Chapter 38: Last Farewell
Jeremy's Point Of View
The wide crowd is cheering nonstop all around nang matanggal ko ang NerveGear sa ulo ko at tiningnan sila with awe and smile.
Nakakaiyak panuorin habang pinagmamasdan ang mga taong ito na tila ba'y naiiyak nadin sa tuwa dahil sa nasaksihan nilang pagkapanalo ng clan namin.
This feeling is very familiar. A deja vu moment.
Napansin kopa si ate Meyi dun sa isang side ng audience na tila ba'y kanina pa nakatabon sa ilong niya ang tissue paper habang naiiyak ding pinagmamasdan ako dito sa stage as the center of attraction kaya't kinayawan ko din si ate.
At tila ba'y mas lalong sumigaw ang mga taong yun lalo na yung malapit lang din kay Ate nakapwesto na tila ba'y kinikilig at kumakaway din sa akin. They taught they are the one I'm waving. Haha. Joke. Of course i'm waving to all of them. Na special mention kolang talaga si ate. Peace-out!
"Wow!wow!wow! Everybody! Shadow of the Evil$aints clan! Dominates the tournament again!"
Mabilis namang may sumuntok ng malakas sa braso sa kanan ko kaya't gulat akong napalingon dun. "Your a freak!" Mahahalata sa boses ni Eerie ang sobrang tuwa at takot narin at the same time kaya't napangiti ako.
"Admin, ang galing mo talaga!" Tapos ay biglang napayaksp sakin si Falcon mula sa kabilang side ko kaya't bahagya akong nagulat bago nalang din natawa. Sunod din namang yumakap si Yeaver sakin kaya't mas natawa pa ako.
Umakyat na yung lahat ng mga ka clanmates ko at isa-isa nilang kinamayan ang mga players din sa kabilang panig especially si Skull.
Napansin kopa si $even na lumapit na mismo kay Skull at inalok ito ng handshake. Taka namang pinagmasdan muna ni Skull ito bago din tinanggap ang kamay ng dating kakampi niya.
Seeing that kind of scene is practically nice.
Pagkatapos nun ay may umakyat nading mga ilang officials din mula sa gaming company at ang mga namamahala sa Mall na ito para personal na maisuot sa amin ang medalya ng pagkapanalo namin, at pati nayung golden trophy na ako sana ang gusto nilang humawak, pero si Enerie ang tinuro ko. "Siya nalang po ang hahawak." Sabi ko kay President Frelinko at tumango naman siya.
"Bakit ako?" Takang napaturo naman si Enerie sa sarili niya. "Eh hindi naman ako nakasali sa laro diba?"
"That's not important." Sagot ko din naman sabay hinawakan siya sa magkabilang balikat nito at pinapwesto sa gitna namin na magka clanmates.
"Congratulations." Ngiting inabot naman ni sir Frelinko ang trophy kay Enerie kaya't awkward lang itong napangiti din pabalik.
Nasa likod lang din mismo namin nakatayo ang mga officials at mabilis muna kaming nakapag papicture ng sama-sama habang hawak ni Enerie yung trophy at sobrang laki ng kaniyang ngiti, bago nadin kami nakipagkamayan dun sa mga officials at kinongrats lang din nila kami isa isa.
Pagkatapos ay yung awardings naman ng clan ni Skull ang sumunod, at sinabay nadin yung dalawa pang clans na nakapasok sa top ng tournament na sina DarkGrim at Kagiya.
Nilapitan ako ni DarkGrim at kinamayan ako. "Pahawak nga ng trophy mo." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Di joke lang."
"At bago pa tayo tuluyang dumako sa huling yugto ng awardings na ito, inaanyayahan ko ang lahat ng miyembro ng apat na clans pati na ang lahat ng officials para sa isang group picture!" Sambit naman ng emcee kaya't yun nga ang nangyari.
Sobrang daming picture-takings ang naganap. Haha.
Natawa pa nga kami nung hinatak din ni sir Frelinko ang emcee para makasabay sa group picture na sinasabi nito and click! Sobrang saya talaga ng moment nayun.
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasyThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...