Chapter 2

19.2K 505 40
                                    

Henny PoV

Nasa aking silid ako ngayon, ginagawa ang gamot na ibibigay ko kay Ronan. Medyo sumasakit na ang aking balikat sa kakadurog ng halaman at malapit nang maghatingabi. Gusto ko sanang matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok, kaya ginawa ko na lang ang gamot.

Sa wakas, natapos ko rin ito kaya napangiti ako. Nilagay ko ito sa maliit na bote at biglang napatigil nang marinig ang ingay mula kay Princess Penelope. Gabi-gabi ko talaga itong naririnig. Noong una, nag-alala ako pero sinabi sa akin ni Elisabeth na nagme-make love daw ang Duke at Duchess. Make love? Ano ba 'yon? Hirap talaga kapag hindi ka masyadong edukado. Tinulungan ni Elisabeth na maipaliwanag ito sa akin at ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay sexual intercourse.

"I'm not satisfied with you, Penelope. You'll never satisfy me." Narinig kong sabi ng Duke. Hindi malayo ang silid ni Princess Penelope sa akin.

"What do you mean you are never satisfied with my body? I give you everything, Felix!" Galit na sagot ni Penelope sa Duke. Paano ito nangyari? Akala ko ba masaya sila at puno ng pagmamahal ang kanilang relasyon, pero ano ito?

"I can't take this. You can't blame me if I find another woman." Narinig kong umiiyak si Penelope. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto at lumabas si Penelope na hubad at umiiyak. Lumapit ako at niyakap siya.

"I regret loving him! I'm so foolish, Henny." Iyak niya kaya niyakap ko siya at sinubukang patahanin.

Mula nang mangyari 'yon, hindi na umuuwi ang Duke sa mansiyon dahil sa usap-usapang may kasama na itong ibang babae. Napapansin ko rin ang unti-unting paghihina ni Penelope dahil hindi na siya kumakain ng maayos. Sinubukan kong pagaanin ang kanyang loob pero mukhang walang epekto dahil sobrang nasaktan si Penelope.

Hanggang sa dumating ang araw na nagbago ang ugali ni Penelope. Nagiging mainit na ang kanyang ulo at ang masaklap pa, nagagawa na niyang saktan ako. Pero tiniis ko ito dahil naiintindihan ko ang kanyang nararamdaman.

Hanggang sa dumating ang araw na dinala na ni Duke ang kanyang mistress sa mansiyon, na lalo pang ikinagalit ni Penelope. Nawala ang autoridad ni Penelope sa mansiyon dahil mas pinaboran ng Duke ang kanyang mistress.

Unti-unti nang nawala ang kagandahan ni Penelope dahil sa kanyang depression at isang araw, naganap ang pinakakatakot kong eksena sa aking buhay. Ininom ni Penelope ang lason at namatay sa harap ng Duke at ng kanyang mistress. Ako lang ang nagluksa sa kanyang kamatayan.

"Inakala ko na magiging masaya ang wakas mo." Inilagay ko ang bulaklak sa kanyang libingan.

"Masaya akong naglingkod sa'yo, Prinsesa." Umalis na ako at bumalik sa mansiyon para gawin ang aking trabaho. Inakala kong magiging mapayapa na ang aking buhay, pero mali pala ako.

Dumating ang trahedya sa akin dahil sinubukang gahasain ako ng Duke! Hindi! Dapat kong protektahan ang aking sarili anuman ang mangyari.

A/N;
Nakakalungkot ang reincarnation na ito 🙂😔

Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon