#LAFK19-Bwisit ka!

323 15 0
                                    

(Wushu, sana sa chapter na 'to may vote and comment na! Kasi pagwala pa, matatagalan na naman pag-UD ko. Nag-UD lang ako kasi may message sakin! ^__^)

Xyriel POV

.

Katatapos ko lang magbihis ng pantulog at kausap ko ngayon si dad dito sa kwarto ko via phone call..

.

[Hello Xy, I'm sorry di ako makakauwi diyan.]

.

"Ano? Pero pano ako dad? Nabalitaan ko pa naman sa news na ulan mamaya at may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Alam niyo namang takot ako dun diba?"

.

Narinig ko yung paglabas niya ng hininga. [Kaya nga, pinapupunta ko siya diyan eh.]

.

"Sinong siya?"

.

"Ako."

.

Napalingon ako sa biglang nagsalita at...

.

"Ayn!?"

.

"Hello Impakta." Sabi niya at nagwave pa.

.

Binalik ko yung phone ko sa tenga. "Dad, bakit si--" napatigil ako ng biglang hinablot sa'kin ni Ayn yung phone. Pinipilit kong agawin pero hinahawakan lang niya ako sa noo.

.

"Hello po Tito.... Andito na po ako...... Opo... Don't worry po, ako na po bahala sa kanya..... Opo, sige po. Bye." Matapos niyang sabihin yun, binaba na niya ang phone. Tapos nagshrug siya na parang nang-aasar. "Wala na." Bigla na lang niyang itinapon yung phone ko sa Kama at nahiga...

.

"Waaaah! Umalis ka dito!" Sabi ko at pinaghahampas ko pa siya ng unan. "Alis! Alis! Alis!" Paulit-ulit kong sigaw.

.

Umupo siya at hinawakan niya dalawang kamay ko kaya napatigil ako sa paghampas sa kanya. "Pag Hindi ka pa talaga tumigil, makakatatlo ka na talaga sa'kin." Matapos niyang sabihin yun humiga siya ulit sa Kama..

.

"Walangya ka! Kung dito ka matutulog sa bahay, wag ka dito sa kwarto ko. Dun ka sa guest room! At tsaka, ano ba yang makakatatlo akong sinasabi mo ah?!" Sigaw ko sa kanya..

Love At First Kiss (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon