Ang Kasaysayan
Noong nalikha ang bansang Paraiso, ang tanging meron ay mga kalikasan, tulad ng mga kabundokan, kalupaan at karagatan, at maging mga hayop na naninirahan sa mga kalikasan tulad ng mga isda, insekto, at kung ano-anong nilalang.Ang buong bahagi ng Paraiso ay tinawag na Atlanian, at hindi nagtagal ay naging tahanan na ng mga taong tinatawag na Atlans.
Lahat nang mga Atlans ay may isip na tungkol sa mundong ginagalawan, tulad ng kung sinong lumikha sa lahat ng ito, kung ano ang kanilang pangalan, at maging sa kung anong nais nilang gawin.
Iba-iba rin ang kanilang wangis at pangangatawan, ang iba sa kanila'y mga binata't dalaga na, meron na rin mga matatanda na.
Upang maging maayos ang kanilang paninirahan dito ay sinimulan nilang magtayo ng mga sariling bahay at mga pagkukuhanan ng mga pangangailangan, tulad ng mga negosyo, tindahan, gusali at kung ano-ano pa, lahat ay madali nilang natapos dahil sa pagbabayanihan.
Hindi nagtagal, mas lumawak na ang pag-iisip ng mga Atlans tungkol sa pagmamahal at pag-ibig, kaya naman mas dumarami pa ang mga Atlans dahil sa bunga ng pagmamahalan, o sa madaling salita ay bumuo sila ng mga kanya-kanyang pamilya.
Sa pagdaan ng ilang araw, ang ilan sa mga Atlans ay bigla nalang nagtataglay ng mga kakayahan.
Karaniwan sa binayayaan ay mga kabataan at bagong silang, kaya lubos nalang ang pagtataka ng mga nakakatanda.
Ito'y dahil pinagkaluoban sila nina Bathala Maykapal at Bathala Tahanan ng iba't ibang mga kakayahan at kapangyarihan mula sa Elementong Tubig, upang kanilang magamit sa kung ano mang pagsubok na paparating.
Habang dumarami ang mga tao, meron na rin sa kanilang nagtataglay ng mga kakayahan at kapangyarihan mula sa apat pang Elemento, ang Lupa, Hangin, Apoy at Yelo. Kaya hindi nalang mga Water Gifted ang narito.
Lumipas ang ilang taon, nagkaroon ng pribadong pag-uusap ang pitong mas nakakatanda sa Atlanian, sa panahon na ito ang sino mang mga nakakantanda ay ang tinuturi nilang mga pinuno ng Atlanian, kaya may karapatan silang mag desisyon kung ano ang nararapat para sa mamayanan.
Lahat sila'y pumapayag na magkaroon ng isang Gifted na maging pinuno o kataas-taasan ng Atlanian. Ang Gifted na ito ay dapat nagtataglay ng hindi lang isang kakayahan, dapat siya ang pinaka-malakas at maraming bilang ng enerhiya, upang maipagtanggol niya ang nasasakopan. Tinawag nila itong, Protector o Tagapagtanggol.
Ang isa sa pitong nakakatanda na si Arthur Galang ay may mungkahi na magkaroon din ng dalawang malalakas na Shadow at sa dalawang Shadow na ito pagpipilian ang magiging Protector.
Ang hindi mapipili ay mananatiling Shadow at kaagapay ng Protector, lahat naman sila'y pumapayag dito.
Sa panahon na ito wala masyadong nangarap maging Protector, kaya kaunti lang ang nag nais na sumali sa tila patimpalak na isinagawa ng Atlanian para mahanap ang dalawang Shadow.
Sa huli, ang nanaig ay ang dalawang binata na anak ng dalawa sa pitong nakakatanda, sina Sanarthur Galang at Andres Waluna, dahil sa mga taglay nilang lakas at pambihirang kapangyarihan. Binansagan silang mga Sinaunang Shadow.
Ang lahat ng katangiang hinahanap nila para maging karapat-dapat na Protector ay nakikita nila kay Sanarthur Galang.
Kaya ang lahat ng Atlanian ay nagdiwang at nagbigay pugay sa Ika-unang Protector, si Sanarthur Galang.
◇◇◇◇
Hanggang Volume 2 nalang ako maglagay ng History parts para hindi kayo maspoiled at siguradong magugulat nalang kayo sa mga revealations.20+ ang Volumes nito kaya mahaba-haba pa pagsasamahan natin.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasíaNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...