Episode #04: Decision

727 95 10
                                    

Chapter 04: Decision

Klenton's Point Of View

Luckily, hindi ako nalito sa mga pinaliwanag sakin ng captain nitong DarkThrone Squad. Kung hindi ako nagkakamali, Ashurin ang IGN niya sa game. Hindi ko alam kung ano ang totoong pangalan niya. Yun lang kasi pinakilala niya sakin eh.

Well, i can't blame him for treating me like a nobody here, dahil nga masyado pa akong newbie para sa larong to. At para sa kanila napakahalaga ng labang to dahil championship match na daw to.

Looks like I need to do my best too, haha. As if namang may magagawa nga akong best dito.

Pinakilala niya sakin ang tatlong miyembro ng squad niya. Hindi kona matandaan ang mga pangalan nito dahil nga masyado akong kinakabahan sa klase ng titig ng captain nila sakin simula pa kanina.

Mas lalo pa nga itong nagalit nung sinabi kong wala akong dalang ARMserver para makapaglaro eh at kung hindi lang siya naawat agad ng tatlo niyang kasama, malamang umaakyat ako ngayon sa center stage na may bugbog at pasa sa mukha. And that will be so much embarrassing.

"Don't scratch it. Baka masira mo yan. Lalo pa at bagong bili ko yan." Walang lingon-lingon na sita sakin ni Ashurin.

Naka lineup na kaming lima ngayon sa iisang side nitong center stage habang dun sa kabilang side na kaharap namin ay kita ko naman din ang isa pang grupo na makakalaban namin ngayon.

Ang aangas tingnan. Blue varsity jacket ang suot nila at may nakalagay na 'Senchin squad' sa parteng kaliwa ng didbib nila.

"Mukhang may baguhang recruit na naman silang sinali sa labang to. Ano ba yan. Wala naba talaga silang kayang ibuga at yang baguhang yan pa ang pinili nilang isali?" Rinig kong nang-aasar na komento naman nung isang lalaking nasa kabilang panig at sa akin pa talaga sila nakatitig lahat.

"Wag mona lang pansinin yan. Hindi nadin naman kami umaasa pang mananalo sa labang to eh kaya't wag kang mag-alala kung magiging walang silbe ka sa buong laro." Paalala sakin ng katabi ko. If i can remember it right, ang pangalan niya ay Ace. At mukhang Ace din ang IGN niya sa laro.

Parang ang harsh naman nung sinabi niyang magiging walang silbe ako sa laro. Kahit na baguhan ako o mahina, diba dapat sabihin man lang niya na i try ko ang best ko? Kung sabagay, newbie pa nga pala ako. Kaya wala pa talaga akong silbe dito. Nakakainis pero tatanggapin ko.

Nung magsimula ng sabihin ng emcee na nakapagitna sa amin ngayon ay sabay nadin naman kaming sampung players na umabante palapit sa white USB na naka set-up sa gitna.

Kapag nakalapit na daw kami sa one-meter radius mula sa pwesto ng USB nato, iilaw ang ARMserver namin at yun na din ang hudyat namin para pwede na nga naming mapindot ng three times ang bracelet nato. And of course, dapat pareho din ang 9 letters na ini input sa ARMserver para hindi ka mapahiya kung saka-sakaling ikaw ang matira sa center stage at hindi nakapasok sa loob ng arena.

Kaya't minabuti kong ulit-ulitin ang pag chi check ng bawat letters sa USB at dun sa ARMserver ko dahil mahina talaga ako sa pag me memorize ng mga bagay-bagay.

"Relax lang. Pang limang check mona yan. Sigurado naman akong tama na ang na input mo diba? Kaya't tama nayan bago kapa mabatukan ni captain." Bulong ulit sakin ni Ace kaya't agad naman akong napalingon sa gawi ni Ashurin at natigilan na nga ako dahil sa sobrang talim ng titig niya sakin.

Nakakakilabot! Pakiramdam ko gustong-gusto na niya akong sakalin kung hindi lang kami nakatayo sa harap ng maraming tao ngayon. Ganun ba talaga siya kagalit sa mga newbie? Na umaabot na sa punto na gusto na niya itong sakalin? Haha.

Nung sandaling maghudyat na ang emcee na pwede na kaming pumasok, kinalabit ako ni Ace para balaan ako at sabay-sabay na naming pinindot ang mga ARMservers namin ng tatlong beses at hindi nga nagtagal mabilis nading nahigop ang buong katawan namin at naipasok sa loob ng USB.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon