Crush

125 6 20
                                    

Kung hindi niyo gusto ng medyo jeje na story. Mabuti pa wa'g mo na tong basahin. First one shot story ko 'to kaya pagbigyan na. Haha

--------------------------

Daniella's POV

"Hoyyyyy"

"Ayputspa" sinong hindi magugulat. Sigawan ka ba naman. At sa mismong taenga pa. Nakakaputspa talaga.

"Hahahahahahaha. Nagdeday dreaming ka na naman. Nakanganga at may papikit-pikit pa. Hahahahaha" ahhh nakaka-GRRR talaga. Hinampas ko nga.

"Arayy. To naman di na mabiro. Ikaw naman kasi eh, hindi ka nakikinig sa akin." At nag pout pa. Sarap ingudngud sa sahig.

"Wag ka nga mag pout. Di bagay. Sarap mong ipam floorwax sa sahig" nga pala, siya pala ang kaibigan kong kalog. Siya si Aliyah.

"Ang harsh mo talaga. Ramdam na radam ko pagmamahal mo. Promise" sarkastikong sabi niya. Tapos inirapan pa ako. Aba. Sasagutin ko na sana siya kaya lang ....

"Opss opss. Before anything else, punta muna tayong canteen nagugutom ako." Sabagay ako rin.

---

Habang naglalakad kami. May biglang humila sa akin at dinala ako sa classroom na walang tao.

"Bitawan mo nga ako. Sino ka ba ha? Bakit bigla mo nalang akong hinila? Nagugutom na ako tapos hihila-" nanlaki ang mga mata ko.

"Hoyy ibalik mo yan. Hoyyyy"

Hindi ko na siya mahabol. Importante pa naman kinuha niya. Eh alam ko naman talaga kung sino yun. Alagad yun ng crush ko.

Noooo, this can't be ..

This can't be happening ..

He ..

He just ..

He just stole my ..

Di ko masabi ..

Eto na ..

He just stole my BAG.

Akala niyo ano na no? Syempre hindi ko gagawin ang nasa isip niyo. Alam ko ang OA ko pero kasi. Ano, ahm. Eto na. May mga love letters at pictures kasi don. Okay alam ko ang corny ko pero ganun talaga.

Tinatanong mo ba kung para kanino yung love letters at pictures? Para lang naman yun sa leader ng grupo ng nanghila sa akin kanina. Hehe. At kapag nalaman niya na crush ko siya. Baka pagtawanan ako ni Keo.

Siya pala si Stephen Keo Smith. Oh diba pangalan pa lang ang gwapo na. Sikat siya dito sa school. Bukod kasi sa pagiging leader niya sa grupo nila dito sa school ay siya ang MVP ng basketball team ng school namin at matalino din siya. Gwapo pa Oh diba.

Lumabas ako sa classroom na iyon na hindi mapakali. Uuwi nalang ako. Hindi na ako papasok. Bukas nalang.

---

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa classroom ko. May naririnig akong mga bulungan.

"Siya ba yun?"
"Oo nga no"
"Grabe anlandi niya"
"True"

Hindi naman siguro ako ang pinag chichismisan nila? Tumingin ako sa likod. Aah baka yung babae sa likod ko yung pinag chismisan nila.

Nagpatuloy nalang akong maglakad. Pagdating ko sa classroom. Nagtinginan sila akin. Ano na naman ba. Kanina yung babae. Ngayon ako naman. Umupo nalang ako.

"Hoy gaga ang swerte mo ha?" Ano? Anong swerte?

"Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Kasi-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may sumilip sa pintuan.

Crush [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon