Chapter 14
"Thea, are you there?" Dinig naming tawag ni Zyron mula sa labas.
Pinunasan ni Thea ang mga luha niya at humarap sa salamin. I looked at her, speechless. Hindi ko alam kung may sasabihin ba ako kasi wala talagang gustong lumabas sa bibig ko.
Binuksan ni Thea ang pinto at iniluwa non ang alalang alala na si Zyron.
Zyron glance at me as he hugged her. Umiwas ako ng tingin at lumabas na ng C.R, napansin kong nagkumpulan ang ibang mga estudyante sa labas. Mga chismosa talaga.
--
Two weeks had passed since then. Hindi na namin pinagusapan pa ni Thea ang tungkol dun, but Thea was still giving us a sign of it, naging cold siya sa lahat ng mga taong nakakasalamuha niya including me. Well, except for Zyron.. Lalo na ng malaman niya ang pagalis ni Patrick papuntang Canada. Naawa tuloy ako kay Thea.
Naging loner na din ako simula nun. At sobrang hirap, promise! Hindi kasi ako friendly eh. And about me and Zyron? Ganun pa rin. Walang pinagbago. Minsan nga naguunahan pa kami sa pagirap, ang sarap lang tusukin yung mga mata niya.. kahit pa chokolate yun, di ako masasayangan.
Kumuha ako ng C2 sa refrigerator namin at ininom 'yon. Sinulyapan ko naman si Owen sa living room na busyng busy na naman sa paglalaro ng xbox. Pasalamat siya at wala sila mommy, pinakuha kasi ni Dad yung xbox niya sa kwarto niya pagkatapos niyang gumastos ng 50K sa isang araw mula sa credit card niya. Para sa kanyang nasa middle school palang sobrang laki nun. (#Pasaway)
Sabado kasi ngayon kaya walang pasok tas first week of May pa ang uwi nila Mommy, kaya ayan nagpapakasasa sa xbox yung kapatid ko. Buti pa yung isang yun, samantalang ako kailangan ng magreview kasi finals na next week.
Hindi naman kasi ako sanay mag group study, self study ang ginagawa ko. Tsaka wala rin naman akong kasama kung maggroup study man. Tsk. Si Thea? Kamusta na kaya yung babaeng yun? Namimiss ko na siya ha infairness. Sana maging okay na siya at bumalik na lahat sa dati.
Pumunta ko sa kwarto ko at umupo sa kama. Nakaramdam naman ako ng excitement ng masulyapan ko ang mini calendar sa side table.
March 17, 20xx. Ngayon ang uwi ni Lanz. Siya yung isa pa naming kababata at bestfriend ni Thea. He went to New York pagkatapos niyang maghigh school to continue his studies there. Sobrang close kami ng sipunin na yun kaya naman excited nakong makita siya.
Nangingiti kong dinampot ang cellphone ko sa kama at tatawagan ko sana si Thea para ipaalala sa kanya ng mapaisip ako..
Naging cold na rin pala sakin si Thea. Pano ko ipapaalala sa kanya? O baka naman alam na niya. Tsaka magtatampo si Lanz pag di siya pumunta sa usapan.
So i decided to text her nalang. Tinanong ko kung pupunta ba siya mamaya sa bahay nila Lanz.
Ilalagay ko na sana ang phone ko sa side table ng biglang tumunog ito.
Fr: Thea
I can't eh. Pakisabi nalang sa kanya na sorry and babawi nalang ako next time . :)
Awww. Siguradong magtatampo si Lanz neto. Tsk.
--
@Martinez's Residence
Bumaba ako ng saskyan at pinagmasdan ang malaking bahay na nasa harap ko. Matagal tagal ko na ring di napasok ito ah..
Pinindot ko ang doorbell ng tatlong beses. Hihi. Mayamaya eh bumukas ang gate at iniluwa non ang Mommy ni Lanz. Kahit walang make up ay lutang na lutang pa rin ang kagandahan nito. Lalo na yung mga mata niyang color Gray kung san naman minana ni Lanz.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.