Ara's POV
Days have passed, todo training na kami dahil in a month na ang start ng UAAP. Kailangan naming magtraining for two-three hours, twice a day. Kung pwedeng isang araw magtraining kami, gagawin namin pero hindi pwede dahil estudyante pa rin kami. Kailangan pa naming makatapos ng pag-aaral. Lalo na ngayon, graduating kami this year kaya sobra ang pagta-time management namin.
"Guys pwede ba, double time tayo sa pagtetraining? Kailangan maaga tayong magstart para maaga rin tayong matapos, may kailangan pa kasi kaming mga seniors na aasikasuhin mamayang hapon. So, start na tayo." Utos ko sa kanila at agad namang nagsikilos ang lahat.
Pinangunahan ko ang warm-ups namin at nagpractice na nang kanya-kanya. Yung iba sa digging, setting, blocking at spiking.
Kitang-kita niyo naman sakin na focus na focus ako sa training ngayon. Malapit na kasi yung season namin. Next time na yung iba tulad ng lovelife. Ayaw ko muna ng distractions. Paunti-unti ko na ring nakakalimutan yung problema ni Mika at Kiefer. Buti nga ngayon, hindi na ganun ka big deal yun kay Mika. Nagbago siya ngayon, mas matured siya. Si Kiefer naman, ganun pa rin. Kinakamusta pa rin sakin si Mika, hindi na kasi sila nag-uusap, cool off nga kasi. Busy na rin daw siya sa US dahil nagstart na rin daw yung season nila dun.
"One, two, three.. Block!" Sigaw namin ni Ate Cyd.
"Paano yan Ye, block ka na naman samin ni Ara?" Asar ni Ate Cyd kay Mika.
"Nako, tsamba lang yun." Sagot namin ni Mika at pumwesto ulit para makapalo.
"Kim, galingan mo naman kasi magset. Di makalusot samin si Yeye eh." Sigaw ko naman kay Kimmy. Natawa lang si Kim at tinignan ako ng masama ni Mika. Haha! Naasar na naman.
Pumwesto na nga si Mika at kami naman ni Ate Cyd at naghanda na rin.
Kung kanina nakatingin ako sa bola, ngayon kay Mika naman.
Whoa..
Parang nag slowmo ah
She's so dazzling..
"Paano ba 'yan Ara, nalusutan kita." Nagising na lamang ang diwa ko nang marinig kong magsalita si Mika.
"Ano ba 'yan Ara? Akala ko ba 'di lulusot ha?" Nakangising tanong naman ni Ate Cyd.
"Nadistract lang ako." Sagot ko.
"Weh? Kanino? Kay Mika?" Sunod-sunod na tanong ni Kim.
"Oyy, hindi ah." Pagtanggi ko. Syempre, aasarin lang ako ni Kim niyan at ng buong team. Kailangan kong makaisip kung anong pwedeng idahilan. Isip Ara. Isip!
Bigla naman akong napatingin kay Cienne na tawa ng tawa kasama ang mga rookies namin.
"Kay Cienne." Sagot ko sa kanila habang nakatingin kay Cienne. Acting dapat!
"Hala! Nabaliw na naman 'yang kaibigan natin." Natatawang sabi ni Mika.
"Mabuti pa't magbreak muna tayo, captain ano po?" Tanong naman no Ate Cyd sa gilid ko at mukhang nagmamakaawa pa sakin.
"Eh, di pa pwede. Halos kakasimula palang natin."
"Sige na Ara, hindi naman magagalit si Coach niyan eh." Dagdag naman ni Kim.
"Hindi pa nga pwede. Hindi nga magagalit pero ako naman ang pagag--"
"Kahit natutuyuan at nauuhaw na kami. Di pa rin pwede?" Sabat naman ni Mika with matching puppy eyes.
Jusko. Paano kami makakapagtraining ng maayos niyan kung puro hingi sakin ng breaktime at kung magpapacute sakin si Mika ng ganun? Eh di wala nang nangyare samin? Hay.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...