Calli pov (Coesha Morales)Nandito ako sa sala namin kakauwi ko lang galing sa palengke, maaga nakatulog si Colex dahil sa pagod sa pag titinda at pag lalaro, habang nag scroll ako sa fb ay nakita ko ang pesteng mukhang trans na toh. Ewan na iirita ako sa mukha nito, bakit kailangan pang maging model yan eh hi di naman totoong babae yan, yung posing nya medyo cringe.
Lagi ako nag cocomment sa post nya at madami din nambabash saakin pero pag iniistalk nila ako at nakikita ang mukha ng anak ko kinikilig sila kesyo parang kamukha daw ni Alex. Tsk ako nag luwa kay colex tapos magiging kamukha ng baklang yun? Walangang ambag yun eh.
Nag pasya akong i chat s'ya
Me: Why so pangit na trans? Hindi ka bagay sa pag momodel umalis ka na lang dyan pangit naman mga posing mo.
Chat ko ilang segundo ay agad itong na seen kaya napangisi ako. Pero pinag tataka ko lang bakit ang tagal nyang mag reply?
Ilang minuto ako nag hihintay at ewan ko ba bakit ko ba naman hihintayin yun eh busy tsk akmang sasarado ko ang phone ko na biglang may nag vibrate nag chat nga ang trans.
Alex Cortez
I still love you...
Nanlaki mata ako sa nabasa ko. Taena! Anong i still love you?! Na wrong send yata!
Impit at natili habang takip ng unan.
"Hoy Calli ano nangyayari sayo?" Naka kunot noo sabi ni nanay bigla na mula ang pisngi ko
"Ah ano po kasi.. nabahing lang ako di ko naman sinasadya takpan nang-unan. Ano po ginagawa nyo dito? Dapat natutulog na kayo." Saad ko at lumapit sakanya para alalayan syang umupo.
"Ahh. Kasi nakalimutan mo akong bigyan ng gamot at kita ko busy ka nag chachat dyan baka naman may boyfriend ka na? Sinagot mo na ba si Enzo?" Saad nito agad ako umiling lumayo sakanya, kumuha ako ng tubig at gamot at binigay kay nanay.
"Hindi noh, ano kasi ka chat ko lang yung friend ko." Pag si sinungaling ko tumango lang ito.
"Anak oo mga pala inimbitahan tayo ni Mr Marcos sa kasal nya kilala mo naman yun diba?" Saad ni nanay kaya napa kunot noo ako
"Nay bat naisip nilang iinvite tayo lalo na alam nyang kalagayan mo." Saad ko, nag volunteer kasi ako sa pag luto nung nag kulang sila ng Chef sa fiesta, isa s'yang mayor dito. Tuwang tuwa nga s'ya saakin kasi nasarapan S'ya sa niluto ko kahit si Ms Sanchez
Medyo nahihiya ako dahil kilalang tao sila pero ako isang nag titinda ng isda.
"Alam ko kaya sabi ko ikaw na lang pupunta."
"Pero Nay walang mag babantay sayo dito at tiyaka si Colex." Saad ko hinawakan lang nya ang kamay ko
"Sige na, kahit ngayon lang iwan mo muna trabaho mo at ako na bahala, kaya ko naman eh." Saad nito napabuntong hinga na lamang ako at tumango.
***
Alex pov
"I'm serious Joman! Nag chat saakin si Coesha pero ibang pangalan gamit nya tapos may kasama syang batang lalaki, at Hindi ako magkakamali kamukha ko ang batang yun nung panahon bata ako!" Paliwanag ko, hindi kasi s'ya naniniwala saakin kasi ang alam nya patay si Coesha pero alam kong alam nya ayaw lang nya sabihin.
"Look Alex, bilog ang mundo maaring kahawig lang nya yun pero hindi ma s'ya yun, sabi mo may anak na paano mo na sabi na sayo nga ang batang yun?"
"I just feel it, wala naman mawawala kung saan s'ya hahanapin hindi ba? Hindi ako mapapanatag pag di ko s'ya makakausap." Saad ko napabuntong hininga lang ito at umiling.
"Ewan ko sayo alex na babaliw ka na, kailangan mong mag move on matagal ng wala si Coesha tanggapin mo na lang yun." Inis na saad nito napayuko ako. "Alex madami pa naman iba dyan hanap ka ng gwapo, please move on na. Ipahinga mo na yang isip at puso mo kay Coesha ikaw lang din ang mapapagod." Saad nito at lumabas ng bahay napbuntong hininga ako
Hindi ko kayang mag move on na pakiramdam kong s'ya iyon. Nakaramdam ako luksong dugo yung unang tingin ko pa lang sa bata, i just stalk her nasa davao s'ya sakto pupunta na kami mamaya. I'll find Coesha and my Son...
***
Hindi namin kasama si Joman dahil hinahanap nya ang mag ina nya. Yes meron na s'ya pamilya pero lagi s'ya nitong tinatakasan, I can't believe it na makiki pag jugjugan yan sa merlat eh diring diri nga s'ya dati.
Nandito na kami sa davao at hindi ko alam saan ko unang hahanapin si Coesha, nasa resort kami, malapit lang dito ang simbahan kung saan ikakasal si Ms Sanchez tapos sa resort na ito kung saan gaganapin ang Venue.
Nakahiga ako at nakaramdam ng pagod, kailangan ko muna mag pahinga bukas na bukas ay susubukan ko ito hanapin, pinapahanap ko sa private inve ko at wala ako pinag sabihan na pinapahanap ko si Coesha.
Sabi nito malapit lang s'ya dito sa resort na tinitirhan namin at nag titinda din ito ng isda sa pangatlong kanto.
Gusto kong masiguradong S'ya si Coesha at anak ko ang hawak nya.
***
BINABASA MO ANG
My number 1 Basher
RomanceSa buhay natin Hindi talaga natin maasahan na may mangyayari di mapaniwala. Yung basher mo naging jowa mo na? Pero magiging masaya ba kung dadating Yung araw na kailangan mag hiwalay? Sa pag katao ni Alex ay Hindi nya pa lubusan kilala Ang sarili n...