Chapter 19

1 0 0
                                    

"Ibabalik mo sa'min si Blythe, Liam," Sabi ni Theo sa pinsan.

Hinatid ni Liam si Blythe sa kanila para kunin dahil may misyon silang gagawin. Hindi naman makakapuslit si Blythe dahil magkasama silang dalawa ni Prama sa kwarto.

Si Maeko rin kasi ang mag-aayos sa kanya dahil hindi naman gawain ng dalaga ang mag-ayos talaga. Ang damit din na gagamitin nila sa misyon ay na kay Maeko rin at hindi rin niya madadala iyon sa unit na tinutuluyan nila ngayon.

"Yes, couz. Don't worry, ibabalik ko si bunso sa Linggo," Sabi ni Liam.

Nilibot ni Liam ang paningin sa buong unit at nagtatakang napatingin sa pinsang si Theo.

"Hindi pa rin ba kayo babalik sa bahay ni Lolo? Ang alam ko wala na roon sila tito Hadeon." Takang sabi nito.

"Babalik na dapat kami ngayon doon kaso kukunin mo naman si Blythe," Sabi ni Theo at bumuntong hininga.

"Doon mo na lang siya idiretso pagkahatid mo sa Linggo." Dugtong niya.

"Sure," Sabi ni Liam at kinuha ang duffel bag ni Blythe.

"Ako ng bahala kay Blythe, nasa unit ko lang naman kami. Ay mamamasyal din pala kami." Nangingiting sabi ni Liam kaya napailing na lamang sila Theo sa pinsan.

"Sige na, umalis na kayo dahil lumalalim na ang gabi," Sabi ni Prama at pinagbuksan sila ng pinto.

"Sige po, alis na kami." Paalam ni Blythe.

"Mag-iingat kayo," Sabi ni Prama.

"Kayo rin po, ba-bye!" Sabi ni Blythe pabalik at lumabas ng unit.

Pagkasara nila Prama sa pinto ay agad na napabuntong hininga si Blythe.

"Ang hirap 'no?" Tanong ni Liam habang naglalakad silang dalawa.

"Ha?" Takang tanong ni Blythe.

"Ang hirap na magpanggap sa mga kapatid mo na. . . alam mo na," Sabi ni Liam, hindi matuloy kung anong dapat sabihin dahil baka ma-offend ang pinsan.

"Na inosente?" Tanong ni Blythe na ikinatango ni Liam.

She smile bitterly. "Sobra. . . sobrang hirap."

Napayuko si Blythe. "Kasi pamilya ko sila pero may tinatago ako."

Tumingin si Blythe kay Liam. "Pag ba. . . pag ba nalaman nila. . . kamumuhian kaya nila ako?"

Nablanko ang isipan ni Liam dahil sa tanong ng pinsan pero binigyan niya 'to ng maliit na ngiti.

"Sigurado akong hindi, mahal ka ng mga 'yon e."

Napa-iwas ng tingin si Blythe at ngumiti ng mapait.

Sana nga.

Pagkarating nila sa condo unit ni Liam ay kumpleto na silang lahat grupo. Sila Sancus at Duncan ay busy na naman sa mga laptop nila habang si Donovan at Satoshi ay busy sa pag-aasikaso sa mga baril. Si Maeko naman ay tinitignan ang mga gagamiting armas mamaya kahit ang mga make up nito ay tinitignan kung kumpleto.

Napatingin sila kila Liam at Astra pagkapasok nila. Napapalakpak naman si Maeko ng makita si Astra.

"Buti dumating ka na. Naka-ready na ang damit na susuotin natin," Sabi ni Maeko.

Kumunot naman ang noo ni Astra at nilibot ang paningin sa buong unit.

"Where's Kian?" Tanong niya.

"Ah. . . Papunta na siya," Sabi ni Maeko at hinawakan ang kamay ni Astra.

"Let's go, Astra! I need to work my magic on you," Sabi ni Maeko at hinatak si Astra sa kwarto ni Liam.

"Magic? May magic siya?" Tanong ni Satoshi.

"Oo, kaya 'wag mong bu-bwisitin si Maeko dahil gagawin ka niyang palaka." Pananakot ni Donovan na ikinailing ng mga kasama.

Nakaramdam naman ng takot si Satoshi kaya bigla 'tong nanahimik. Nagpipigil naman ng tawa ang iba dahil bigla siyang naging maamong tupa.

