"Napapansin naman nya ang lahat sa akin. Maliban sa isang bagay-ang aking damdamin."
Sanay naman akong gawin ang lahat sa buhay ko ng mag isa. Kumakain ako ng mag isa, namimili ng mag isa at maging sa paglalakad ko ngayon ay nag iisa ako.
Naisip ko, ganito ba talaga kalungkot ang buhay ng tao? Dumarating tayo sa mundong ito ng hubad, wala kahit ano-MAG ISA, at ang pinakamasakit ay umaalis ring walang kasama. Siguro, panandalian lang nagiging masaya ang buhay kapag nagkaroon tayo ng mga taong makakasama sa isang parte ng ating kabanata hindi man habang panahon.
Natagpuan ko na lang yung sarili kong malalim na nagmumuni muni at mag isang binabagtas ang kalsadang napupuno ng mga gusaling napalamutian ng mga makukulay na ilaw, ng mga nagsasayahang tao at nagmamadaling mga sasakyan. Saka ko naisip na hindi naman talaga ako nag iisa. Ang pag iisa marahil ay hindi estado ng buhay ng tao. Ang pag iisa ay pakiramdam. At kasalukuyang nasa pakiramdam ako ng pag iisa sa gitna ng kalsadang napapaligiran ng mga umiilaw na gusali, ng mga nagsasayahang tao at nagmamadaling mga sasakyan.
Lumagpas na ako sa tinutuluyan kong bahay. Kinapa ko ang bulsa ko at nahagilap ang isang benteng papel, dalawang mamiso at kalahating balat ng kinain kong tsitsirya.
Ayoko ng gatungan ang lungkot. At ayoko na ring dugtungan pa ang naiisip ko. Pero nakaramdam ako ng katiting na luwat sa puso habang hawak ang kalahating pisngi ng balat ng tsitsirya.
May mas lulungkot pa pala sa pag iisa. Yun ay ang alam mong may nawawalang parte ng pagkatao mo. At iyon ang lumbay na mas mahirap kung haharapin ng tao.
Hindi ko na tinigilan ang pag iisip. Gusto ko lang sagarin ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko namalayang nakadalawang kanto na rin pala ang layo ko mula sa amin. Kung tatanungin kung saan ko gustong pumunta, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ngayon, nag iisa ako sa paglalakad, walang nawawalang kahati ng pagkatao sa isang daan na hindi alam ang pupuntahan.
Naisip ko "bahala na kung saan makarating". Pero saglit akong napahinto habang tinatanaw ang mahabang kalsada. May mararating nga ba ang mga paa kong ito kung ipagpapatuloy ko ang paghakbang? Ano nga ba ang nasa dulo ng daan?
Katapusan. Dahil ang lahat ng bagay ay may katapusan.
At pagkatapos noon ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.Pagkaisip nito, pahakbang akong nagpatuloy.
Hindi alintana ang bagabag at lungkot na baon ko sa byahe ng paglalakad kong ito. Nung naisip kong katapusan ang dulo ng daan. Naisip ko ring baka sakaling may katapusan din ang pag iisang ito.
UNANG KABANATA.
Paano mo ba masasabi na unang kabanata ang mga pangyayari sa buhay mo kung ang lahat ng naganap ay hindi mo alam kung saan nag umpisa?
Katulad ng kwento naming dalawa.
Ako si Oh Carol. I am but a fool. Oo, yung hango sa lumang kanta? Kung batang 90's ka malamang naabutan mo sa Sundays Best ang kanta ni Neil Sedaka na may pamagat na Oh Carol. Napagkatuwaan nang idagdag ng mga kalaro ko ang "Oh" kasunod ng pangalan kong "Carol" noon. Noong mga panahong isa ako sa mga batang hamog sa lansangan. Nakikipaglaro ng tumbang preso, luksong baka, teks, chinese garter, iskul bukol, lutu lutuan, baril barilan, doktor kwak kwak, tagu taguan at kung anu ano pa na umuubos sa maghapon noong panahong hindi pa uso ang facebook at gadgets. Salamat nga pala sayo Neil Sedaka. Hindi naman ako naasar sa tukso nila sa akin, sa totoo lang swerte ko nga e. Instant may kantang pakiramdam kong ginawa para sakin. Na ako yung bida, ako yung sentro, ako yung mahal.
Ako si Carol. . a.ka. Oh Carol. 24. Nagmahal, iniwan, nagmamahal pa rin pero hindi tulad sa kantang Oh Carol, ako si Carol, na hindi napapansin.
BINABASA MO ANG
Oh Carol!
RandomPaano mo sasabihin sa taong tinanggihan mo noon, na gusto mo na sya ngayon? Kung nasanay na kayong maging masaya sa estadong "MAGKAIBIGAN NA LANG."