LAST CHAPTER

10.4K 221 34
                                    

AIAH'S POV

"Love" Tawag sa akin ni Mikha. Agad naman ako napalingon sa kaniya at ngumiti. Nauna na kasi ako rito sa kwarto namin para magpahangin sa terrace sa mismong kwarto namin ni Mikha habang siya naman ay sinamahan na muna si Baby Janna hanggang sa tuluyan na itong makatulog sa kwarto nito.

"Tulog na?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya at niyakap na ako mula sa likod.

"Love, napansin mo ba, na sa tuwing may magandang nangyayari sa atin dalawa laging October" Natatawang usap ko at lumingon pa ng bahagya sa kaniya. Napangiti naman siya ng napakalapad at tumango.

"That one night in October" Nakangiting sagot niya.

"Nung gabing sagutin mo ko sa gitna ng ulan, nung gabing unang beses na lumapat yung mga labi mo sa labi ko" Dagdag pa niya habang yakap-yakap pa rin ako mula sa likod.

"Mahal na mahal mo talaga ako, Mikha, e no. Hahaha. Yung kahit na ang tagal-tagal natin hindi nagkasama, yung kahit na nakalimutan mo ako pagbalik ko, nagawa pa rin natin icelebrate yung anniversary natin sa Batanes kahit na wala kang naaalala. Naicelebrate natin yon dahil sa biglaan yaya mo" Natatawang usap ko naman sa kaniya. Nung una nga non ay inakala ko pang nakakaalala na siya at naaalala na niya yung Anniversary namin dahil mag Ooctober na nung araw na nagyaya siya.

"At nung mismong araw ng anniversary natin, october 1 sa Batanes, doon mo ulit sinabi sa akin na mahal mo ako, na sobrang tagal ko ng gustong muling marinig ulit galing sayo" Emosyonal ng usap ko sa kaniya, agad naman niyang hinalikan ang sentido ko at niyakap ako ng mas mahigpit. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko sa past life ko para ibigay ang isang Mikha Lim sa buhay ko, maswerte ako dahil matapos ng lahat, nananatili pa rin kaming masaya at payapa sa yakap ng isa't isa.

"May aaminin ako sayo" Natatawang bulong pa niya sa akin.

"Hmm?"

"October 26 talaga yung una natin monthsary or anniversary para sa akin noon. Ayon kasi yung araw nung unang beses kitang nakita sa Airport" Natatawang sabi niya kaya taka naman akong napatingin sa kaniya.

"Huh?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Matagal na kitang crush, Love. Isa't kalahating taon rin. Haha. Matagal na kitang nakikita sa airport bago pa tayo tuluyang magkasalubong non nung araw na kasama mo si Sheena bago pa tayo magkayayaan non dito sa Siargao" Dagdag pa niya, kaya natatawa naman akong sinilip ang mukha niya, ngunit tumango lang naman siya para patunayan totoo ang sinasabi niya.

"Alam ni Colet yon, kaya nga nung magkahiwalay na tayo ng daan non parehas kaming mukhang tanga ni Colet kakangiti" Natatawang kwento pa niya.

"Alam mo bang naging crush na kita nung araw na yon?" Tanong ko pa kaniya kaya hindi naman siya makapaniwala na napatingin sa akin

"Oo nga, love. Kaya lang nag aalangan pa ako non kasi nga piloto ka" Natatawang kwento ko pa sa kaniya kaya natawa na lang din siya.

"Alam mo bang sinadya ko rin talaga magpahuli nung unang beses na makakasama ka sa amin? Kasi narinig ko kay Sheena na hindi ka pa nga raw sigurado, kaya nung sinabi niyang baka mga pang hapon na flight na makuha mo, sinabi ko na rin sa kaniya na pang hapon na lang din yung flight na kunin para sa akin"

"Ang sabi ko pa nga sa kaniya non may gagawin pa ako tungkol sa sched ko pero ang totoo non wala talaga haha nakahiga lang ako non sa condo" Tawang-tawa na kwento pa niya. Aba't ibang klase talaga ang isang 'to.

"Ikaw ah, para-paraan ka ah" Asar ko sa kaniya kaya sinuksok na lang niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Mabuti na lang talaga at mayroon October sa mundong 'to"

"At meron Aiah sa buhay ko, nang dahil sayo bigla ako nagkaroon ng dahilan para bigyan ulit ng kabuluhan tong buhay ko" Usap pa niya at hinalikan ang sentido ko.

"Dumating pa sa buhay natin si Baby Queen na isa ring October baby, haha. Kaya minsan, hinihiling ko na sana kada buwan, October" Natatawang dagdag pa niya. Agad naman akong humarap sa kaniya para hawakan ang mukha niya.

"So, We fell in love in October, huh?" Nakangiting usap ko pa sa kaniya kaya nakita ko nanaman ang mga ngiting gustong gusto ko laging nakikita.

"Yeah, and that's why i love fall" Hinawakan naman na niya ang mukha ko kaya napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ng halikan na niya ang noo ko at dahan dahan na binababa ang labi niya para halikan ang ilong ko.

Kagaya na lamang ng unting unti paglagas ng mga dahon, kagaya na lamang ng dahon na nakatadhanang humalik sa sahig.

Saglit pa kaming nagkatitigan habang hinahawi niya ang buhok ko papuntang tenga ko

Nasubukan ko ng maghabol ng paru-paro nung bata ako pero hindi ko alam ganto kadali mo lang pala mabibigay sa akin ang mga ito.

Hanggang sa unting unti na lamang rin niyang nilalapit ang napakaganda niyang mukha sa mukha ko.


"Falling deeper in love with you" Seryosong usap pa niya. Hanggang sa parehas na namin pinikit ang mga mata namin bago tuluyan nang angkinin ng labi niya ang labi ko.


Kung ang paghalik ang paraan mo para ibulong sa mga labi ko ang pagmamahal mo, gusto ko lang malaman mo na, makikinig ako, makikinig ang labi ko sa mga bulong mo. Mahal ko.












                                WAKAS

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon