Kabanata 29
NAG-KWEKWNTUHAN kami habang kumakain.Tahimik lang ako pero paminsan minsan ay sumasali sa usapan nila mas lalo na kung tatanungin nila ako.Nakaka distract ang presensya ni Clyde na nasa tabi ko.
"Hmm..Have you seen,Andrew?" I looked at mama because of her question.Tumikhim si August at umayos ng upo,gano'n din ang ginawa ng iba.
"Hindi pa po tita.Almost seven year's na din siyang hindi nagpapakita,pati narin si Sabrina" narinig ko lang ang pangalan ni Sabrina gusto ko na siyang sakalin.Uminom ako ng juice na nasa baso ko, pinunasan ko labi ko ng table napkin pagkatapos kong uminom.
"I see.Any lead?Wala parin ba kayong idea kung nasaan sila?" tanong naman ni papa.Kumakain lang iba habang nakikinig sa usapan,si ate Akira at kuya Kyle naman ay abala sa pagpapakain ng anak nila.
"We have a lead,sir.Pero hindi pa namin sure kung ando'n nga sila,i saw them once,pero hindi ko alam kung siya nga 'yon" saad ni Joey.Nilaro ko ang dila ko sa loob ng bibig ko,magaling nga kayong magtago pero lalabas din kayo kung wala na kayong choice.
"Ayesha,you need to accept the offer.Makakasama mo naman si Clyde doon" nagtiim bagang ako at bumuntong hininga ng mahina.
"Ma,marami pa po akong trabahong hindi natapos.I still have unfinished business in Cavite,magtatampo nanaman saakin si Art niyan" ngumisi si Leo at tumingin kay Clyde.
"Oh,si Art pala!Dapat ay tawagin mo siya dito sa bahay para makapagkwentuhan naman kami" tumango ako at ngumiti.Napalingon ako kay Clyde dahil ramdam ko ang titig niya saakin,binasa niya ang pang-ibabang labi niya at umiwas ng tingin.
ALAS-ONSE na sila umuwi dahil nag-inuman pa sila ng mga kapatid ko.Nalaman ko din na totoo palang may reunion kami bukas,akala ko biro lang 'yon ni Felixto kaya hindi sana ako pupunta.
"How are you?" napatigil ako sa paglalakad paakyat ng hagdan ng marinig ko ang boses na'yon.He still has an effect on me until now, what the hell, Ayesha? Wake up, tha fuck!
"Fine" maikling saad ko sabay baling sakaniya.Namumula na ang maputi niyang mukha dahil sa lasing na siguro siya,I looked down at his lips, he was the only man I had ever kissed in my whole life.
Tumikhim ako at tumitig sakaniya."You should go home"
"Will you believe me,when i say 'I miss you' " halata sa boses niya ang seryoso. I stilled what he said, but I still don't believe it.
"Oh,tapos?" He chuckled.Damn!
"Well,I miss you" tumalikod ako sakaniya at pumikit ng mariin.Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to,kainis pero huwag dapat akong magpadala.
"Umuwi kana" madiin na saad ko.
"Okay, goodnight then.See you tomorrow,i miss you baby" halos manlambot ako sa huling sinabi niya.Bumuntong hininga ako at umakyat na ng kwarto ko,i should stop myself liking him again.Masasaktan nanaman ako neto!
KINAUMAGAHAN ay hinatid ulit ako ni Felixto papunta sa firm namin,medyo magkalapit lang kami ng firm ni Felixto kaya lagi niya akong hinahatid.Bago ako umalis ng bahay ay nag-almusal muna ako para kahit hindi ako mananghalian ay ayos lang.
"Architect.Ferrer,andy'an 'yung pinsan mong si Drake kasama 'yung isang pinsan mo tapos si Engineer.Ramirez" tumango lang ako sa sinabi niya.Hindi na bago saakin ang laging pagpunta nila Drake at kuya Nyx dito,kaya hindi na ako nabibigla.
"Hello,my dearest gorgeous cousin" ngumisi ako at tumingin kay Drake na kabubukas palang ng pintuan ay 'yun kaagad ang bungad niya.
"Hi" tumayo ako at humalik sa pisngi,gano'n din ang ginawa ko kay kuya Nyx. "What are you doing here?" nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang nasa likod nila.
Mr.Ramirez?Clyde Ramirez?
He was wearing a long sleeved polo, it was folded up to his elbow. He was wearing plaid pants and black shoes.Bagay na bagay—hindi niya bagay pala,pangit.Umupo silang tatlo sa may sofa kaya umupo naman ako sa harapan nila.
"May importante kaming sasabihin sayo" seryosong saad ni Drake kaya napa-upo ako ng maayos.Seryoso lang silang tatlo habang nakatingin saakin kaya hindi ko maiwasang magtaka.
"You need to accept their offer in NEHS" kumunot ang noo ko sa sinabi ni kuya Nyx,i crossed my legs.Naka suot ako ng slacks na kulay brown,may belt ito.Naka blazer din ako ng kulay brown at sa loob neto ay isang sando.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Si sir Matthew at Andrew ay may koneksyon sa isa't isa" bumuka ang bibig ko sa sagot ni Drake.Sumandal ako sa sandalan ng upuan at marahan na bumuntong hininga,kumuyom din ang kamao ko.
"Nagtuturo parin si sir Matthew doon?" takang tanong ko.
"Yes,siya din ang nagbigay ng offer sainyong dalawa ni Clyde.Pinapa-ayos ang library nila doon at kayong dalawa ang sinuggest niya na umayos" napalingon ako kay Clyde,wala ba 'tong sasabihin.
"We will just accept their offer,then mag kukunwari lang tayo na hindi natin alam ang totoo" salubong na kilay na sabi ni Clyde.
"How did you know?"
"I have sir Matthew's cellphone number, I hacked it and connected to the computer so everyone who calls can be seen and heard" nanamangha akong tumingin kay Drake,ngumisi lang siya na parang nagmamalaki.
"Wow"
DALAWANG ORAS lang sila dito sa may opisina ko at umalis din naman kaagad sila.Umupo ako sa swivel chair at hinilot ang noo,nakaka tanda pala ang maging Architect.
Pumikit ako habang hinihilot ang noo ko nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Come in" malakas na sigaw ko.Narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ako nag-abalang buksan ang mata ko para lang makita kung sino ang pumasok.
"Eat that, your colleague said you didn't have lunch yet" para akong nabuhusan ng tubig ng marinig ko ang boses niya.Dali dali kong minulat ang mata ko at umayos ng upo.
"W-what are you doing here?" why I'm shuttering?
"Dinalhan kita ng lunch" umupo siya sa may harap ko,sa visitors chair.Tinignan ko ang pagkain na nasa harap ko,kahit hindi ko ito buksan alam ko ang laman niya.Adobong manok at sinigang na baboy,may kanin din.
"Come on, let's eat.Walang lason 'yan" ngumiwi ako sa sinabi ni Clyde.Wala akong nagawa kundi ang pumayag,sayang naman ang grasya gutom na din ako kaya huwag nalang akong mag-inarte.
"You cooked?" tanong ko habang kumakain.
"No.Pinaluto ko kay mama" tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.Kinuha ko ang paglagyan ko ng tubig at ininom ang tubig na laman niya, napanganga ako ng kunin 'yon ni Clyde at uminom din.
"What the—b-bakit mo ininom?" singhal ko.Ngumisi siya saakin at inilabas ang panyo niya,pinunas niya 'yon sa bibig niya.
"Why?I taste your lips before" ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko.
"Shut up" madiin na saad ko.Tumawa lang siya ng malakas na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.Nahigit ang hininga ko ng tumayo ay dumukwang palapit saakin,lamesa lang ang pagitan namin.
"You're so beautiful" mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya saakin na siyang kinalaki ng mata ko.Tatayo na sana ako ng maling hakbang ang nakagawa ko,nagdikit ang labi namin dahil sa ginawa ko.
Ramdam ko ang pag estatwa niya kaya tinulak ko kaagad siya pero nahawakan niya ang braso ko at mas lalong diniinan ang labi niya saakin.Tinulak ko siya malakas kaya napabitaw siya.
Ngumisi siya. "Sweet"
Yung second kiss ko.
______________________________________________________________________________________________________________________________
Hi,read niyo new story ko,Forbidden Love po ang tittle.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section D (Completed)
Teen FictionSabi nila "The last section is the worst section",well that's true.Pero kapag tinawag na worst section ang section niyo ay ibig sabihin masasaya ang mga estudyante dito,nagagawa nila ang gusto nila. Her name is Ayesha Ferrer,pumasok sa section na da...