i

854 26 1
                                    

"Ate Jack-- oops." napatakip ng bibig si Tintoy ng sinyesan ko siyang huwag sumigaw.

"ssshhh" sabi ko sakanya at may kasama pang hand gestures.

Nilapitan niya ako at yinakap ng mahigpit. Napatingin naman ako sa kabuuan ng bahay nila at nakita ko na siya lang mag-isa dito. Narinig ko rin ang agos ng tubig mula sa banyo nila. Marahil ay si Kiko ito dahil nandun parin sa labas ang truck niya.

"Kuya Kiko mo?" pabulong kong tanong sakanya

"Nasa banyo po." pabulong din niyang sagot sa akin

"Ano pong ginagawa niyo dito?" pabulong parin niya tanong sa akin

"Sorpresahin ko Kuya mo." sabi ko sabay taas-baba ng mga kilay ko.

"Tintoy!" agad-agad naman kaming nagpanic ni Tintoy ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Kiko mula sa banyo at ang pagpalibot ng doorknob sa banyo hudyat na papalabas na si Kiko. Mabilis akong tinulak ni Tintoy sa likod ng sofa nila upang itago.

"Tintoy alis ako ha." Nakita ko si Kiko na naka-topless at may tuwalyang nakapulupot sa bewang niya ng lumabas siya ng banyo. may tumutulo pang tubig mula sa basa niyang buhok. syet lungss. ang hot ng boyfriend koooo.

"Ate" agad naman akong napalingon kay Tintoy ng tawagin niya ako at nakita kong nakapasok na pala si Kiko sa kwarto. Napatayo ako sa pwesto ko at nagmamadaling umalis sa likod ng sofa nila.

"Tintoy punta ako sa likod ng truck ni Kuya ko ha? Wag kong sabihin sa kanya." sabi ko kay Tintoy at hinalikan siya sa noo. Nginitian niya lang ako at tumango siya sa akin. Dali-dali naman akong lumabas upang pumunta sa likod ng truck ni Kiko upang magtago.

Nagtataka siguro kayo kung anong nangyayari ngayon at kailangan ko pang magtago no? Anniversary kasi namin kaya isusurprise ko siya. After ng sagutan moment namin sa Quezon Ave. ay naging masaya naman kami sa isa't-isa kahit magkalayo kami. Kaylangan ko kasing manatili sa Maynila dahil sa pag-aaral ko. Hindi ko tinuloy ang NY ko. Sa Maynila ko nalang ipinagpatuloy ang pag-aaral ko. Minsan naman ay kung vacation, pumupunta parin ako dito sa Tarlac. Minsan naman, si Kiko yung bumibisita sa akin, sumasama siya kay Marcus dahil hindi niya pa ganun ka-kabisado ang Maynila. Kahit na LDR kami ay hindi parin nawawala ang communication namin. Kaya ngayon, 1st Anniv na namin. Isu-surprise ko siya dahil sa mga monthsaries namin, siya ang mahilig mag-surprise. Ang alam niya ngayon, hindi ako makakapunta ngayon sa Tarlac dahil may inaasikaso ako sa Maynila. Nagtampo nga sakin ng sabihin ko yun kagabi sakanya eh.

Narinig ko ang malalim na bunting hininga ni Kiko ng makasakay na siya sa truck. Ilang minuto pa ay hindi parin niya sinisimulang pa-ndarin ang truck kaya dumungaw na ako sakanya at nakita ko siyang nakasandal sa upuan niya at pinagmamasdan ang picture namin sa cellphone niya. Napangiti naman ako dun.

"Madame Baby naman eh" may halong tampo na sabi niya habang nakatitig parin sa picture namin. Napabuntong hininga nalang siya ulit ng malalim at tinago na ang cellphone niya sa bulsa niya at sinimulan nang pa-andarin ang sasakyan.

Maya-maya'y nakarating na kame sa Hotel na tinutuluyan ni Mama at bumaba na siya. Nang makababa na siya at pumasok na ay bumaba narin ako ng dahan-dahan at sinundan siya pero nag-iingat parin ako para hindi niya ako makita.

"Nay Lea" sabi niya kay Mama ng makita niya ito at nagmano pa dito

"Oh Kiko" sagot naman ni Mama

"Wala si Madame Baby mo eh." sabi ni Mama sakanya

"Ganun na nga po. Haaayyy" malungkot na sabi pa niya at pabagsak na umupo sa sofa.

