Bölüm 三十三

90 16 3
                                    

Wala akong ibang ginawa dito sa kwarto kundi humilata sa higaan habang paulit-ulit kong sinusugatan ang sarili. Mugto na ang aking mga mata sa magdamag na pagluha. Sumasakit na ang aking ulo at nahihilo ng kaunti dahil sa salat sa tulog at kain.

Hindi ko na naaasikaso ang sarili. Wala na akong gana'ng kumilos pa, para akong patay na nabubuhay sa mundong ito.

Inaalala kong mabuti kung paano ako nakabalik dito. Ang natatandaan ko lang ay nakita ko muli silang tatlo at pinagtutulak ako kaya dama ko pa rin ang sakit ng likuran ko, nagkasagutan rin kami ni Lito dahilan para tutukan ako ng baril at hindi ko inakalang nagawa ko pang maghamon na iputok niya mismo sa ulo ko ang baril na hawak niya. Pagkatapos niyon ay wala na akong maalala.

Nakaramdam ako ng pagod kahit wala naman akong ginawa kundi umiyak at humiga lang sa kama kaya hindi ko namalayang nakatulog ako.

Lagi na lang akong natutulog, kumakain pa naman ako pero hindi na ganoon kadami tulad ng dati, nagtitipid ako ng mga gastusin.
.
.
.

Magmula sa gabing iyon ay itinigil ko na ang paghahanap sa kanila. Ganon na siguro ako kahina para sumuko na. Nauubos lamang ang oras ko sa kanila.

Mabagal ang pagnguya ko, ninanamnam ang lasa nitong burger na binili ko. Iba ang lasa niyon sa nalasahan kong burger na aking ninakaw. Mas masarap 'yun kase madaming gulay kaysa dito na patty at cheese lang ang laman.

Dumighay na ako sa pagkabusog, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakaramdam ng pagkabusog sa isang pirasong pagkain lang. Naalala ko tuloy si Mama na lagi niyang pinupuno ng pagkain ang plato ko kaya nasanay akong maraming kinakain kase kahit ano raw kain ko ay hindi ako tumataba.

Pinagod ko ang sarili sa pagbabasa ng libro hanggang sa makaidlip ako. Idlip lang dahil naalipungatan ako nang may maramdaman akong humawak sa may palapulsuhan ko kung saan ko pinaghihiwa ang sariling balat. Hindi ko agad naimulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng usapan.

Tol, I'm confused. Why are we doing this? I thought we were avoiding her

Shush. she might wake up

Hoy, kayong dalawa, tigil-tigilan niyo ko kaka-english niyo ah, dudugo ng 'di oras ang ilong ko sa inyo e

Ikaw kase

What? Why me?

Cause you—————

Anak ng tinapa kayo oh, kapag nagising 'to mababatukan ko kayo

Naistatwa ako sa pagkakahiga nang marinig ang boses nilang tatlo na malapit lang sa gawi ko habang ako ay nagtulog-tulugan. Nagbubulungan sila.

Bakit sila nandito? Paano nila nalaman nandito ako!? Anong ginagawa nila dito?

Sunod-sunod na tanong ang bumagabag sa akin. Nakapikit pa rin ako, pinapakiramdaman sila kung anong binabalak nilang gawin. Base sa boses ay natatansya ko kung gaano sila kalayo o kalapit. Kung hindi ako nagkakamali ay pakiramdam ko na si Lito ang humahawak sa kamay ko, para bang sinusuri ito.

Isa sa napansin ko sa kanila, si Ax at James ay parang anak mayaman ang kanilang wangis, mukhang bihasa rin sila sa wikang ingles na karaniwang ginagamit ng mga may kaya o mayayaman sa bansang ito.

Pagdating naman kay Lito ay masasabi kong nasa mababa siyang katayuan sa buhay, sa tatlo ay siya ang may kayumanggi'ng balat at hindi katangkaran pero malakas ang kaniyang dating kahit hindi ganoon kagandang lalaki.

Akalain mo 'yun ay napansin ko pa gayong hindi ko iniintindi kung anong meron sa mukha nila, siguro dahil minumukhaan ko sila sa paghahanap ko nitong nakaraang araw.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon