Taong 1999
1. INT. BAHAY. AFTERNOON
Makikita natin ang batang si ENOSH, 8 years old, na patalon-talon sa sofa. Sinasabayan ang music video sa MTV ni Christina Aguilera at Britney Spears.
Maya-maya pa, may magbabato sa bintana ng bato. Matitigilan sa pagkanta si ENOSH at sisilip sa bintana.
2. EXT. BAHAY. SAME AFTERNOON
Makikita natin ang mga kalaro ni ENOSH na ka-edad niya, ang matabang si BJ, ang poging si PIPI, at si DICKIE na may malaking mga tenga.
BJ
Si Christina Aguilera na naman pinapanood mo?
ENOSH
Oo, alam mo naman na pangarap kong maging singer.
Matatawa naman si DICKIE at kukutyain si ENOSH.
DICKIE
Singer sa CR?
Sisimangot si ENOSH.
ENOSH
Kasama ka ba sa usapan Dickie? Palibhasa sa laki ng tenga mo na parang
daga naririnig mo lahat ng ingay.
Maiinis si DICKIE sa sinabe ni ENOSH.
DICKIE
Tang-ina mo kang bakla ka ah! Ikaw nga puro ka Christina Aguilar!
Nagpantig na ang tenga ni ENOSH. Kaya magsisimula na ang dalawa sa pag-aaway. Aawatin naman sila nina BJ at PIPI.
BJ
Tumigil na nga kayong dalawa. Maglaro na lang tayo ng Chinese garter!
PIPI
Ayoko nun, bahay-bahayan na lang.
DICKIE
Agawang base na lang.
BJ
Ayoko ng habulan! Piko na lang!
Mabubugnot na si DICKIE.
DICKIE
Ewan ko sa inyo, kayo na lang maglaro, hindi ko trip mga trip niyo.
Magsama-sama kayong mga bakla!
Sabay walk-out si DICKIE, maiiyak si BJ sa sinabe ni DICKIE habang si PIPI naman ay nagpipigil ng galit.
Hindi pa nakakalayo si DICKIE at bigla siyang tatawagin ni ENOSH.
Paglingon ni DICKIE, isang bato ang tatama sa kanyang ilong. Hindi siya nakailag, sisirit ang dugo sa kanyang ilong. Mapapasigaw si DICKIE at maiiyak.
DICKIE
Mama!!!
Sabay tatakbo papalayo sina ENOSH, BJ, at PIPI papunta sa kanilang mga bahay.
3. INT. BAHAY. NIGHT
Pagpasok sa bahay ni ENOSH agad niyang isasara ang mga bintana at ibababa ang kurtina.
Maya-maya pa maririnig na niya ang sumisigaw na NANAY ni DICKIE na nagmumura sa galit. Kinakabahan si ENOSH.
Lalabas sa kwarto si NIDA, ina ni ENOSH, at mapapansin ang pawis na pawis na si ENOSH.
NIDA
Anak? Bakit parang may humahabol sa’yo? Bakit mo sinara
ang mga bintana?
Magiging aligaga si ENOSH at naririnig pa rin ang galit na sumisigaw na NANAY ni DICKIE.
Agad na maglalakad si ENOSH papunta sa TV at lalaksan ang volume nito.
ENOSH
Wala ‘ Ma, gabi na kasi baka pumasok ang mga multo kaya sinara ko na.
Nood na tayo! Rosalinda na ba?
NIDA
Kakasimula lang… Halika na at kakain na tayo.
Nakahinga na ng maluwag si ENOSH.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa Imahinasyon ni Enosh
HumorTunghayan ang istorya ni ENOSH, habulin ng mga babae pati na rin ng mga bading. Isang kristiyano pero hindi ibig sabihin ay perfect na siya. Banal lang siguro, pero minsan hindi. Isang manunulat sa una, at naging parte ng production, at naging… hind...