*Claire's POV
Hindi pa rin ako nakakamove on sa nangyari kahapon. Litong lito parin ako. Time Travel? Pft! Impossible. Nababaliw na yata ako. Pero ganun pa man ay gusto kong masigurado kung hindi ba ako nababaliw.
Nasa classroom lang ako ngayon at magsisimula na din ang aming klase. Pero bago pa man iyon ay, may announcement ang aming prof. Ngunit heto ako nakayuko lamang dahil parang sasabog na ang aking ulo sa kakaisip dahil kahapon.
"Good Morning class! Today there's someone who will seat in, in this class." anunsyo ni ma'am.
May nag sisimula na magbulong bulongan , curious sila kung sino ang mag seseat in sa klase namin.
"You can come in." Sabi ng aming prof
Noong pumasok na siya, agad namang nagsi tilian ang mga babae, kaya biglang napaangat ang aking ulo para tingnan kung sino iyon. Nagulat ako dahil siya yung lalaking nag abot saakin ng panyo doon sa library.
Agad naman siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan at nag simula na ang aming klase. May mga iba pa ring nagbubulong bulongan. Nakisabay na rin ako hehe!
"Sindy, sino siya? Sikat ba siya dito?" Pabulong kong tanong sa katabi ko.
"Oo bes! Sikat siya sa Campus. His name is Athan Regdon." Sabi ni Sindy
Athan Regdon
Athan Regdon
Athan RegdonPara bang nag echo yung pangalan niya sa isipan ko. Hmm
Habang nag fofocus sa pag-iisip, biglang lumaki ang aking mata nang mapagtanto ko na siya pala yung lalaking nasa panaginip ko kahapon!!
Yung pangalang binanggit ng babae na hindi ko masyadong narinig, ay nangangalang Athan pala! Mygosh!
Biglang luminaw ang imahe ng mukha niya sa aking isipan. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon. Siguro dahil matured looking siya doon. Ngayon kasi napaka baby face ng mukha niya. Or dahil sa pananamit niya? Ugh I don't know.
"Is there a problem Ms. Monteno? Sabat ng prof namin. Hindi ko namalayan na napatayo pala ako sa gulat.
"N-no sir." At agad akong umupo. Nakakahiyaaa!
Pero hindi sa pag iinarte, pero bakit siya? Alam kong may hitsura siya, sikat, at matalino pero babaero naman. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang babaero diba? Ako nalang ba? Lalo na't may girlfriend pa siya. Tapos malalaman kong siya yung papakasalan ko in the future? It's a big no no no for me. Bahala kayo diyan. It's just a mere dream anyway.
-
Natapos na ang klase namin. Hindi ko namalayan na wala na pala yung si Athan na 'yon at isang subject lang yata pinasukan niya. Naglalakad na ako pa puntang hallway ngunit may namataan ang aking mata na may naghahalikan. What the? PDA nila masyado. Pero dahil curiousity kills me, hinintay kong lumingon yung lalaki, naka uniform ito syempre tapos ang tangkad niya at yung buhok niya ay light brown? Hm smells familiar. Pogi ba 'to? charot. Wala lang curious lang ako.
At dahil narealize kong nagsasayang lang ako ng oras, napailing na lamang ako nag patuloy sa paglalakad. I'm tired you know, I wanna go home.
Ngunit bago pa man ako makalabas ng gate, may tumapik sa aking likuran at bago pa man ako lumingon ay nagsalita na siya.
"You dropped your wallet" sabi niya with his manly voice. Ang pogi ng boses, agad naman ako napalingon at kikiligin na sana nang makita ko ang pagmumukha niya. O.o
It's Athan.
Napansin ko ang mala kayumanggi niyang buhok at berde niyang mata. Siya pala yung may kahalikan kanina. At may lipstick pa sa side ng labi niya ah. May baho din pala 'to eh. Naiirita tuloy ako.
"Miss?" Saad niya. Hindi ko namalayan nakatulala pala ako.
"S-salamat" pautal utal kong sabi. Ba't ba ako na aawkward eh panaginip lang naman lahat ng iyon. Hindi ka niya kilala Claire mag tino ka nga!
Gusto ko sana siyang tanungin kung nagkita na ba kami dati or kung familiar ba ako sa kanya. Madami akong gustong itanong sa kanya dahil bago ko pa man siya makilala ay, nasa panaginip ko na siya. Ngunit bago ko pa man iyon maitanong ay may sumulpot na isang babae. Siya pala yung halipar- este babae na kasama ni Athan nung isang araw at siya din yung nakikipaghalikan kanina. In short siya yung jowa ni Athan.
"Babe! Anong ginagawa mo dito?" Pabebe niya sabi at agad naman napatingin sakin ng masama.
"Mauna na ako" Pag paalam ko kay Athan at agad na ding umalis. Okay, lagi nalang ako nag wawalk out sa harapan nila hays. Never mind.
Nakadating na ako sa bahay at sobrang nakakapagod ang araw na ito. Nilapag ko ang aking bag sa upuan at may kakaiba akong napansin. Agad ko namang binuksan 'to at may nakita akong isang libro. Kinuha ko ito mula sa aking bag at nagtaka ako dahil nandito lang pala sa bag ko yung hinahanap kong libro kanina sa Library. Multiple Universe sambit ko sa aking isipan bubuklatin ko na sana ito ngunit nadulas sa aking kamay at bigla itong nahulog.
Bumuklat ito at biglang lumiwanag ang paligid. Napapikit ako dahil sa silaw. Ngunit pag bukas ng aking mga mata ay-
"Aaaaaaacckk!!!!"
Eto muna po :* please support me! And leave some comments down below. See you next chaper!! :)
BINABASA MO ANG
Bound To Marry Someone I Hate
FantasyA girl who doesn't believe in such things. But fortunately she went to a place where she didn't expect to be. And she met someone