"How's it, Donovan, Satoshi?" Tanong ni Astra sa dalawa.
"Nasa hapag lang silang lahat." Tugon ni Satoshi.
"Mga nag-uusap habang kumakain. Maraming guards sa paligid." Tugon naman no Donovan.
"Totoo nga ang sinabi ni Ma'am Jessica, parang mga robot ang mga anak na lalaki. Nakakatakot," Sabi ni Satoshi.
"That's what you get from using those drugs." Sagot naman ni Donovan.
"Though, mukha naman silang normal pero halata mong kontrolado. Basta, ayon." Nagugulahan na sabi ni Satoshi.
Narinig niyang napangisi ang mga kasamahan sa sinabi ni Satoshi na ikinangisi na niya rin.
So, they're really using those drugs to their children so they won't oppose them. How pathetic.
Napailing na lamang si Astra at tumingin kay Maeko.
"You know what to do," Sabi ni Astra sa babae na ikinatango nito at umalis sa pwesto nila.
Nasa puno sila na may kalayuan sa bahay ng mga Mercedes. Minamanman ang bahay habang sila Donovan at Satoshi ay tinitignan ang ganap sa loob ng bahay, si Maeko naman ay pinapatulog na ang mga guards na sinasabi nila Satoshi. Si Duncan at Sancus ay hina-hack ang mga dapat i-hack at kino-contact ang ibang grupo na magliligtas sa mga kababaihan sa Mercedes.
"May nakabantay sa pintuan ng sinasabing sagradong pinto, Astra," Sabi ni Duncan.
"Ilan?" Tanong ng dalaga.
"Dalawa pero halatang heavy guarded pa rin ang pinto dahil sa structure nito." Sagot ni Duncan.
"Bakit?"
"Parang ito rin ang pinto sa mga bangko, may fingerprint access din at password. Pero ginagawan na ng paraan ni Sancus kung paano ka makakapasok roon." Sagot ni Duncan.
"Okay, naka-standby na sila?"
"Yes, naghihintay na lang sila ng next order."
Hindi na nagsalita pa si Blythe. Pero nagsalita na naman si Donovan.
"Astra, pinapaalis na ang mga babae."
"Puro lalaki na lang ang mga naiwan?"
"Oo, kahit ang mga kasambahay ay pinaalis din. Kahit sino pinaalis maliban sa mga lalaking Mercedes." Sagot ni Satoshi.
"Maeko. . ." Tawag ni Blythe sa babaeng kasamahan.
"You know what to do."
"Copy." Sagot ng dalaga at nawala sa linya.
Si Maeko ang magliligtas sa mga babae habang si Astra naman ang haharap sa mga lalaking Mercedes.
Bumaba sa puno si Astra at pinagmasdan ang paligid ng village. Tahimik at magkakalayo ang bahay kaya kahit sumigaw ang kahit sino sa loob ng bahay ng mga Mercedes ay walang makakarinig, unless may lumapit sa bahay na 'to.
Pumasok sa gate si Blythe dahil wala naman ng nagbabantay rito dahil pinatulog na silang lahat ni Maeko. Kalmado lang s'yang naglalakad habang hinihimas-himas ang kaniyang katana.
Nagawa pang magdoor bell ni Blythe. Pinagkrus ang mga kamay at tina-tap pa niya ang isa niyang paa habang naghihintay na pagbuksan siya ng pinto. Pero nakaka-tatlong doorbell na siya ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Siguro ay iniisip ng mga nasa loob ay pagbubuksan na siya dahil may mga guwardiya naman kaya hindi na siya pinagbuksan.
Nang mag-doorbell ulit siya ay naghintay pa muna siya ng ilang minuto bago marinig ang mga yapak ay agad niya nilabas ang katana. Nang bumukas ang pinto ay agad niyang tinutok sa lalaki na nagbukas ng pinto ang katana na hawak-hawak niya.
YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
ActionUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...