KABANATA 40

897 14 1
                                    

After a long drive, back to normal.

Kakatapos lang naming kumain sa restaurant nila Thunder at Chummy.

"Kumusta na kayo?" tanong ko kay Chummy at itinuro si Thunder na siyang kasalukuyang nakikipag-usap kay Sayoko.

Ngumiti siya.

Mukhang okay na sila. Sa nakita ko kanina, parang walang nangyari.

"Ngingiti ka nalang ba dyan? Magkwento ka na nga lang!" pilit ko.

"Anong kwento?" painosente pero mapang-asar na sabi niya. "Na hindi muna matutuloy ang kasal?"

"What?" Napatingin ang lahat sa lakas ng boses ko. Ganun din sina Sayoko, Yummy at Thunder na isa isang lumapit.

"Are you out of your mind?" bulyaw ko kay Chummy.

"Aki, nasa tamang katinuan ako no?" Seryosong nakikiusyoso ang tatlo sa usapan namin. "And you heard it right, we're not getting married YET," she said emphasizing the last word.

"Why not?" I rolled my eyes. "At ikaw," baling ko kay Thunder, "Pumayag ka naman?"

"Aki, kahit hindi yan pumayag wala siyang magagawa. Nakapagdesisyon na ako. I realized we're not yet ready and there's still a big room for us to grow. Hindi naman kami nagmamadali. Right?" Chummy looked at Thunder waiting for his answer.

"Right," Thunder simply agreed and smiled. I know, t'was a forced smile.

Sarap batukan 'tong dalawang to eh.

"Handa na ang lahat, ngayon pa kayo aatras?" inis na tanong ko.

Why am I acting like this? Daig ko pa ang nanay at tatay nila.

Inakbayan ako ni Chummy, "You know Akinka Harley, it's better this way. Kesa naman umatras ako sa mismong araw ng kasal at hindi siputin itong si Thunder sa altar. Look? Okay naman kami ngayon, kami pa rin naman. No need to worry, kailangan pa siguro namin ng konti pang panahon."

"Ewan ko sa inyo. Sumasakit ang ulo ko sayo Chummy ha. Babalik nalang ako ng Amerika, hindi mo ako makikita sa araw ng kasal mo," nagtatampong sambit ko at lumakad na ako palabas ng restaurant.

"Seryoso ka?" tawag ni Chummy.

"Hindi." Bago ako tuluyang makalabas ay narinig kong nagtawanan sila.

Bahala sila.

Sumakay na ako ng kotse ni Sayoko at sandali lang ako lumabas na din siya.

"Anong drama yan?" natatawang tanong niya pagkapasok niya ng kotse. Hindi niya agad ini-start ang kotse.

"Blah blah blah," I make faces then I look at him with a pout. "Hindi ko gustong nakakakita nang nauudlot na kasal, kahit ano pa ang dahilan."

Pumikit ako dahil hinalikan niya ako sa noo. "Salamat," ngumiti siya sa akin.

"Salamat saan?"

"For making me the happiest man on Earth. And I don't know how to pay you back."

I raised by eyebrow.

"What?" Isa pa 'to, sarap ding batukan.

"Drama mo din. You know you don't have to pay me back."

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Umaayos na kami sa pagkakaupo.

Sayoko started driving.

"It's mom," bulong ko bago sagutin ang tawag. Tumango lang siya.

I need to act normal. I should pretend. Na hindi ko pa alam na tumawag siya kay Sayoko at gusto niyang paghiwalayin kami.

Three Kinds of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon