LOST CHAPTER 11
THE BULLY
ARCANE'S POINT OF VIEW
"Pfft." Humagalpak ng tawa si Zuri. Napaghawak pa siya sa kaniyang tiyan sa katatawa. "Anong bang ginawa mo at naka-limutan mong dalhin ang bag mo?"
"Akala ko kasi na bitbit ko na ang bag ko, kaya hindi na 'ko bumalik sa kwarto ko." Napakamot pa ako ng ulo.
"Ayan... ayan." She looks disappointed. Ibinaba niya ang biscuit na dapat niyang kakainin. "Maraming nagkakamali sa inaakala." Napa-iling na lang siya.
Tumayo ako para puntahan si Sky.
Nagtatakang tiningala ako ni Zuri. "Saan ka pupunta?"
Inginuso ko si Sky. "Doon kay Sky, sasama ka?"
Umiling siya."Hindi ako sasama, ibibigay ko na lang sa 'yo 'tong isang pad ng intermediate paper at isang ballpen para may magamit ka." Inilabas niya ang isang pad intermediate paper at isang ballpen.
"Salamat Zuri, pero kay Sky na lamg ako mang-hihiram." Pagtanggi ko.
Inirapan niya ako. "Okay fine" pagsuko niya. "Kung iyan ang gusto, ikaw na ang bahala." Nagkibit balikat siya.
Huminga ako ng malalim bago mag-umpisahang maglakad patungo kay Sky. Tiningnan lang ako ni Zuri na para bang sinusuri ang bawat galaw ko.
She mounted a "Good luck!" without a sound and she gave me thumbs up.
Bakit pa siya nah-thumbs eh, si Sky lang naman nagpupuntahan ko. Hindi ko na inisip pa kung anong ibig sabihin non dahil mas mahala sa akin ang papel at ballpen na gagamitin ko mamaya kapag nag-umpisa na ang klase. Sa susunod ko na lang uli iisip 'yon kapag may papel at ballpen na ako.
Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya lumingon sa akin pero alam kong naramdaman niyang may umupo sa tabi niya.
"Ano... Sky... pwede pa ba akong bumalik sa bahay?" Umaasang tanong ko.
Doon niya lang ako nilingon. "Why?"
"May naka-limutan kasi ak---" napahinto ako sa pagsasalita ng may ipinatong siya sa desk niya. Hindi ko napansin na may dala pala siya.
"Ang bag mo."
Lumawak ang ngiti ko ng ipinatong niya ang bag ko sa desk niya. "Oo"
Kukunin ko na sana ng i-layo niya ito sa akin. Bumasak ang mga balikat ko at sumimangot sa kaniya. "Akin na 'yan."
"No"
"Bakit naman?"
"Hindi ka ba magpapasalamat sa'kin?"
"Salamat" ngumiti ako.
"You're welcome."
Ibinigay niya na sa akin ang bag. Tumayo na ko at bumalik na sa kina-uupuan ko kung na saan si Zuri.
Tumingin siya hawak ko pagkatapos ay sa'kin naman tinaasa niya ako ng dalawang kilay. "Oh, nand'yan naman pala eh, sabi mo wala." Ngumiwi siya.
"Dala ni Sky" umupo na ako at kumuha ng biscuit na inalok niya sa akin kanina.
She grinned. "Ikaw ha... may taga bitbit ka pa ng bag mo." Pang-aasar niya sa'kin sabay hampas sa aking balikat ng pa-ulit ulit.
"Aray ko!" I exclaimed. "Masakit, Zuri! Tama na!" Kinurot ko siya sa tagiliran niya. Napa-urong siya kaniyang kina-uupuan ng gawin ko 'yon, at muntik pa siyang mahulog kung hindi ko lang siya hinatak sa braso.
Tawa lang siya nang tawa sa nangyari, parang wala lang iyon para sa kaniya. ito ba ang pakiramdam ng mag-chat sa 'yo ang crush mo? Kahit na masagasaan ka eh, ayos lang?
BINABASA MO ANG
Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)
Novela JuvenilMYSTIFY SERIES #1 Sky is the eldest child of three siblings. The eldest grandchild in his family. He's a caring brother to his siblings. A great brother to be exact. His parents want him to have a girlfriend. But he refused to have one. Having a gir...