Pagbukas ng locker ko may nakita na naman akong sulat. Sulat na ewan ko kung kanino galing. Second time na 'to ha. Love letter lang naman na puro kakornihan ang laman.
Ewan ko ba kung ginu-good time lang ako ni Superman, yun yung code name nung nagpadala. Superman? baka nasobrahan lang yun sa panonood ng FOREVERMORE eh. Sana siya na ang Enrique Gil ng buhay ko kung sakaling magpapakilala siya sa akin. Pero hinahanap ko pa rin si Mr.Judge ng buhay ko.Siya! siya ang Enrique ng buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit mas minahal ko ang passion ko.
Balik tayo kay superman, Ang weird din 'tong taong to noh? 2015 na pero uso pa rin sa kanya ang gan'tong komunikasyon. Sulat kamay pa talaga ha..Pero in fairness ang effort ha and it sounds really sweet and sincere.
Ito yung first letter niya...
Dear Yohanna,
I can't resist this feeling anymore. I think I'm in love with you since the day I laid my eyes on you, fast right? I know you're just gonna laugh me about this, but I'm gonna make sure that you'll fall in love with me soon.Love,
Your SupermanOh diba? Papaibigin daw nya ako. Bilis ha! Ito naman yung sulat ngayon.
Dear Yohanna,
Congrats! I know that you'll win. You have the perfect hands to create such a beautiful master piece. And thank u for choosing me as your subject in ur painting.Love,
Your SupermanOo tama ang basa nyo. I do paint. Kanina ako yung champion sa buong campus. Nandon kaya sya? Pano naman nya nlaman na sya ang subject ng painting ko. Ganun ba sya kakonektado sa akin para malaman yung story behind my painting. Sa totoo nga nyan, kahapon wala pa akong maisip na subject para sa contest kanina. Timing naman na nabasa ko yung sulat ni Superman, nabigyan nya tuloy ako ng idea. It's about hidden desire, something like that. Basta di ko ma-explain. Hahaha.
Tingnan nyo na lang yung master piece ko sa fb page ng awtor ng kwento ko. hihihihi.. search nyo lang jbexperts extension. Hihihihih..nailusot ni awtor.
---
Nasa parking lot na ako, hinihintay ko lang si Manong Lito, yung family driver namin. Hinatid pa kasi nya si Ate Yenah sa airport dahil babalik na sya ng Canada kaya medyo late sya ngayon.
Professional photographer si Ate Yenah sa Vancouver, Canada. Twice a month sya umuuwi dito sa Philippines para tignan yung negosyo nya dito.
I have a plan na nga, sa Canada ako mag-wowork.
Sa tagal-tagal kong nagkwento sa inyo di ko pa pala napakilala yung sarili ko noh. Okay.
I'm Yohanna Rivera, 20 yrs. old, 5'6 ft. tall, taking up Interior designing. Its my last year in college. Never got into a serious relationship.
6:45 p.m na wala pa rin si Manong kaya tumambay muna ako sa may shed. May lalaking nakaupo na parang meron ding hinihintay. Naka-Engineering uniform sya ng school namin kaya safe ako na tumambay muna dito.
"San na ba ang sundo mo?" narinig kong sabi ng guy. Di ko na pinansin cuz I'm sure di naman ako ang kinakausap niya. May dalawang girls na rin kasing dumating dito.
"Hey Miss! san na yung sundo mo?Kanina ka pa dito" seriously ako ba yung tinatanong nya? Kasi naman he's looking at me na. He knows me? How?
BINABASA MO ANG
Sulat ni Superman
Short StoryAng kwento pong ito ay hango sa totoong buhay. May iba pong parte ng estorya na gawa lang ng imahinasyon ng awtor :)