The House

2.2K 34 0
                                    

Nasa Hallway kami ngayon at ang ngiti sa labi ko ay di mawala-wala. Paano ba naman. Bumalik na ang nanay ko tapos nagkaayos na kami ni Lead at pati si Jillie maayos na rin ang pakikitungo niya sakin at ganun din ako. Hindi ko ma lang isasalaysay dahil maraming O.A ang mga nangyari sa buhay ko LOL.
Friday na ngayon at sa next day na ang debut ko. May party daw na gaganapin sabi ng nanay ko. Siya daw ang gagastos sa lahat at ngayong uwian ay magliligpit na ako ng mga gamit ko para makamove na kami ng tirahan pati si tiyang sasama samin ni Naany at Athena dahil malaki ang utang na loob namin sa kanya. Doon na kasi kami titira sa bahay ni Mam dahil marami daw masasamang nangyayari sa bahay na iyon. Naalala ko na naman ang Tagaytay may masamang nagyari din doon. Back to lipat bahay. Hindi ko pa nakikita ang bahay kaya excited na akong umuwi. Actually uwian na ngayon kaya lang hindi pa ako umuwi dahil kasama ko pa sila Mae.


"So, lilipat kayo?" tanong ni Jan-jan.


"How many times do I have to tell you?" tanong ko


"Even if your cryin' your beautiful to" pakanta na sabi ni sunkist. Mga baliw! Napatingin ako kay Mae. May katext? Alams na!


"Sino ka text?"


"Mapalo. Bakit?" tanong niya. Ano ba naman tong babaeng 'to! Di ba niya alam na nasasaktan si Barium oh oh Lumalaban!!


"Okay lang 'yan bro!" tapik-tapik ni Francium kay Barium. Napangiwi lang si Batium at tiningnan si Mae at umiwas ulit ng tingin. Matanong ko lang may gagawin ba na ibang story si Author para sa kanilang dalawa. Hmmmmm...


"Uwi nako guuuys haa. Jinihintay na ako ni mama" tumango lang sila at nagpaalaman na kami sa isa't-isa. Nag-abang ako ng Jeep ng huminto ang pamilyar na sasakyan sa harapan ko.


"Hop in! I'll drive you home!" sabi niya ng nakangiti. Talagang lumabas pa siya sa kotse niya. Tumango na lang ako at papasok na ng kotse nang hilain niya ang kaay ko at siya ang nagbukas ng pinto para sakin. Gentleman!


"Parang nanliligaw ahh!" biro ko at pumasok na sa kotse niya. Ang bango naman ng sasakyan ng gagung 'to.

"Pwede ba?" I looked at him. Nasa driver seat na din siya. Seriously? Dinibdin niya ang biro ko. Uhhhh!

"Gusto mo ba ako?" tanong ko. Tumingin siya sakin at ngumiti. ohh Colgate gamit ng lalaking 'to o di kaya Pepsodent! Hahaha


"Yes" nakangiting turan niya sakin. Marami nang bumubusina sa likod namin kaya pinaandar niya na ang kotse. Holy God! Diyos ko ang dami namang blessings nito. Hindi ko muna iintindihin o proproblemahin si Bridgette. Ang mahalaga ay I'll enjoy this moment.


"Then why not?" sabi ko at yinakpan ang mukha ko. Huhuhuhu hindi ko na kaya! Dear Kahihiyan, mahiya ka naman!


Nakarating na kami sa bahay namin at kitang-kita ko na rin sila nanay sa loob na nag-iimpake. Si Athena naman ay ang mga Pictures ang kinukuha niya. Lalabas na sana ako sa kotse ni Lead nang hawakan niya ang kamay ko. Ilang boltahe ba ang hatid ng kamay niya sa katawan ko?


"Bakit?" I asked him.

"Yung sabi mo ahh!" pangisi-ngisi na sabi niya sakin. Baliw! Pinalo ko lang siya at lumabas na. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Naglakad na ako sa loob ng madaanan ko ang magarang kotse sa labas ng bahay. Sino kaya 'to? May tao kayang iba dito?


"Nay, sino yung kotse sa labas?" bungad ko pagkapasok ko sa bahay. Nagmano ako sa kanila mi Tiyang at ai Athena ay ganun din ang ginawa niya sa akin.


"Chay Mama Ache! Anch Jandja Ache djiba?" sabi ni Athena. Tumango lang ako at hinalikan siya.


Nag-inpake na rin ako at may nakita akong Notebook sa ilalim ng kama namin. Bakit may ganito dito? Bubuklatin ko na sana ang naturing notebook ngunit bumukas ang pinto at pumasok si Nanay. Akala ko uusisahin niya ako pero paalalahan lang pala ako na magmadali. Tumango ako at inilagay sa bag ko ang notebook. Maya-maya ay lumabas na ako ng bahay at nakita kong nasa sasakyan na sila.

"Halika na!" tawag sakin ni Tiyang. Si mama ang magmamaneho? Puyat siya baka mapaano pa kami.


"Nay, ako na po magmamaneho. Pagod po kayo!" sabi ko at ipinasok sa baggage ang bagahe.


Ibinigay ni Nanay ang susi at tumango. Nagmamaneho ako habang sila natutulog napangiti na lang ako. Halatang pagod. Ilang minuto ay narating na namin ang bahay.


Malaki ang bahay at may taga open ng Gate. Oh MY God! I can't believe na titira ako sa ganitong klaseng bahay. Ginising ko sila at ipinaaok na namin ang mga gamit sa loob ng bahay. May mga katulong na tumulong samin sa pagpasok sa mga gamit. Napatingin ako sa itaas. Nagulat ako nang may makita ko na babae na nakatingin sakin. Pagkatingin ko sa kanya ay parang tumakbo siya dahil wala na siya dun kaya napalapit ako sa may katandaan na katulong.


"Manang?" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin at inilagay sa sahig ang mga dinadala niya.


"Ano yun Maam?"


"Wag po niyo akong tawaging Maam manang. Pareho lang po tayo ng trabaho nung nakaraang buwan!" sabi ko ng nakangiti. Ngumiti din siya sakin. "Naomi nalang po ang itawag niyo sa akin! It would be better! Ano pong pangalan niyo?" tanong ko sa kanya.


"Fely po!" Ano naman yang Po na PO na yan! Feeling ko tuloy matanda na ako.

"May itatanong lang po sana ako Manang Fely!"

"Ano yun?" tanong niya. Nakatungin siya ng diretso sakin at nahagip ng mga mata ko ang babae. Tumatakbo siya sa likuran ni Manang pero agad namang nawala. May multo ba dito?


"May babae po ba dito nung wala pa kami?"


"Wala po maam. Walang dalagang katulong dito. Puro may edad na!"


************************************
-Naomi Georfo

Stabbed by the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon