𝙰𝚕𝚒𝚌𝚎'𝚜 𝙷𝚘𝚖𝚎
???Alice POV:
Nung bata pa ko noon, na curious rin ako sa father ko. Inalam ko kung bakit sya umalis at iniwan kami ni mama. Tinanong ko si mama noon kung ano ang imahe nya para malaman ko kung magkita man kami. Pero bigo ako at di nya binangit sakin.
One day, umalis si mama ng buong araw at naiwan ako sa bahay ng mag isa. Wala akong magawa nun at nag hahanap ng laruan. Naisip kong libutin ang bahay at alamin ang mga lugar kung saan nakalagay ang mga laruan at makakita ng magagandang bagay.
Linibot ko ang bahay at pinasok ko bawat kwarto kasama na kay mama. Nakita ko sa kwarto nya ang magandang higaan at malinis na kwarto. Tumalon ako sa kama at humiga para ma enjoy ang napaka bangong higaan. Bumangon ako kinalaonan at tinignan ang lamesa niya.
Nakita ko ang isang ballpen? Parang ballpen sya pero astig yung panulat nya. Nakita ko rin ang isang bulaklak na naka drawing sa gitna ng ballpen, di ko nalang ginalaw at umalis nalang ako sa kwarto. Nang aalis nako, napansin kong meron pang isang kwarto sa tabi ng room ni mama. Na curios ako at nag decide akong pasukin to.
Nang binuksan ko ang knob, himalang hindi ito naka lock. Binuksan ko nalang ang pinto at pumasok rito. Bumungad sakin ang kulay grey na kurtina at Black&White na kama sa gitna. Nakita ko rin ang mga naka frame na mga certificates na nakasabit sa pader ng kwarto. Napansin ko rin ang mga trophy sa isang shelf sa kwarto.
"Kanino kaya to," Napaisip ako
Isa lang ang pumasok sa isip ko, yun ay yung father kong umalis. Nang aalis na ko sa kwarto at magsasara na ng pinto, nakita ko ang nag iisang painting na nakasabit sa itaas ng kama, isang bulaklak na kulay asul at naka frame sa isang inukit na kahoy. Umalis nalang ako at sinarado ang pinto.
YOU ARE READING
The Forgotten Aster On A Summer Field.
TienerfictieAlice, a normal sixteen-year old high school student, seems getting a lot to think on her plate. Like any normal student, presentations and school works exists just to make her life even worse, she seek comfort on the midst of toxic society. While b...