PROLOGO:
Ang sabi nga nila, sa hinaba-haba nang prosisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy. Pero paano kung hindi? Paano kung sa patulot na pag haba ng prosisyon, hindi ikaw ang kasama niyang tutuloy sa simbahan?
Paano naman, kung pansamantala ka lang? Paano kun-
“Alistaire Treysa Marie!!” sigaw ni Kian habang hinahabol ako.
Pigil hininga akong nag tago sa likod ng cinic habang hawak-hawak ang tiyan na ngayon ay sobrang laki na. Nanlalabo na ang aking mga mata, habang hinahabol ang aking hininga. Nang humina na ang boses niya ay saka ako tumalikod, habang nag mamadaling mag lakad papuntang car park.
‘Muntik na ako roon,’ saad ko sa aking isip at umiling-iling.
Pag katapos mo akong iwan? Akala mo ay madadala mo ako sa’yong pasigaw-sigaw? Ulul. Hinding-hindi na, hindi na ako mag papadala sa mga putanginang dahilan mo. Manloloko.
‘Hinding-hindi na kita babalikan, at kung babalikan man kita, sisiguraduhin kong mag sisisi ka,’ ani ko sa aking sarili habang pinapalis ang tumulong luha.
Maraming pag subok sa buhay na akala natin hindi na malalagpasan, marami tayong taong mamahalin na akala natin sila na, pero paano kung mag baka sakali tayo at bigla na lamang sumugal? Yung tila ba, parang nabalewala na ang lahat dahil sa ‘yong pinaka mamahal, pero sa huli. Nabigo ka lang, tulad ng ‘yong inaasahan. Dahil sa laging mong sinasabi na ‘Malay mo, ikaw’
Pero malay mo nga, ikaw na diba? Ikaw ang piniling saktan. Dahil kahit na paulit-ulit kang iwan, alam niyang tatatanggapin mo pa rin siya, dahil ganon mo siya kamahal. Malay mo nga ikaw, ay patuloy na binabalikan, dahil ikaw ang pampalipas oras, at uto-uto pag dating sa ‘yong minamahal.
YOU ARE READING
When Destiny Met Us
General FictionNakakabaliw, nakakatakot, ayaw sumugal. Sino nga namang susugal sa isang taong hangad lang ay sariling kapakanan? Sariling kapakanan nga ba?