Balot ng dilim ang paligid ngunit naliliwanagan ng monitors ang lumalaki niyang eyebags. Sa nakalipas na linggo'y malaki na ang ipinayat ng katawan niya.
Bumagal ang pagtipa ni Alisa sa keyboard. Napasubsob siya sa mga braso at tahimik na humikbi.
Kasalanan niya ang lahat, kung bakit humantong sa ganito ang mga nangyayari. Paano ba siya makakahingi ng tawad?
"The shipping company just confirmed that my gift arrived. I'm glad umabot sa oras!" kabado niyang kausap.
"Ate, ano to? Hindi ko kailangan nito. Nag-aaral ako," tugon naman ni Skylar sa telepono.
It's sickening. Hindi niya pa mapigilan ang pag-ngiti noong mga panahong iyon.
"Alisa. Stop nagging me with this unimportant thing," wika ng kapatid, "I stopped playing games years ago. Anong alam mo? Ni hindi kita nakaharap buong buhay ko."
Masakit.
"Get back to your work and don't bother me."
Ngunit tanggap niya.
She's too late. More than five years late. All of this creation. A dream. All for nothing but scrap.
"I made this game for you," pagpapatuloy niyang hikbi.
"Happy birthday. Akala mo ba nakalimutan ko? I'm supposed to be the one to personally greet you even just inside the game," hagulgol niya.
"Hello Alex?" kausap niya sa telepono. Mabilis namang napatugon ang nasa kabilang linya.
"Yow! What's up?" anito.
"Birthday ng kapatid ko ngayon. Pwede mo bang isama si Sky sa Reignland? I'll cover the expenses."
Napaubo naman ang kausap. "I'm actually going to play with friends but anyways, sure!"
Gusto niya sanang magdiwang kasama ang nakababatang kapatid. Pero bakit ganito? Bakit sa ganito humangtong ang lahat?
"All I want is for you to know I am here."
"The server is down. Someone breached the systems and caused widespread glitches," kausap sa kaniya ni Lucas Evangelista, ang partner niya.
"What do you mean? What's happening? My brother's inside the game!" wala sa sariling kinuwelyuhan niya ang katrabaho. Napasinghap pa ang ibang kasama nila sa research team.
"And millions of other players too! Now get a hold of yourself 'cause I'm going inside the system to fix this mess. Keep the quantum drives running!"
Pinatay niya ang kapatid niya. Siya ang dahilan.
Maya-maya'y sinilip niya ang mga monitor na binabaha ng mga letra't numero. Rinig niya ang tiktak ng kamay ng isang orasan. Umuugong ang paligid dahil sa ingay na dulot ng naglalakihang makina sa ilalim ng facility.
Napahinga siyang malalim at pahid ng mga luha.
.
.
.
21 days after the launch...
.
.
.
Tumatakatak ang tunog ng mga bota. Langhap ang bakas ng pulbura sa ere. Tirik ang araw ngunit presko ang hanging pumapasok sa mga nakabukas na bintana.
BINABASA MO ANG
The Glitch Conqueror [Dropped]
Ficção Científica"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual reality gear, Dreamscape kung tawagin. Kung gusto mong mabigyan ng pagkakataong maging hari, ito na...