow, Empanada, Siopao, Chocolate moist cake. Uy! Moist Cake! Pero hindi ko pa siya nakikitang kumakain ng chocolate. Kung di niya kakainin edi akin nalang. Tapos bibilhan ko nalang siya ng gusto niya.
“Friend! Wala nang cheese sticks. Chocolate moist nalang binili ko.” Hindi niya yata gusto. Nabasa ko lang sa mukha niya.
“Eh, friend hindi kasi ako kumakain ng chocolate.”
“Bakit?”
“Kasi, I don’t know. Ayaw ko lang ng color niya black. Ano naman kayang lasa ng black?”
“Naku friend, tikman mo. Masarap. I gurantee you. Kung hindi, I will supply you cheese sticks for 1 month.”
“1 month lang?”
“Okay 2.”
Kinuha niya na ang tinidor at nagslice ng konti sa cake yung sa gilid na part, yung maraming frosting. Lumaki mga mata niya matapos niyang masubo ang nasa tinidor.
“Masarap nga!” Malakas ang pagkasabi niya kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin.
“Sabi ko naman sa yo diba!”
“Sayang, akala ko libre na ako ng cheese sticks for 2 months!” Sabi niya habang may chocolate pa sa ngipin niya. Cute! Parang bata.
[Alexander]
Hay! Wala akong ganang pumasok kung may kaaaway ako o may di namamansin na kakilala ko! Nips naman o! Kalimutan mo na yung sinabi ko! Friends na tayo ulit please!
“Ram! Nakakamatay ang pakiramdam!”
“Alex, love lang yan.” May topak yata to ah.
“Akala ko ba sabi mo sa akin sabihin ko sa kanya na mahal ko siya ha!”
“Oo nga, pero hindi ko naman sinabing yayain mo agad na maging girlfriend. Atsaka, deretso mo lang tinanong, hindi ka nanligaw.”
“Damn it! Hindi mo naman kasi sinabi sa akin eh!”
“Akala ko naiintindihan mo na.”
“Siguro nga tuluyan ko ng itinaboy papalayo si Candy.”
“Hindi naman siguro ayan na siya o.”
Nakita kong papalapit si Nips.
“Hi Ram, pwede bang iwan mo muna kaming dalawa ni Xander? Mag-uusap lang kami sandali.” Omay!
“Ako nauna dito, tumabi lang naman yan si Alex dito. Kayo nalang umalis.” Nips rolled her eyes.
“Okay.” Tapos hinawakan niya wrist ko at hinila ako.
“Hoy.” Napatingin ako sa kanya.
“Please pwede ba, kalimutan mo na kung ano man yung sinabi ko.” Inunahan ko na siya.
“Ah. Ganun ba. Eh... oo sana yung sagot ko.”
Hindi agad ako nakasagot. Nashock ako. O_O
“Talaga?!” Napahawak ako sa magkabilang balikat niya. “Eh, hindi pa ako nakakapanligaw sayo?”
“Wag na. Oo din naman sagot ko eh. Atsaka kung magde-date tayo wala tayong gagawin kundi magbangayan.”
Napaisip ako. Pinatayo ko siya.
“O, teka, saan tayo pupunta?!”
“Ide-date ang girlfriend ko.”
“Kakasabi ko lang. At wala pang time ah!”
“Gusto mo pindutin ang alarm buzzer ulit?” Ngumiti ako ng nakaloko.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin. Friday naman ngayon eh.
BINABASA MO ANG
Not a Fairy Tale at All
RandomStory of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immature and snobbish boy. But there's is still more of him. It is just needs to be unlocked. Story of a very, very generous and kind girl. She's...