-Suho's POV-
Ang lakas pala ng ulan dito sa Manila, sa Batangas kasi hindi umuulan. [A/N: Philippines nga pala ang setting nitong story xD]
Masyadong madulas yung daan at kailangan kong mag-ingat sa pagda-drive.
Oo nga pala, I need to call Angel to tell her I'll be home few minutes from now.
Ang dami kong gustong ikwento sa kanya and may mga pasalubong din akong dala para sa kanila.
"Where's my phone?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap yung phone sa bag ko na nandito sa may tabi ng driver's seat.
Patuloy ako sa paghahanap.
*beep* *beeeeeep*
Di ako nakatingin sa dinadaanan ko at nagulat na lang ako nang biglang bumusina ng sobrang lakas ang isang sasakyan sa harapan ko. Isang malaking cargo truck ang nasa harapan ko at kailangan kong iwasan. Pinihit ko ang manibela pakanan at dito ako bumangga sa isang malaking puno.
Hindi ko na alam ang nangyari because eveything went black.
**
"Joon Myeon, I love you so much."
"Mahal na mahal din kita, Krystal." sabi ko at niyakap ko ang babaeng pinakamamahal ko.
"Ayos ka lang ba? Ngayong wala na ang nanay mo, andito lang ako for you, okay?"
"Salamat sa pagtulong mo sa'kin ha. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka." sabi ko pa. And then I found myself kissing her irresistible lips.
"Anong ibig sabihin nito, Krystal?" tanong ng isang matangkad na lalake sa'min kaya't natigil kami sa ginagawa namin.
"Sino siya, Krystal?!" galit na tanong nito.
"M-Minho..." takot na bigkas ni Krystal.
"Minho? Sino siya, Krystal?" tanong ko.
"Gusto mong malaman kung sino ako? Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng nilalandi mo ngayon." sagot nito.
"Krystal, anong ibig sabihin nito?" tanong ko ulit kay Krystal.
"Bakit di mo sabihin sa kanya, ha, Krystal?"
"Minho, please. Wag mo siyang sasaktan. Joon Myeon, sige na umalis ka na."
"Hindi! Ipaliwanag mo muna sa'kin 'to. Sino ba siya? Bakit sinasabi niyang siya yung boyfriend mo?" takang tanong ko.
"Hoy Joon Myeon! Di ka man lang ba magpapasalamat sa'kin? Alam mo bang sa'kin ka nagtatrabaho? Wala ka man lang utang na loob. Matapos kitang tulungan na magka-pera para buhayin yang walang kwenta mong ina, aagawin mo pa yung girlfriend ko?!"
"Sa'yo ako nagtatrabaho?"
"Oo. Ako ang may-ari ng pabrikang pinapasukan mo. Sa akin galing lahat ng pera mo. At ngayon, dapat mong itanong kay Krystal kung anong ginagawa ko sa mga taong niloloko ako." sagot niya at unti-unting lumapit sa'kin.
"Please, Joon Myeon, umalis ka na. Di mo alam kung anong kaya niyang gawin sa'yo." sabi ni Krystal at umiiyak na siya.
"Krystal, mahal na mahal kita. Sumama ka na sa'kin." sabi ko.
"Tama na ang drama. Humanda ka nang mapunta sa impyerno, Joon Myeon." sabi ni Minho at nakita kong nilabas na niya ang baril na kanina'y nakalagay lang sa may tagiliran niya.
Agad akong tumakbo at sumakay sa sasakyang dala ko kanina papunta sa bahay nina Krystal. Naramdaman kong hinahabol nila ako, ni Minho at ng mga tauhan niya.
Hindi ko naman inagaw si Krystal, ang sabi niya wala siyang boyfriend. Hindi pwedeng mapunta si Krystal sa Minho na yun.
Babalikan kita, Krystal.
Babalikan kita.
Babalikan kita dahil mahal na mahal kita, Krystal.
*beep* *beeeeeep*
--
A/N: hello, update ulit. Alam kong bitin yung isa eh. Pahiram nga pala muna kay Minho. Sorry sa aking fellow MinSul (Minho&Sulli) shippers out there. Partner muna siya ni Krystal. Ayoko kasing i-partner si Seungyoon (Winner) xD akin yun eh joke