STELLA's POV:
Maaga akong nagising o mas magandang sabihin hindi ako nakatulog dahil bukod sa nasa bahay ako ni Brayden ay iniisip ko ang anak ko. Maraming gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung anong uunahin ko.
Nandito pa rin ako sa loob ng kwarto natatakot akong lumabas dahil baka biglang sumulpot sa harapan ko si Brayden at ang mas malala ay makita ako ni Vivian na nandito sa bahay nila. Ayoko na ng gulo kaya nga ako lumayo dahil yun ang iniiwasan ko pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil nandito ako ngayon sa sitwasyon na tatlong taon kong iniwasan.
Ngayon ay mas nakita ko ang itsura ng dati kong kwarto ang nabago lang siguro ang ay ang sapin ko sa higaan pero kung anong ayos noon ng mga gamit ko at ganon parin sila hanggang ngayon maging ang mga gamit ko nood sa pag-aaral ay nakaayos parin nagtataka ako kung bakit dahil iniisip ko ay pina alis na ito ni Vivian at ginawang nursery room.
Tumayo ako at kinuha at picture frame, isang litrato na parang kahapon lang nangyari dahil tandang-tanda ko ang detalye kung paano ko nakuha ang litratong iyon. Ang litrato ni Brayden na kinuhaan ko noong minsan kaming mamasyal, yung araw na pinangarap ko na sana ay manatili lang kaming masaya at magkasama pero baliktad ang nangyari lahat ng kabaliwan na ginawa ko ay nauwi lang sa wala.
Ibinaba ko muli ang picture ng marinig kong bumukas ang pinto at katulad nga ng inaasahan ko, si Brayden ang pumasok.
''Why are you still here? You need to eat breakfast, Stella''
''I told you I'm not Stella, Im Anatalia''
Matagal ko ng kinalimutan ang pangalan na iyon dahil pangalan iyon ng isang babae na naghabol sa isang lalaki at umasa ng umasa hanggang sa nabigo. Humakbang siya papunta sa direksyon ko habang nakatitig sa mga mata ko.
Malaki ang pinagbago niya, mas naging matured ang mukha niya pero mas lalo siyang naging gwapo, what the hell? Ano ba itong naiisip ko.
''Hanggat nandito ka sa bahay na ito ay mananatili kang si Stella, You are Stella Alcoba''
I rolled my eyes, ''Just please tell me kung bakit mo ko dinala dito I fucking want to go home,
Brayden, may anak ka kaya alam mo rin ang pakiramdam ng mawalay sa anak ng ilang oras''
''How many times do I have to tell you that I won't let you go, you'll stay here at kung kailangan kong kunin ang anak mo at dalhin dito gagawin ko''
Gusto ko siyang sapakin sa sinabi niya, ayaw ko ngang ipakilala si Jaxon sa kanya tapos nagbabalak pa siyang kunin ang anak ko at dalhin dito.
''You're insane''
''You made me insane, Stella kung hindi ka umalis ay hindi ako magkakaganito what do you want me to do? To celebrate kasi may anak ka na at may asawa? Hell no, Stella. Im Alcoba and I can do whatever I want'' he went closer to me ''Kaya kong ibalik ang dating nararamdaman mo para sa akin, My Stella kahit abutin pa tayo ng ilang taon''
BINABASA MO ANG
ADOPTED
RomanceStella is 18 years old and Brayden is 28 years old. He adopted Stella to be his sister, but Stella suddenly felt something for Brayden, and she was certain it was love; but, would Brayden love her back once he discovers his adopted sister has feelin...