"Pakisuot 'to at ito," Sabi ni Maeko at inabot ang dress at robe.

Pagkakuha niya ay agad na tinulak ni Maeko si Astra sa loob ng banyo kaya napailing-iling na lamang si Astra.

Lace see-through black dress with spaghetti strap ang susuotin ni Astra. Sa may dibdib at sa bottom part niya ay may makapal na tela, the rest part ng dress ay see through na. Ang haba ng dress ay nasa bandang gitna na ng hita niya at sa gilid nito ay may maikling slit.

Kahit ilang taon na siyang nagta-trabaho sa organisasyon at ilang beses na siyang nagsusuot ng mga ganitong damit ay naiilang pa rin siya. Kaya pagkasuot niya ay agad niyang sinuot ang robe na binigay sa kaniya ni Maeko.

Pagkalabas ni Astra ay nakabihis na rin pala si Maeko. Lace see-through dress din ang kay Maeko, deep v-neck style na hanggang sa may taas ng pusod niya kaya kitang-kita ang cleavage nito, see-through ang upper part ng dress habang ang bottom part ay hindi.

"Sobrang revealing naman niyan," Sabi ni Blythe.

Umupo siya sa minuwestrang upuan ni Maeko.

"Ito ang binigay e." Sagot ni Maeko at nilagyan na ng make up si Astra.

Tahimik lang at nag-oobserba si Astra habang ginagawa ni Maeko ang make up niyaa. Kinulot lang ang buhok ni Astra at smokey eye makeup ang ginawa sa kaniya. May binigay rin na lace black mask sa kaniya si Maeko.

Lumabas na ng kwarto si Astra dahil kailangan pa niyang ihanda ang mga armas niya habang si Maeko ay ginagawa na ang sariling makeup. Pagkalabas niya ay naka-tuxedo na si Liam habang ang apat na lalaki ay mga naka-upo lang.

"Ganda, " Sabi ni Satoshi na unang naka-pansin sa kaniya kaya nag silingunan ang iba.

Tumango-tango naman ang iba habang ang lalaking kailangan maka-partner si Blythe ay nakasimangot.

"Muhka kang pato," Sabi ni Blythe nang makalapit kay Kian.

Umirap si Kian at umismid. "Ang gwapo ko namang pato."

Hindi pinansin ni Astra ang sinabi ni Kian at inilahad at kamay.

"Nalinis na 'yan. Pinatalas na rin katulad ng gusto mo," Sabi ni Kian at nilagay ang dagger kay Blythe.

Tinanggal ni Astra ang dagger sa sheath nito at tinignan ang bawat anggulo. Tumango-tango si Blythe nilagay ito sa sheath na nasa dress niya. Kinuha niya ang belt na nasa mesa at naglagay ng mga dagger rito at ikinabit sa hita niya na matatakpan ng dress niya.

Nang maayos na lahat at nang matapos na si Maeko ay agad na rin silang umalis. Sumakay si Blythe sa kotse ni Kian, si Maeko kay Liam. Habang si Duncan at Sancus ang magkasama at si Donovan at Satoshi.

Nang malapit na sila sa venue ay agad na nilagay ni Astra ang mask na ibinigay sa kaniya ni Maeko. Pagkarating nila ay agad na pinagbuksan si Blythe ng valet habang si Kian ay inabot ang susi rito.

Agad na lumapit si Kian kay Blythe at hinawakan ito sa bewang. Lihim na nilibot ni Astra at Kian ang tingin sa buong venue. Maraming nasa gobyerno ang nandito ang iba naman ay artista.

No wonder, bakit hindi sila nahuhuli. Nasa liblib na lugar ba naman ang venue, wala talagang makakaalam. Blythe thought.

"What time is the transaction?" Bulong na tanong ni Astra kay Kian.

"They said they will text me," Sabi ni Kian na ikinatango ni Blythe.

Mahinang napasipol si Astra ng may mapansin.

"Isn't he the guy who will sell the drugs?" Sabi ni Blythe at tumingin sa isang direksyon na sinundan ni Kian.

"And what do you look. . . at. . . that." nangingising sabi ni Kian.

"The owner of the casino. . ."

Napangisi si Blythe sa narinig. Magkasama ang dalawang target sa isang lamesa at naglalaro.

"Target lock?" Nakangising tanong ni Kian.

"Target lock. . ."

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now