Jessa Almores POV. (Point of View)
"Kasalukuyan pong nandito kami ngayon sa lugar na Tondo kung saan makikita nyo nga po sa likod ko ang isang grupo ng mga kababaihan na nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan dahil po sa sinasabi nilang gang war.. " sabay tingin sa aming camera man "O ano okay na ba yon?" Tanong ko na agad din naman nyang tinanguhan.
Ako si Jessa Almores. Reporter ako ng di kilalang channel sa isang televisyon.
Andito kami ngayon sa sinasabi nilang dike o ilalim ng tulay kung saan naninirahan ang ilang mga pamilya at pinamumugaran ng gulo at ibat ibang sugalan. Oo isa itong lugar na squater na dikit dikit ang bahay, palaging may gulo, nakakalat sa lansangan ang mga bata, madaming nag iinuman, nagpapatayan at kilala bilang nakakatakot na lugar dahil sa mga taong narito.
"Kilala nyo na ba ang sossy girls? Kami ang sossy girls!!~" dinig kong kanta ng isang grupo ng babae at nagsasayawan sa tabi ng ilog habang pinalilibutan ang isa ding babae na halatang baguhan lamang sa grupo.
Sossy girls sinu-sino nga ba ang mga myembro ng samahang ito? Paano at bakit nila nabuo ang grupong ito?