"Tama na, tapos na 5 minutes mo." He just groaned.
"Last 5 minutes."
"No, uuwi na ako. May pasok pa ako bukas, saka anong oras na rin." Sabay tingin ko sa wrist watch ko, napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang buntong hininga niya.
"Dito ka na lang matulog. May guestroom naman kami." Umiling ako, halata sa kanya ang pag disgusto sa sagot ko.
"Okay, let me take you home." Saka tumayo sa sofa at kinuha ang car key niya.
"Hindi na, dala ko motor ko, I can handle my self." Tinitigan niya muna ako ng matagal bago ulit bumuntong hininga. Pagod na pagod ba siya kaya napakalalim ng paghinga niya?
"Magpahinga ka na lang, para mabilis kang gumaling." Tumango na lang ito at inihatid ako sa labas, sakto naman pagpasok ng apat sa gate.
"Oh, uuwi ka na?" Tanong ni Hakiro habang ngumunguya ng pop corn. Gabing gabi na kumakain pa rin 'to?
"Yes." Tumango naman ito, ganon rin ginawa nung iba.
"Ano pala sasakyan mo?" Tanong ni Jared, tinuro ko naman sa kanya ang Ducati motor ko.
"Whoa! A big bike huh? Angas. Sayo pala 'yan!" Hindi niya napigilan mapasinghal.
"Nice!" Gulat rin si Hakiro habang nakatingin sa motor ko.
"Paano ba 'yan? Una na ako." Sabay lakad papunta sa motor ko, sinuot ko naman na ang helmet at leather jacket ko. Tinignan ko naman si Kyle na nakapamulsa habang nakatingin sa akin. I just nod to him, sign na aalis na ako.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng pagpapatakbo, may napansin akong nakasunod sa akin. Tumingin naman ako sa side mirror at may nakita akong kotse na nakasunod sa akin.
Tangina ng mga 'to, sino na naman 'to?!
Nahalata siguro nila na napansin ko na nakasunod sila sa akin kaya lumabas ang isa sa kanila at pinagbababaril ako. Kinapa ko naman ang suot kong jacket, buti na lang may dala akong baril. Mga tarantado, sino ba kasi 'tong mga 'to, mga kupal. Malaman ko lang kung sino 'to.
Umiilaw ang earpiece ko kaya agad ko rin naman 'tong sinuot, gamit ang isang kamay pinagbabaril ko ang gulong ng nakasunod sa akin. Akala ko isa lang ang naka sunod pero tatlo sila.
Anong trip ng mga 'to sa buhay at ako ang piniling pistihen.
Pinindot ko naman ang earpiece na maramdaman kong nag vibrate ito, halatang may gustong magkaroon kami ng koneksyon.
"Ally! Umiilaw ang tracking device na nasa motor mo!" Halos mabingi siya sa sigaw ni Asaiah.
"Alam ko, kaya nga natrack niyo ako diba?" Nilalagyan ang bawat sasakyan namin ng tracking device para malaman kung nasa kapahamakan ang isang miyembro, kusang iilaw ito at malolocate nila. Kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko habang nakikipag gitgitan ang dalawa pang sasakyan, mabuti na lang at motor ang ginamit ko, mas madaling makasingit sa mga pisteng sasakyan na 'to.
"Nalaman namin na mga tauhan ni Mr. Villamore ang humahabol sa 'yo, nagpadala na rin ang Agency ng ilang back up para kila Kyle." Sambit naman ni Whence. Nakahinga naman ako nang maluwag ng marinig kong may back up na dumating sa kanila kahit alam kong kaya nila ang sarili nila.
"Aba, hindi pa rin matapos tapos 'yang si Villamore."
Narinig ko ang ilang pagtipa niya bago ako muntik madaplisan ng bala.
"Pota!" Saka lumingon sa kanila, nakita ko pa ang isang tauhan nito na ngumisi pa sa akin bago ulit ako paputukan ng bala.
Agad ko naman pinapatukan ang kanilang gulong dahilan ng pagkawala nila ng prino at tumama sa ito poste.
Tuloy tuloy pa rin sa pagmamaneho ang isa pang sasakyan, mas pinabilis ko pa ang takbo ng aking motor.
Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng hangin sa aking balat, "kumusta ka na? Diretso ka na sa Agency, naghihintay ang mga Senior natin doon." Huling sabi ni Whence bago ulit nawala sa linya.
Dinoble ko naman ang bilis ng akin motor at niligaw ang nag iisang sasakyan na sumusunod sa akin, tangina. Anong oras na wala pa rin akong tulog, kapag ako nakatulog sa klase mamaya.
Ilang paliko liko pa ang ginawa ko para maligaw ang sasakyang humahabol sa akin. Nang makita ko ang dalawang nakabantay sa gate ng agency ay agad naman akong bumaba sa aking motor pagkatapos kong pumarada, hinubad ko na rin ang helmet ko saka pumasok sa Agency.
Nakita ko ang ilan naming Senior at naroroon na rin pala ang ibang Catalyst.
Una namang lumapit si Jade sa akin at niyakap ako.
"Buti buhay ka pa."
Walanghiyang 'to!
"Aba! Gusto mong mamatay agad ako? Kupal 'to!" Tumawa na lang ito bago bumitaw sa yakap.
Nakita ko namang papalapit si Sir Vander, agad naman akong sumaludo sa kanya.
"Kumusta naman?" Sabay tingin nito sa butas kong leather jacket sa may bandang balikat.
"Muntik lang, Sir." Ngumiti naman ito sa akin at pinaupo na kami.
"Nakita ng tauhan ni Villamore na pumunta ka sa penthouse ni Mr. Constello." Sabay inom nito sa tsaa niya.
Napatingin naman sa akin ang mga kamiyembro ko na parang may ginawa akong krimen na mahirap lusutan.
Tumango naman ako rito at hinayaan siya sa pagsasalita.
"Akala ng mga tauhan ni Villamore na nobya ka ni Mr. Constello kaya ka pinasundan sa tauhan niya at balak patayin ngayong araw."
Agad namang namula ang mukha ko sa narinig, kailan pa ako naging nobya ni Kyle.
"Nakita ng isa sa tauhan ni Villamore ang halikan niyo ni Mr. Constello sa Casino."
Halos masamid ako sa sarili kong laway, tangina pati 'yon nalaman? Nakapatay ang ilaw noong mga oras na 'yon.
May narinig naman akong parang natatawa at nahagip ko ng mata ko na tumatawang Jade. Habang sila Whence, Kylianna at Asaiah ay parang nagpipigil. Mga walanghiyang 'to.
"Ah, aksidente lang po." Saka umiwas sa mga tingin niya.
"May aksidente bang umabot ng dalawang minuto?" Halos mapaubo naman ako sa sinabi niya. Gago? Bilang niya 'yon?
"May video kayong dalawa kaya alam ko." Sabay pakita sa akin ng video, halos mamula lahat ng mukha ko dahil sa nakita ko. Kung paano nakalapat ang labi ko sa labi ni Kyle na nakapikit.
"Ah eh ano..."
Halos hindi ko na matuloy ang sinabi ko, dahil agad nagtawanan ang Catalyst dahil sa reaksyon ko.
Makakaganti rin ako sa inyo Catalyst! Walanghiya kayo.
BINABASA MO ANG
Oblivion Series 1: While You're Collecting Stones
RomansaKyle Constello is a baddass guy. A cold person. A vocalist. Has manly voice and Almond eyes. He will fall with Agent girl or He suffer with his downfall?