Chapter 17:My Wife's Cry (Part 2)
DERVON VEINS AVELINO's POV
I'M SPEECHLESS, what the hell?
"ALAM KO ANG FEELING NA 'YON KAYA HUWAG MONG IPAPAMUKHA SA AKIN NA HINDI KO ALAM!" sigaw niya at lumalandas lang ang luha niya na hindi ko natatagalan ang pagtitig.
"Years ago, I had a serious boyfriend his name is Zafrael Concepcion."
Awtomatikong napatingin ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit sumikip bigla ang dibdib ko...ex-boyfriend niya si Zaf?
"But he's not my first love, I have a first love but I can't have him dahil bata pa 'yon at nag-aaral pa. Alam mo rin ba ang pakiramdam na hindi ka pinaglaban ng taong mahal mo?" She's crying...my wife is crying..
"P-pinigilan ko siya, lumuhod ako at sinabing huwag na niyang ituloy. Ako na lang, ako na lang. Pero...h-hindi siya nakinig sa akin. Alam mo rin ba ang pakiramdam na imbitado ka sa kasal ng mahal mo at harap-harapan talaga napanood mo ang pag-iisang dibdib nila? Sobrang sakit... sobra... I don't want to go pero...kung hindi ako pupunta roon ay pagtatawanan lang ako ng mga tao na isang lalaki lang ang magpapaiyak sa akin at naging malaking kawalan sa akin. Kaya kahit masakit, pumunta ako. Tiniis ko lahat, pero 'di ko kinaya, eh, " naiiyak na wika niya, napaluhod siya at hinawakan ang dibdib.
"Pero ngayon...i-ikaw na naman ang iniiyakan ko. N-nasaktan na naman ako, 'di ba pwedeng ako naman? Ako naman ang mahalin mo, DV? 'Di ba puwedeng iwan mo na lang siya? A-ako na lang? Ako na lang, p-please?"
Gusto kong suntukin ang sarili ko...gustong-gusto kong sumagot ng...'sige' pero naalala ko ang magiging anak ko...
"I...c-can't,"
"THAT'S BULLSHIT! Bakit palagi na lang akong nasasaktan? Bakit ako na lang palagi? Bailan ba ako sasaya? K-kailan ba?" aniya at pinupukpok na niya ang dibdib niya.
Lumapit ako at lumuhod, I hugged her... t-this is my first time to hugged her tight like this but why I have this feeling na pamilyar sa akin ang yakap na ito? And I felt warmth and contented.
"Don't touch me! Don't fucking hug me!" sigaw niya at pinaghahampas ako sa dibdib.
Pero mahigpit na niyakap ko siya, ilang beses niya rin akong pinaghahampas sa dibdib at hagulgol lang niya ang naririnig ko at bakit masakit sa tainga? At kumikirot ang parte ng puso ko?
"I hate you!"
Napapikit ako nang maramdaman ang kamay niya na mahigpit na hinawakan ang damit ko.
"M-mahal kita, m-mahal na mahal...alam mo ba? My mommy blames me kung p-pumunta raw ako noon kay p-papa baka b-buhay pa raw ito...i-inuna ko kasi, inuna kita dahil mahal kita." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at yumakap siya sa akin nang mahigpit...tila ayaw niya akong pakawalan.
"G-gusto kong umiyak noong namatay si papa, gustong-gusto ko at gusto ko ikaw ang kayakap ko at i-ikaw ang makakita ng kahinaan ko kasi...mahal kita."
"Gusto kong i-comfort mo ako, sasabihang 'okay lang, tanggapin na lang natin ang kapalaran ni papa', pero...nasaan ka sa mga oras na 'yon, DV? Where are you when I need you the most? I need your hugs, I need your comfort, I need your presence, I need my husband beside me but unfortunately wala ka. I'm waiting for you to come, kasi kaunti na lang iiyak na ako sa... f-funeral ni papa. But, I am disappointed, 'di ka d-dumating...aasa ako, na...this time makita mo naman ang halaga ko sa 'yo at iwan mo na ang kabit mo at a-ako na lang ang mahalin mo..." Bakit masakit? Bakit?
"Pero...binigyan mo lang ako ng rason para sumuko na," she added, bakit ayaw kong marinig 'yon?
"I can't have you, i-isa lang naman ang hinihiling ko. Ang mapansin mo at mahalin din ako katulad ng pagmamahal ko sa 'yo pero hindi ko pala mapapalitan ang babaeng mahal mo. Hindi kahit kailan..." Tumayo siya at pinunasan ang mga luha niya na tumakas sa mata niya.
Tumayo na rin ako at pagtayo ko pa lang ay isang malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. Nagulat ako.
"I love you, DV," aniya at tinalikuran na niya ako. she kissed me...
***
TATLONG ARAW NA ANG nakakaraan noong umiyak siya at mas naging malamig pa siya kaysa sa dati.
Ni hindi siya makatingin sa akin, wala siyang kinakausap kundi ang secretary at PI niya lang.
At nagsimula akong nag-alala sa nararamdaman ko.
Dumating ang mga araw, naging linggo at buwan. Hindi kami nagkikita, dahil ngayon?
Bumaliktad na, palagi siyang maagang umaalis at madalas ginagabi at madalas din hindi na siya umuuwi pa sa bahay namin.
Katulad na lang ngayon, 3:17 pm na ng gabi siya umuwi.
"Palagi ka na lang ganitong oras umuuwi," sambit ko.
"Why do you even care?"
Mabilis na hinawakan ko siya sa kaliwang braso niya ng naka-amoy ako ng alak. Hinila ko siya at narinig ko ang mahinang daing niya.
Tinapat ko ang ilong ko sa bibig niya...
"You're drunk," sambit ko at medyo nagulat ako ng marahas na tinulak niya ako.
"Porket uminum lasing na agad?" malamig na sabi naman niya sa akin.
"Aurora.."
"Oh shit! It's music to my ear but I hate it now! Don't come near me, bullshit!" aniya at tinalikuran ako...
***
"Dervon, what's up buddy? I invite your wife."
Napalingon ako kay Haze, agad naman na tumingin ako sa tinitingnan niya and I saw her with her PI, Leo Veins, sumikip bigla ang dibdib ko nang makita siya.
"Hey, Mrs. Ave---madam! Come here!" Tahimik na lumapit siya sa amin at hinuhuli ko pa ang mata niya na tumingin sa akin pero hindi 'yon nangyari.
"Congratulations pala, Aurora! I saw your interview yesterday! That was awesome!" masayang sambit ni Haze at nagtaka ako, interview?
"Thank you, Haze," nakangiting sambit niya at may inabot siyang card...
"Pumunta ka, ah Dervon..." Sumikdo agad ang puso ko nang tiningnan niya ako tinawag na...Dervon.
"Pinapupunta tayo ng mommy mo," aniya.
Bakit gusto kong pasalamatan si mommy dahil kinausap ako ng asawa ko?
"Sabay na tayo," aniya at nauna nang naglakad. Medyo na natulala pa ako at pinukaw iyon nang magsalita si Leo?
"Sinasayang mo ang oras, eh!" aniya at lumapit kay Haze, nasa bar pala kami.
"Good luck, gago!" ani Haze para naman akong natauhan at mabilis na sinundan si Aurora.
Naabutan ko pa siya na naglalakad...
Nasa likod pa niya ako, bakit...bakit masaya ako? Damn it.
***
AKALA KO makakausap ko siya pero hindi... hindi pala dahil mailap siya...she's changed and I hate that...
MONTHS PASSED at isang gabi pumunta ako sa bar... gusto kong maglasing dahil naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
Naguguluhan ako dahil sa nararamdaman ko... Fucking shit talaga.
Next month ay manganganak na si Arjana pero kadalasan nakakalimutan ko siya at madalas sa asawa ko lang lumilipad ang isip ko.
Tumayo ako at paika-ikang naglakad, I'm drunk! Yes, I am!
Marami akong nabubunggo at naririnig ko ang reklamo nila pero 'di ko 'yon pinansin hanggang sa may bigla na lang humablot sa akin.
"Gago!" That voice...
"Leo, tulungan mo ako buhatin ang gago na ito." It's my wife!
"Okay."
BINABASA MO ANG
My Wife's Tears (COMPLETED)
RomansaShe is brave if everyone looks at her and known as a ruthless business woman, who has no weakness but deep inside she is hurting and has been through a lot in life. Especially when she lost her father. She was married to a surgeon doctor who loved s...