"Mahal na Mahal kita, Hira. Mahal na Mahal!"
Napangiti ako. "Mahal na mahal din kita, Tris!"
Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at saka tinitigan ng deretso sa mga mata.
"'Di ko kakayanin kung mawawala ka sa akin, Hira. Mababaliw ako!"
Mahina akong natawa. "Mababaliw rin ako, Tris. 'Di ko kasi kakayanin. Kaya, please... please promise me. 'Di mo ko iiwan. 'Di ka susuko. 'Di ka---"
"'Di ako titigil sa pagmamahal sa'yo, Hira. Lalaban ako. Lalaban tayo. Ipaglalaban natin 'to!"
"Walang susuko, walang mang-iiwan. Promise!" sabay naming usal.
"I love you so much, Hira!"
Napangiti na lang ako at saka hinintay ang labi niyang lalapat sa labi ko.
Mahal na mahal din kita, Tris. Mahal na mahal, sobra. Ikaw ang buhay ko.
Paulit-ulit akong napailing. "Nangako ka sa'kin. Nangako ka. Nangako tayo sa isa't isa. Walang susuko, walang mang-iiwan, 'di ba? Pero, bakit? Bakit ka sumuko? Bakit mo 'ko iniwan, Tris?" sunod-sunod kong tanong habang hawak ang litrato naming dalawa.
"Bakit?!"
'Di ko na napigilan pa at tuluyan ko nang na-ibato sa sahig ang litrato. Lumikha ito ng malakas na tunog. Basag na ang picture frame. Pero ang litrato sa loob, buo pa rin.
Mahina akong natawa.
Katulad ng picture frame, basag na rin ang puso ko. My heart just shattered into a million pieces. At katulad ng litrato sa loob, 'yung pagmamahal ko, buo pa rin.
Wasak na ang puso ko, pero bakit nagmamahal pa rin 'to?
Bakit minamahal pa rin kita, Tris?
Napapikit na lang ako at saka napahawak sa dibdib. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Ang sakit!
"Patawarin mo ako, Hira. Mahal kita, pero mas mahal ko pala 'yung sarili ko. Gusto ko nang maging masaya, makawala at makalaya. At magagawa ko lang 'yon kapag tumigil na ako sa pagmamahal sa'yo. I can't fight anymore. Mababaliw pala ako kapag pinagpatuloy ko pa 'to. So, let's stop here. Let's stop loving and choosing each other. I'm breaking up with you, Hira!"
Nangingilid ang mga luha kong napamulat. "Alam ko naman na ang dahilan kung bakit ka sumuko, kung bakit mo 'ko iniwan. Pero bakit gano'n? I keep on asking why! Bakit mo 'ko iniwan, bakit ka sumuko, bakit 'di ka tumupad sa 'yong pangako. 'Di ko alam!"
Tuluyan na akong napahikbi. "'D-di ko alam. 'Di ko alam k-kung bakit tanong pa rin ako ng t-tanong kahit alam ko naman na... kahit alam ko naman na 'yung sagot. 'Di ko a-alam!"
"Anak?"
Dahan-dahan akong napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa si Yaya Gina. Malungkot ang mukha nitong nakatingin sa akin. "Anak..."
"Y-yaya..." sambit ko dahilan para mas lalo akong mapaiyak.
She's my Yaya Gina. Ang itinuturing kong second mom mula no'ng mawala si Mommy.
Lumapit siya sa'kin. Umupo siya sa tabi ko at saka ako niyakap. "Iiyak mo lang, Anak"
Napahagulhol na ako nang marinig ang sinabi niya. "Y-yaya... ang sakit! Ang sakit sakit! Para akong pinapatay yaya. I can't fight!"
"Hayaan mo lang, anak. Dahil ang sakit na pumapatay sa'yo ngayon ay siyang bubuhay rin sa'yo balang araw. Darating ang araw na magiging maayos ka muli, mas malakas, matibay, at matatag. Kailangan mo lang magtiwala. Hindi lang sa sarili mo, kundi sa kanya. May dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon, anak"
BINABASA MO ANG
Love Island
RomanceAN ENTRY FOR BEGIN WITH THE END WRITING CONTEST BY WATTPAD ROMANCEPH. --- Ang islang bubuo muli sa nawasak mong puso. --- The photo I used for the book cover is not mine. Credits to the rightful owner.