Dumungaw naman si Mama sa pwesto ko sa likod at nginitian ko. Nginitian ko naman siya pabalik. Agad narin siyang umalis upang maipagpatuloy ko na ang plano ko. Alam ni Mama ang plano ko, sakanya ko unang sinabi ito. Pinagtawanan pa nga ako eh.

Maingat akong naglakad palapit sakanya at sinigurado kong hindi niya ako mararamdaman. Ng makalapit na ako sa likod niya ay nilagyan ko na ng Blind Fold ang mga mata niya.

"Hoy! Sino to?" natataranta niyang sigaw at akmang kukuhanin ang blind fold sa mata niya ng dali-dali ko ring kinuha ang mga kamay niya at tinalian.

"Uy ano ba!" sigaw pa rin niya. Napatawa ako ng mahina sa reaksyon niya at marahan siya tinulak sa sofa dahilan upang mapahiga siya rito.

"Maawa ka po. May Girlfriend na po ako at mahal na mahal ko yun kahit may topak yun." sabi pa niya

Agad naman akong puma-ibabaw sa kanya at pinagala sa leeg at mukha niya ang mga kamay ko.

"May mahal na po ako. Maawa po kayo! Loyal po ako dun!" dagdag pa niya na nagpatawa sakin. Ngunit pinigilan ko natumawa ng malakas dahil baka makilala niya ako.

"Huwag naman po! Para lang
po sa Madame Baby ko ang puri ko." pagpapatuloy parin niya na naging rason upang mapatawa na talaga ako ng malakas. Nakita kong napakunot ang kanyang mga noo ng marinig niya ang malakas na tawa ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa ko. Nakita ko rin na unti-unti nang lumabas sa kanya-kanyang pinagtataguan si Marcus, Mayor Ito, Densyo, Darwin, Mama, Kuya John na tumatawa narin dahil sa mga pinagsasabi ni Kiko. Mas lalong nagtagpo ang mga kilay ni Kiko ng marinig niya ang malalakas na tawanan namin.

"HAHAHAHA! Ba-baby Boy naman kasi eh!" hindi parin ako pakapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa ko at kinuha ko narin ang blind fold niya. Agad namang nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako pero kumunot uli ang noo niya ng makita niya kung sino sino pa ang mga kasama ko na nagtatawanan. Kinuha na nina Darwin sa kamay niya ang tali na natatawa parin.

"Baby Boy. pffft. HAHAHAHA!" hindi ko parin talaga mapigilan ang tawa ko dahil sa mga pinagsasabi niya kanina. Napatuwid naman ako ng ng upo at napatigil sa pagtawa ng tiningnan niya na ako ng masama. Agad ko 'ring nilingon ang mga kasama ko at unti-unting tumigil narin sila sa pagtawa at napatayo nalang ng tuwid.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin ng may halong tampo parin ang boses niya. Umupo narin siya ng tuwid at humalukipkip sa isang gilid ng Sofa.

'Naku ang Baby Boy ko, nagtatampo.

"Baby Boy" malambing natawag ko sakanya pero hindi parin niya ako tintingnan. Sinensyasan ko naman ang mga kasama namin na iwan muna kami at agad rin naman silang umalis.

"Baby Boy" malambing na sabi ko parin sakanya at nilapitan na siya sa kabilang dulo ng sofa. Agad-agad ko namang pinalupot sa bewang niya ang mga kamay ko at nilagay ang chin ko sa balikat niya. Inamoy-amoy ko ang kanyang leeg.

"tsk." sabi niya at pilit na iniiwas ang kanyang leeg sa akin

"Baby Boy naman kasi eh." panlalambing ko parin sakanya

"tsk." sabi parin niya pero sa pagkakataong ito ay nilingon niya na ako.

"Happy Anniversary." nakangiting sabi ko sakanya ng lingunin niya na ako. Unti-unti ko naring nasilayang ang ngiti sa kanyang labi at yinakap na niya ako ng mahigpit.

"Happy Anniversary Madame Baby." sabi niya sa akin habang nakayakap parin sakin ng mahigpit.

"I Love you Madame Baby"

"I love you too Baby Boy"

------

A/N:

Hi Guys!
I've been addicted to CBY that's why I've decided to make a sequel. hahaha. Kathang isip lang po ito.
This Chapter is dedicated to @PixieAxe. Nabasa ko kasi yung story niya na sequel din ng SDTG and that gave me the idea to do this. :))

Sana sopurtahan nyo! :**

CBY: Our Crazy Beautiful LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon